• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Mas mataas na pondo para sa edukasyon, isinusulong

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINUSULONG ng isang mambabatas ang panukalang magpataas sa pondo para sa edukasyon ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtaas ng Special Education Fund (SEF) levy mula 1% na maging 3%.

Sa ilalim ng House Bill No. 9227 o “Strengthened Special Education Fund Act of 2026,” na inihain ni Nueva Vizcaya Rep. Timothy Joseph “Tim” Cayton, layunin ng panukala na mabigyan ng mas sapat na pondo ang mga pampublikong paaralan para sa konstruksyon at rehabilitasyon ng classrooms, pagbili ng instructional materials, learning recovery programs, sanitation facilities, at iba pang pangangailangan ng mga estudyante at guro.

Ayon kay Cayton, matagal nang hindi naa-adjust ang kasalukuyang SEF rate kahit patuloy na tumataas ang gastos sa edukasyon at dumarami ang pangangailangan ng mga paaralan.

Binigyang-diin din ng mambabatas na malaking tulong ang dagdag na pondo upang masuportahan ang mga local school boards at mga LGU sa pagtugon sa kakulangan sa pasilidad at resources sa mga pampublikong paaralan.

Sa ilalim ng panukala, mananatiling eksklusibong gagamitin ang dagdag na koleksyon para lamang sa Special Education Fund upang matiyak na direktang mapupunta ito sa pagpapabuti ng edukasyon.

Ayon kay Cayton, ang pagtaya sa edukasyon ay pagtaya sa kinabukasan ng bansa at nararapat lamang na mabigyan ito ng sapat at napapanahong suporta.

 (Vina De Guzman)

16% NA PAGBABA SA 8 PANGUNAHING KRIMEN SA BUONG BANSA – PNP

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG-ULAT ang Philippine National Police (PNP) ng malaking pagbaba sa walong pangunahing krimen sa bansa, na nakapagtala ng 15.99% na pagbaba sa buong bansa mula Abril 6 hanggang Hunyo 3, 2026, kumpara sa monitoring period noong Pebrero 6 hanggang Abril 5, 2026.

Ipinakita ng datos ng PNP na ang mga insidente na kinasasangkutan ng walong pangunahing krimen ay bumaba mula 5,811 na kaso patungo sa 4,882 na kaso, na katumbas ng 929 na mas kaunting insidente sa buong bansa. Ang pagbaba ay naitala sa lahat ng kategorya ng krimen na minomonitor, na may kapansin-pansing pagbaba sa rape, physical injury, carnapping of motor vehicle, carnapping of motorcycles, robbery, theft, homicide at murder.

Ang tagumpay na ito ay kasabay ng pagpapatupad ng Safer Cities Initiative sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations (E-MPO) program, na inilunsad noong Abril 6, 2026. Pinaigting ng inisyatibo ang police visibility, mga nakatutok na pagpapatrolya, mga hotspot intervention, at mga pagsisikap sa pag-iwas sa krimen na nakabatay sa komunidad sa mga lugar na natukoy na vulnerable to criminal activity.

Sinabi ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief PNP, na ang mga pinakabagong datos ay nagpapakita ng epekto ng proaktibong pagpupulis at matibay na kolaborasyon sa pagitan ng pulisya, mga lokal na unit ng pamahalaan, at ng publiko.

“Ang pagbaba ng crime incidents ay patunay na kapag tuloy-tuloy ang police presence, mabilis ang pagtugon, at aktibo ang partisipasyon ng komunidad, may positibong resulta tayong nakikita. Ngunit hindi tayo titigil dito. Our goal is not only to reduce crime statistics but to ensure that every Filipino feels safer in their homes and communities,” sabi PGen Nartatez.

Binigyang-diin niya na ang mga natamong ito ay dapat magsilbing motibasyon para sa mga unit ng pulisya sa buong bansa upang ipagpatuloy ang kanilang mga pagsisikap at patuloy na pagbutihin ang paghahatid ng serbisyo.

“Magandang indikasyon ito na gumagana ang ating mga programa, pero kailangan nating panatilihin ang momentum. We will continue to strengthen crime prevention measures, improve police visibility, and work closely with our stakeholders while ensuring that all police actions remain within the bounds of the law and with full respect for human rights,” dagdag pa ni PGen Nartatez.

Sa walong pangunahing krimen, ang rape ang nagtala ng pinakamataas na pagbaba na 30.07%, kasunod ang physical injury na 25.18% at carnapping of motor vehicle na 25.93%, na malaki ang naitulong sa kabuuang pagbaba.

Binanggit din ng PNP na ang lahat ng walong pangunahing kategorya ng krimen ay nagtala ng pagbaba sa panahon ng implementasyon, na sumasalamin sa patuloy na pagbuti sa pag-iwas sa krimen at mga pagsisikap sa kaligtasan ng publiko sa buong bansa. (PAUL JOHN REYES)

Pagkalat ng online gambling billboards, kinondena

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na magsagawa ng isang komprehensibong rebyu sa out-of-home (OOH) advertisements na nagpo-promote ng online gambling kasunod nang pagtaas ng bilang ng gambling billboards sa Metro Manila sa kabila ng ipinapataw na pagbabawal sa mga ganitong advertisements.

Kinuwestiyon ni Bukidnon 3rd District Rep. Audrey Kay T. Zubiri sa ginanap na pagdinig ng House Committee Hearing ang patuloy na pag-apruba ng online gambling advertisements ng PAGCOR at ng Ad Standards Council (ASC), partikular na yaong nagpapakita ng ‘subliminal messages’ na nagnonormalisa at nang-eenganyo umano ng sugal kahit walang implementing rules and guidelines.

“I think we have to review this regularly because clearly these billboards pose a mockery to our discussions here and the commitment made by PAGCOR last time. Hindi kami nagpapacute lang dito sa Committee hearings natin” ani Zubiri.

Hinamon din ng mambabatas ang mga regulators sa approval process para sa nasabing advertisements, na tumataliwas sa pagresolba sa panganib na kaugnay sa online gambling sa pagpayag ng pormosyon nito,

“All of these ads we see in EDSA have gone through the PAGCOR and ASC. Paanong walang nakakuha sa board members niyo nang pinaparating na message? Kayo na mismo na aminadong problematic ang online gambling, binigyan niyo pa sila ng platform,” anang mambabatas.

Idinagdag nito na reponsibilidad ng gobyerno na protektahan ang publiko, lalo na yaong kabataan mula sa masamang epekto ng unregulated online gambling at advertising nito.

“Saying that it’s impossible to regulate online gambling, including its advertisements, will be the beginning of the end for this society. Hindi porket mahirap, hindi na natin dapat gawin. Tayo po ang sisingilin ng future generation. It is our duty to do what is right!” aniya.

Muling inulit ni Zubiri ang panawagan na istriktong oversight sa online gambling advertisements.

(Vina de Guzman)

Paggamit ng sinasabing “Blue Ribbon Committee” bilang plataporma umano ng political demolition jobs, kinondena ng Makabayan bloc

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KINONDENA ng Makabayan bloc ang paggamit ng sinasabing “Blue Ribbon Committee” hearing bilang plataporma umano ng political demolition jobs, alang batayang akusasyon at gawa-gawang naratibo laban sa mga progresibong lider at dating representante ng Makabayan.

Ayon kina Rep. Sarah Elago, Rep. Antonio Tinio at Rep. Renee Co, sa gitna ng nagpapatuloy na sigalot sa liderato ng Senado, nakababahala anila na may mga pagdinig na itinutulak sa ilalim ng kaduda-dudang awtoridad at pagkatapos ay ginagamit upang magpakalat ng mga alegasyong walang sapat na ebidensya.

“Kahiya-hiya sa mamamayan ang isang hearing na batbat ng tsismis, haka-haka, at pampulitikang agenda. Ang ipinresentang “ebidensya” ay hindi ebidensya kundi puro kuwento, insinuation, at tahasang kasinungalingan. Lalong nawawalan ng kredibilidad ang mga tinaguriang testigo dahil kitang-kita ang pagbabago ng kanilang script depende sa umiiral na pampulitikang alyansa. Pabagu-bago ang mga kasinungalingan depende sa kung sino ang kakampi at sino ang kalaban sa kasalukuyang agawan sa kapangyarihan. May mga pangalang nawawala at may mga bagong pangalang lumilitaw depende sa pangangailangan. Ito ang pinakamalinaw na patunay na maruming pamumulitika ang nagaganap. Weather-weather ang kanilang mga akusasyon. Hindi ito seryosong imbestigasyon kundi isang demolition job na nakabalot sa anyo ng Senate hearing,” saad sa statement ng mga mambabatas.

Muli ring pinabulaanan ng mga kongresista ang anumang pagtatangkang iugnay ang Makabayan sa flood control scandal.

Anila, walang flood control projects, infrastructure allocations, o project insertions ang Makabayan, kaya wala ring anumang kickback na maaaring matanggap.

“The Senate should get its house in order. Ang mga pasilidad at pondo ng bayan ay hindi dapat ginagamit para sa mga bogus na hearing, bogus na testigo, at bogus na ebidensya,” dagdag pa.

Inihayag pa na hindi papayag ang Makabayan bloc na matakot o maalarma ng mga gawa-gaang alegasyon, political harassment, o smear campaigns.

Patuloy anila nilang igigiit ang katotohanan at pananagutan habang naninindigan kasama ng mamamayan laban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan. (Vina de Guzman)

Mag-asawang Discaya kinasuhan ng graft, malversation sa Ombudsman

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAHAHARAP sa kasong graft and malversation ang mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya, at ang iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa umano’y anomal­ya sa flood control projects sa Calumpit, Bulacan.

Ito’y kaugnay ng P53.9 milyon rehabilitation project ilog sa Bulusan, Calumpit, Bulacan. Damay rin ang ilang opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office (DEO).

Non-bailable ang isinampang kaso kaya ang susunod na hakbang ay ang paghihintay na makapag-isyu ng arrest warrant. Si Curlee ay nakapiit sa Senado habang sa Cebu naman si Sara dahil sa hiwalay na graft and malversation case kaugnay ang P96.5-million na umano’y “ghost” flood control project sa Davao Occidental.

“Big fish talaga ang mga Discaya. Ang mga Discaya parang mga Napoles ‘yan dito sa flood control scam. Talagang malaking isda ‘yan. 2016 pa lang, nag-ooperate na sila. Bilyun-bilyong piso ang kanilang ninakaw. At dahil do’n, grabe ‘yung mga pagdurusang dinaranas ng mga kababayan natin kagaya ng sa Bulusan,” ani DPWH Secretary Vince Dizon. ( DARIS JOSE)

UMUSAD sa quarterfinals ang Filipino tennis star na si Alex Eala matapos talunin si Russia’s Alina Charaeva, 6-2, 7-5, sa Birmingham Open .

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Mabilis na nakontrol ni Eala ang unang set sa pamamagitan ng solidong serve at early break upang agad na makuha ang 6-2 na panalo sa opener.

Sa ikalawang set, mas naging dikit ang laban matapos makahanap ng tyansa si Charaeva at makalamang ng 5-2 kay Alex. Gayunman, hindi bumitaw si Eala at nagpakita ng matinding composure para makabalik sa laro.

Dahil sa panalo, pasok na si Eala sa quarterfinals kung saan makakaharap niya si Thailand’s Mananchaya Sawangkaew.

Unti-unti niyang binura ang lamang ng kalaban hanggang sa makuha ang sunod-sunod na puntos at maitabla ang laban, bago tuluyang tapusin ang set sa 7-5.

Dahil sa panalo, pasok na si Eala sa quarterfinals kung saan makakaharap niya si Thailand’s Mananchaya Sawangkaew.

Kitang-kita na malaki na ang improvement sa health…KRIS, patuloy na lumalaban dahil sina JOSH at BIMBY ang inspirasyon (ni:  ROHN ROMULO) 

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA Instagram post ni Kris Aquino, ibinahagi niya ang latest photos na kuha sa celebration ng 31st birthday ng kanyang panganay na si Joshua, kasama ang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Ibinahagi ng tinaguriang Queen of All Media batikang TV host-actress na malaking inspirasyon para sa kanya sina Josh at Bimby para patuloy na lumaban sa kanyang karamdaman.Panimula ni Kris, “Happy Birthday Kuya Josh! “Had I not been yours and Bimb’s mama, I wouldn’t have the courage and the purpose to continue with my treatments,” 

Pagpapatuloy pa niya, “The day to day pain in my joints caused by Rheumatoid Arthritis would be so unbearable except for the fact that when my legs give up, and I’m about to take a tumble, you and Bimb have developed this 6th sense and are there to catch me. 

“Thank you, kuya, for your encouragement to get me out of bed as you lead me outside to the living room to watch our favorite shows.”Dagdag pa ni Kris, si Josh daw ang humikayat sa kanya na maging active kahit

 patuloy na pakikipaglaban sa iba’t ibang autoimmune disease.

Say pa ni Kris, “You’re the only one who has the power to get me moving. My wish is to one day be able to join you for your daily 7000 to 10,000 steps. 

“You are my inspiration. I love you very much…”Dahil sa latest post ni Kris, marami nga ang natuwa na makita siyang nag-improve na ang health kumpara dati.Dalangin nang nakararami na sana’y tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling.

***

MGA SENIOR AT RETIRADONG MANUNULAT AT EDITORS, EMOSYONAL SA MEDICAL AT PINANSIYAL NA TULONG NG SPEED

MATAGUMPAY na naisagawa ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang outreach-fellowship program nitong Mayo 30 bilang pagkilala at pasasalamat sa mga senior at retiradong manunulat at editors ng entertainment press.

Sa temang “Taking Care of Our Own, SPEEd Cares,” binigyan ng SPEEd ng medical at financial assistance ang 14 honorees-beneficiaries mula sa industriya, katuwang ang mga mapagpalang sponsor na buong-pusong nagbigay ng kanilang suporta.

Walo sa 14 honorees-beneficiaries ang personal na nakarating sa programa upang tanggapin ang tulong mula sa SPEEd. Tuwang-tuwa ngunit naging emosyonal sina Nitz Miralles, Direk Armand Reyes, Mercy Lejarde, Chit Ramos, Erlinda Rapadas, Art Tapalla, Jeff Fernando, na tumanggap ng tulong para sa kanyang inang maysakit, at miyembrong si Anna Pingol, na tumanggap naman para sa kanyang amang nangangailangan ng matinding gamutan. 

Ayon kay SPEEd President Tessa Mauricio-Arriola, ang outreach program ay katuparan ng pangakong binitiwan ng kasalukuyang pamunuan ng grupo sa simula pa lamang ng taon.

“Noong aming induction noong Pebrero, nangako po kami na sa pagsisimula ng panibagong taon ng SPEEd at sa pagpasok nito sa bagong dekada, nais naming mas tumingin sa loob ng aming hanay at alagaan ang sarili naming mga kasamahan. Inalala po namin ang mga manunulat, editor at mamamahayag na tumulong magtaguyod ng entertainment press bago pa man nagsimula sa beat ang karamihan sa amin.”

Dagdag niya, “At ngayong araw, lubos po kaming natutuwa na ang pangakong iyon ay natupad na sa isang payak ngunit taos-pusong pagtitipon na puno ng pasasalamat, pagkakaibigan at pagmamahal.”

Hindi man nakarating ang iba pang beneficiaries tulad nina Ronald Constantino, Nora Calderon, Crispina Belen, Rowena Agilada, Joe Barrameda at Noel Asiñas dahil sa kanilang medical condition, ipinahatid pa rin sa kanila ang tulong mula sa SPEEd at sa mga sponsor ng programa.

Personal ding dumalo at sumuporta sa outreach program ang ilan sa mga sponsor, kabilang sina Claire Papa at Cecille Roxas ng Unilab, Marianne de Vera ng Pascual Laboratories, Andrea Millado ng Purple Hearts at Purple Hearts Foundation, Malou Choa-Fagar, mag-inang Rowena at Andrea Gutierrez, Rosbel Bunag and Clarice Artates of Startworks, Mae Sarenas ng Echo Jham, at SPEEd member Jun Lalin, na nagsilbi ring host ng programa.

Malaki rin ang pasasalamat ng SPEEd sa iba pang sponsor na, bagama’t hindi nakadalo, ay naging mahalagang bahagi upang maisakatuparan ang “Taking Care of Our Own, SPEEd Cares” outreach program. 

Kabilang dito sina Max Loyola at Dapne Abello of PLDT Home, Heart Evangelista, Yoly Crisanto ng Globe Telecom, Boots Anson-Roa Rodrigo, QC Councilor Alfred Vargas, GMA Network, Gigi Santiago-Lara na Vice President of Musical, Variety, Specials and Alternative Productions ng GMA Network Inc., ABS-CBN, MCD Multi Media Inc., Wilson Flores ng Kamuning Bakery at Vice Mayor Marcos Mamay ng Nunungan, Lanao del Norte.

Inaasahang hindi ito ang huling pagkakataong makakapagbigay ng tulong ang SPEEd sa mga kasamahan sa industriya.

Ang SPEEd ay isang non-profit organization na binubuo ng mga entertainment editors mula sa iba’t ibang pahayagan at online media platforms sa bansa.

Ilang mga koponan nagsimula ng dumating sa US isang linggo bago ang pagsisimula ng FIFA World Cup

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGSIMULA nang dumating sa US ang ilang mga bansa na lalahok para sa FIFA World Cup na magsisimula mula Hunyo 11 hanggang Hulyo 19.Bombo Medico Event

Nagkaroon ng iba’t-ibang send-off ceremony sa kani-kanilang mga bansa ang mga koponan.

Nasa Kansas City ang defending champion na Argentina national team na Albiceleste kung saan ipinakita ng three-time World Cup winning nation team ang kanilang mga posters kasama ang mga football stars gaya nina Lionel Messi at legend Diego Maradona.

Dumating naman sa Newark Internatonal Airport sa New Jersey ang five-time world champion na Brazil habang ang England team na Three Lions ay nasa Florida.

Kasama rin na dumating sa Florida ang national team na Scotland na Tartan Army.

Ilan sa mga koponan na inaasahan na darating sa mga susunod na araw ay ang Australian national team na Socceroos na pansamantalang maninirahan ang mga ito sa northern California.

Naghahanda na rinang mga bansang Germany,France, Spain,Portugal at Norway.

Habang nasa Mexico naman ang South Africa team na Bafana Bafana.

Nagsasanay naman ang US national Team sa Arthur Blank US Soccer National Training Center sa Georgia.

Mayroong 48 na bansa ang maghaharap sa 104-match up tournament kung saan ang finals ay gaganapin sa MetLife Stadium sa New Jersey.

Anti-Political Dynasty Act, inaprubahan ng House of Representatives sa final reading

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAPRUBAHAN ng House of Representatives sa final reading ang panukalang Anti-Political Dynasty Act na naglalayong huwag pahintulutan ang magkakamag-anak na tumakbo sa halalan.

Sa botong 267-20 at pitong abstentions, pinasa ng mga mambabatas ang House Bill No. 8389, o Anti-Political Dynasty Act, na pagbawalan ang mga magkakamag-anak na tumakbo sa halalan upang bigyan ng pagkakataon at oportunidad ang nakararaming Pilipino na magsilbi sa gobyerno.

Ang panukala ay iniakda nila Speaker Faustino “Bojie” Dy III at House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ng Ilocos Norte, kasama ang 173 iba pang mambabatas bilang co-authors. Ang nasabing panukala ay isa sa mga priority measures ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) at inendorso ni President Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Dy, ang HB 8389 ay tugon sa matagal na pangangailangan sa Saligang Batas na gumawa ng Anti-political dynasty law para sa mas masigasig na demokrasya

“Sa loob ng halos apat na dekada, naghihintay ang ating Saligang Batas na maisakatuparan ang pagbabawal sa political dynasties. Ngayon, kumilos ang Kamara. Isang mahalagang yugto ito sa ating demokrasya sapagkat ang isang pangakong konstitusyonal ay nagsisimula nang maging isang konkretong reporma,” ani Dy.

“This measure does not intend to target families or restrict legitimate political participation. It seeks to ensure that public office remains open to all Filipinos and that leadership is determined by the people’s trust, not by the concentration of power in a few clans.”

Nakasaad sa Article II, Section 26 ng 1987 Constitution na nag-aatas sa Estado na magbalangkas ng batas na ipagbawal ang political dynasties.

Sa ilalim HB 8389, ang depenisyon ng political dynasty ay kontrol, konsentrasyon at pagiging dominante ng isang pamilya at kanilang mga kamag anak sa loob ng second degree of consanguinity o affinity sa larangan ng politika.

Dito pinagbabawal ang mga magkakamag anak at kapamilya na humawak ng elective position sa isang lugar tulad ng national, provincial, city, municipal o maging sa barangay. Kabilang sa ipinagbabawal ang tumakbo ang magkakamag anak sa parehong congressional district para sa House of Representatives. 

Lahat ng kandidato ay kailangan mag submit ng sworn declarations sa Commission on Elections (Comelec) na ang kanilang kandidatura ay hindi saklaw ng anti-political dynasty relationship.

“This vote is bigger than any political party, family or administration. It is about giving future generations a more open and competitive democracy where public service is accessible to all who are willing and qualified to serve,” sinabi ni Dy. 

“The House has done its part. We hope this reform continues to move forward so that a constitutional promise made nearly 40 years ago can finally become a reality for the Filipino people.” (Vina de Guzman)

2 durugista, huli sa aktong bumabatak sa Valenzuela

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang hinihinalang drug personalities nang mahuli sa akto ng pulisya na sumisinghot umano ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, sinabi ni Police Investigator P/MSgt. Ana Liza Antonio na nakatanggap ng SMS complaint mula sa isang concerned citizen ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal drug activities ni alyas “Renz”, 33, pedicab driver, ng J. Santiago St., Libo 1, Brgy., Malanday.

Kaagad namang inatasan ni SDEU chief P/Lt. Sherwin Dascil ang kanyang mga tauhan na puntahan ang nasabing lugar para alamin kung may katutuhanan ang naturang report.

Pagdating sa lugar, naaktuhan nina PSSg Marlon Saquing at PSSg Ed Shalom Abiertas ang suspek na abala umano sa pagsinghot ng shabu sa loob ng kanyang bahay na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya pasado alas-3:40 ng hapon.

Nakumpiska sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3,876, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at drug paraphernalias

Dakong alas-1:40 ng Huwebes ng madaling araw nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 na nagsasagawa ng anti-criminality operation ‘Oplan Galugad’ si alyas “Marlon”, 36, na gumagamit din umano ng droga sa isang parking area ng 6111B Lower Tibagan,, Barangay Gen T De Leon.

Nakuha sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y ng shabu at drug paraphernalias.

Isinailalim na ang mga suspek sa inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutors Office kaugnay sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)