• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Atty. Ariel Inton PUNTO DE VISTA HINDI BA MAKAKABOTO ang mga SENATOR-JUDGES na PANSAMANTALANG NAKAKULONG DAHIL sa KASONG NO BAIL RECOMMENDED? 

SA MGA nangyayari ay mukhang may mga Senador pang makakasuhan at makukulong habang may impeachment trial si VP Sara Duterte. 

Inaasahang aabot daw ng pitong buwan ang trial bago ito matapos. Ipagpalagay na natin na nag-umpisa ang trial ay apat na Senator Judges ay wala dahil nakakulong, makakaboto pa ba sila sa impeachment trial?

Depende. Kung ang pagbobotohan ay isang pinagtalunan na motion during the trial ay hindi siya makakaboto dahil sa wala siya sa impeachment court. At ang boto lamang ng mga present ang kailangan para pagpasyahan ang motion.

Pero iba kapag magbibigay na ng hatol kung abswelto o hindi si VP Sara. 

NO PERSON SHALL BE CONVICTED WITHOUT THE CONCURRENCE OF TWO THIRDS OF ALL THE MEMBERS OF THE SENATE. 

Malinaw yan. Pero paano kung hindi makakaboto dahil nga wala siya. Kung wala siya ay SENATOR PA RIN BA SIYA? At kung sakali hindi siya makakaboto PERO SENATOR PA RIN SIYA mababawas ba siya sa bilang na ALL MEMBERS OF THE SENATE?

Paano naman kung halimbawa yung mga nakakulong nang nagsimula ang trial ay nakapag pyansa o na abswelto DURING THE IMPEACHMENT TRIAL, pero absent siya during the trial dates, pwede ba siya bumoto ng acquittal o conviction ni VP SARA?

Oo naman. Dahil Senator Judge siya. AT PRESENT NA SIYA DURING THE DAY JUDGMENT WILL BE RENDERED.

Ang two thirds vote of all members of the Senate ay sa araw ng pagboto ng hatol. NOT DURING THE TRIAL.

Paano absent naman siya during the trial ano basehan niya sa pagboto. Aba’y may transcript ng proceedings, may mga pleadings, dokumento, may video recording ng trial. Maski wala siya ay pwede niya tingnan ito para makapag-decide siya.

Walang pagkakaiba ‘yan na ang isang judge ang dumidinig sa kaso, tapos nag-resign o napalitan o nawala sa pwesto sa kalagitnaan ng trial ay papalitan ng bagong judge. ‘Yung bagong Judge ang mag dedecide hindi yung dati kahit hindi siya ang nagumpisa ng kaso.

Kaya ang debate kung 16 Senators ang kailangan para ma-convict si VP SARA ay magiging moot ang academic kung sa araw ng hatol ay present ang 24 Senators.  

At sa haba ng trial, maaaring makumpleto rin sila sa mahalagang araw na yun. At yan ang iniiwasan mangyari ng prosecution.