• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagkalat ng online gambling billboards, kinondena

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na magsagawa ng isang komprehensibong rebyu sa out-of-home (OOH) advertisements na nagpo-promote ng online gambling kasunod nang pagtaas ng bilang ng gambling billboards sa Metro Manila sa kabila ng ipinapataw na pagbabawal sa mga ganitong advertisements.

Kinuwestiyon ni Bukidnon 3rd District Rep. Audrey Kay T. Zubiri sa ginanap na pagdinig ng House Committee Hearing ang patuloy na pag-apruba ng online gambling advertisements ng PAGCOR at ng Ad Standards Council (ASC), partikular na yaong nagpapakita ng ‘subliminal messages’ na nagnonormalisa at nang-eenganyo umano ng sugal kahit walang implementing rules and guidelines.

“I think we have to review this regularly because clearly these billboards pose a mockery to our discussions here and the commitment made by PAGCOR last time. Hindi kami nagpapacute lang dito sa Committee hearings natin” ani Zubiri.

Hinamon din ng mambabatas ang mga regulators sa approval process para sa nasabing advertisements, na tumataliwas sa pagresolba sa panganib na kaugnay sa online gambling sa pagpayag ng pormosyon nito,

“All of these ads we see in EDSA have gone through the PAGCOR and ASC. Paanong walang nakakuha sa board members niyo nang pinaparating na message? Kayo na mismo na aminadong problematic ang online gambling, binigyan niyo pa sila ng platform,” anang mambabatas.

Idinagdag nito na reponsibilidad ng gobyerno na protektahan ang publiko, lalo na yaong kabataan mula sa masamang epekto ng unregulated online gambling at advertising nito.

“Saying that it’s impossible to regulate online gambling, including its advertisements, will be the beginning of the end for this society. Hindi porket mahirap, hindi na natin dapat gawin. Tayo po ang sisingilin ng future generation. It is our duty to do what is right!” aniya.

Muling inulit ni Zubiri ang panawagan na istriktong oversight sa online gambling advertisements.

(Vina de Guzman)