• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Regional top most wanted person sa kasong rape, nalambat sa Caloocan

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGWAKAS na ang maligayang araw ng 61-anyos na lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor-de-edad na biktima matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City 

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, ang akusado ay isang helper na residente ng Barangay 106, ng nasabing lungsod ay nakatala bilang No. 7 sa Top Ten Most Wanted Person sa Regional Level, No. 3 sa District Level, at No. 1 naman sa Station Level.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Goforth na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar.

Dahil dito, kaagad ikinasa ng pinagsamang mga operatiba ng Caloocan Police Intelligence Section, Investigation and Detective Management Section, Warrant and Subpoena Section, Women and Children Protection Desk, Regional Intelligence Division, at NDIT-RIU NCR ang manhunt operation hanggang sa masukol ang akusado malapit sa kanyang tirahan.

Hindi nakapalag ang akusado nang bitbitin ng mga pulis sa bisa ng multiple warrants of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 130, Caloocan City, para sa dalawang bilang ng Rape, Acts of Lasciviousness, at Lascivious Conduct in relation to Section 5(b) of R.A. 7610.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. (Richard Mesa)

P272K shabu, nasamsam sa durugista na naaresto sa sugal sa Caloocan 

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa P272K halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa isa sa dalawang kelot na naaresto ng pulisya habang naglalaro ng ilegal na sugal sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang mga suspek na sina alyas “Jerome”, 37, at alyas “Henry”, 44, kapwa ng PNR Compound, Brgy., 73, ng lungsod.

Ayon kay Col. Goforth, habang nagsasagawa foot patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 sa DM Compound, Brgy., 73, nang maaktuhan nila ang isang grupo ng kalalakihan na naglalaro umano ng sugal na ‘cara y cruz’ dakong alas-12:30 ng madaling araw.

Nang kanilang lapitan, nagpulasan sa magkahiwalay na direksyon ang mga ito subalit, nagawang maaresto ng mga pulis ang dalawa sa kanila habang nakatakas naman ang isa.

Nasamsam sa dalawang naaresto ang P600 bet money at pangara habang ang isang knot-tied transparent plastic pack na naglalaman ng nasa 40 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P272,000 ay nakuha kay umano kay alyas Jerome.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Transport News LASACMAR mbudsman pinahinto ang paggamit ng Stradcom IT system sa LTO

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAHINTO ng Ombudsman ang operasyon ng Stradcom IT system sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa mga alegasyon ng korupsyon at sa kawalan ng legal na kontrata.

 Dahil dito, ang Ombudsman ay nagbigay ng direktiba na gamitin na lamang ang sistema ng pamahalaan sa ilalim ng Land Transportation Management System (LTMS) ng LTO.

 Sa nasabing direktiba ay sinabi ng Ombudsman na ang Commission on Audit (COA) ay may nakalap na mga findings na nagsasabing ang Stradcom IT system ay may operasyon na walang “duly executed at subsisting contract.”

 Dahil dito, ang mga responsableng mga opisyales ay maaaring makasuhan ng administrative at criminal liability sa ilalim ng procurement at anti-graft laws.

 “There is graft and corruption, unauthorized use of government assets and prejudice to the motoring public,” wika ng Ombudsman.

 Ayon pa rin sa Ombudsman ay ang operasyon ng Stradcom ay hindi dumaan sa isang competitive procurement at contractual transparency. May kakulangan din ito ng audit trail at safeguards sa LTO-IT system.

 Nagbabayad din ang mga motorista ng karagdagan computer fees mula sa platform ng Stradcom kung saan mula January hanggang December 2025 ay nakakolekta ng mahigit sa P602.9 milyon pesos.

 Kung ang gagamitin ng mga motorista ay ang LTMS ng LTO hindi na sila kailangan magbabayad. Ang nasabing platform ayon sa Ombudsaman ay hindi nagagamit kahit na matagal itong may operasyon.

 Binigyan ng direktiba mula sa Ombudsman ang LTO ng limang (5) araw upang magbigay ng compliance report na nagsasaad ng “confirming cessation of use of the (Stradcom) LTO-IT System and detailing initial steps toward full LTMS utilization.”

 Ang LTMS ay isang sistema ng IT na may anim (6) ng taon ginagamit ng LTO na isang government-owned platform para sa mga serbisyo at transaksyon ng ginagawa sa LTO tulad ng pagrerehistro ng sasakyan.

“Non-compliance will be treated as a ground for appropriate administrative proceedings, which will include, but will not be limited to, imposition of preventive suspensions,” sabi ng Ombudsaman.

 Samantala, ang grupo ng Coalition 169 ay nagalak sa ginawang hakbang Ombudsman kung saan sinabi nila na mayron isang “strong affirmation that transparency, accountability and the rule of law must prevail in government transactions” sa nasabing desisyon ng Ombudsman.

  Dagdag ng grupo na dahil sa ginawang desisyon ng Ombudsman ay nagkaron din ng procurement compliance, public accountability, government data security, at nabigyan diin ang problema sa financial burden ng mga motorista.

 Sinabi rin nila na dapat pagaralan ng pamahalaan kung paano ang sistema ay magkakaron ng tinatawag na refunding costs sa mga transaksyon na nangyari. LASACMAR  

6K kabataan lumahok sa ‘i-ban ang vape at e-cigarette’ campaign

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN ang libu-libong kabataan at ang Department of Health (DOH) sa agarang pagpapatigil ng paggamit o ban ng vapes at e-cigarettes sa bansa, kasabay sa paggunita ng “World No Tobacco Day”.

Ikinatuwa ni Health Secretary Ted Herbosa ang nai-produce na film festival ng mga kabataan tungkol sa problema sa vaping dahil suportado ng kagawaran na ma-ban ang vape sa Pilipinas.

Binigyang-diin ng Kagawaran na ang kalusugan ay hindi dapat maisantabi ng anumang interes. Habang patuloy na isinusulong ang mas mahigpit na regulasyon sa vape, mahalaga ang sama-samang pagkilos upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa nicotine addiction at iba pang panganib na dulot nito.

Ang panawagan na pinangunahan ng TobaccOFF NOW! Movement ay humihiling na kumilos ang gobyerno at makialam sa tobacco at vape industry sa bansa upang maprotektahan ang kanilang henerasyon sa matagal nang pagkalulong sa nikotina.

Habang hindi pa ban, iminungkahi rin ng grupo na itaas ang age limit mula 18-anyos sa 25-anyos sa pagbabawal makabili; i-ban ang flavors ng mga vape, na sa kasalukuyan ay nasa 16,000 flavors sa international market, ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), at itaas ang buwis ng vape.

Samantala, umabot sa mahigit 6,000 kabataang Pilipino ang lumahok sa online at on-ground regional activities para sa World No Tobacco Day, na sini­mulan ng Mayo 20-31.

Ads June 8, 2026

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NUSTAR Online, inilunsad ang public online voting para sakauna-unahang NUSTAR Online Binibini (ROHN ROMULO)

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BILANG bahagi ng patuloy na ugnayan sa Binibining Pilipinas, mas inilapit pa ng NUSTAR Online ang mga tagahanga sa kompetisyon sa pamamagitan ng kapana-panabik na online campaign na makatutulong upang matukoy ang kauna-unahang NUSTAR Online Binibini. 

Idinisenyo upang ipagdiwang ang kagandahan, kumpyansa at pagpapakatotoo,  kinikilala ng espesyal na titulo na ito ang kandidata ng Binibining Pilipinas na siyang may pinakamahusay na kumatawan sa mga pagpapahalagang itinataguyod ng NUSTAR Online at matibay na kinatawan sa online na komunidad. 

Bago ang panahon ng pagboto, ang eksklusibong NUSTAR Online promotional video ay naipalabas na sa mga opisyal na Facebook at Instagram page kung saan ang mga kandidata ay ipinakikilala ang kanilang mga sarili at ibinabahagi ang kanilang pananaw sa mga pangunahing haligi ng pageant – Katawan, Kagandahan at Personalidad. Bilang bahagi ng kaparehong produksyon, gumawa ng patalastas pang telebisyon o TVC para sa ugnayan ng BBP x NUSTAR Online na ipapalabas sa susunod na mga araw. 

Ang promotional video at TVC ay hindi bahagi ng opisyal na botohan, parehong itong nagsisilbi bilang mahahalagang touchpoints na nagbibigay diin sa indibwalidad ng mga kandidata at nagpapakita ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Binibining Pilipinas at NUSTAR Online. 

Ang magiging basehan ng opisyal na botohan ay ang headshot ng mga kandidata at kanilang larawan na naka-swimsuit, kung saan itatampok ang mga ito sa mga NUSTAR Online platform. 

Ang botohan para sa headshot category ay magaganap sa NUSTAR Online FB at IG pages simula Hunyo 5 hanggang Hulyo 17, 2026 samantala ang botohan para sa swimsuit category ay magaganap sa NUSTAR Online website simula Hunyo 15 hanggang Hulyo 17, 2026.  Ang mga tagasuporta ay hinihikayat na sumali at magpakita ng suporta para sa kanilang paboritong Binibini sa buong panahon ng botohan. Para sa kumpletong mechanics ng botohan, bisitahin ang NUSTAR Online FB page. 

Ang kandidata na makakakuha ng pinakamataas sa overall online voting engagement ay makakamit ang 50% sa final score habang ang natitirang 50% ay tutukuyin ng NUSTAR Online 

Management base sa pagganap ng kandidata at partisipasyon nito sa naturang ugnayan o partnership. 

Ang mananalo sa titulo ng inaugural NUSTAR Online Binibini ay tiyak na makakapasok sa Top 12 Finalists at iaanunsyo ito sa Grand Coronation Night ng Binibining Pilipinas sa Hulyo 18, 2026. 

Higit pa sa inaasam-asam na titulo, asahan na ang kauna-unahang NUSTAR Online Binibini ay magkakaroon ng mga kapanapanabik na oportunidad, eksklusibong pakikipagtulungan  at mga kapakipakinabang na karanasan sa NUSTAR Online, na higit pang magpapatibay ng kanyang paglalakbay hindi lamang sa pageant stage. 

Para sa mas eksklusibong nilalaman, events at premium lifestyle experiences, sundan ang NUSTAR Online sa @nustaronline. (

Malakas ang chance na makapasok sa ‘MMFF’.. DINGDONG at MARIAN, muling magsasama sa romantic drama na ‘Remember’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIHAYAG na ang bagong pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay pinamagatang “Remember”. 

Ito na ang pinakahihintay na romantic drama ng real-life celebrity couple na mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at hatid ng ABS-CBN Studios at Star Cinema kasama ang APT Entertainment, AgostoDos Pictures, at Regal Entertainment. 

At pagkatapos ng reveal, lumipad na patungong Quebec, Canada ang mga bida at crew para kunan ang mga pangunahing eksena para sa paparating na pelikula. 

Parehong team na likod ng kanilang 2023 blockbuster hit na “Rewind” ang hahawak ng “Remember”.

Ibinahagi naman ni Dingdong na sobrang masaya siya sa muling nilang pagsasama ni Marian after three years.  Biro pa ng Kapuso Primetime King, mas makakasama na niya ngayon ang asawa, dahil pareho silang busy sa kani-kanilang projects. 

Tuwang-tuwa naman si Marian nang mabasa ang script ng movie, kaya sigurado silang magugustuhan ito ng kanilang tagasubaybay, na matagal na ring naghihintay sa muli nilang pagtatambal at dumating na nga ang tamang panahon. 

Siguradong kaabang-abang ang “Remember” na malakas ang chance na makapasok sa 2026 Metro Manila Film Festival sa December. 

***

Sigaw ng mga kabataan, ‘nasaan ang Hydra’ 

MATINDI ang ingay ngayon sa socmed tungkol sa opisyal na mainstream screening ng “Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan” ni Dustin Celestino na unang pinalabas nuong Oktubre 2025 sa Cinemalaya.

Maingay ang sigaw ng mga kabataan at estudyante na sana’y dumami pa ang mga sinehan na magpapalabas ng political-drama na ito na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Mylene Dizon, Jojit Lorenzo, Nanding Josef, at Dolly de Leon.

Napapanahon ang ‘Hydra’ lalo na ngayong maraming hinaharap na pagsubok ang bansa ang mga mamamayan lalo na sa estado ng ekonomiya at pulitika dito sa Pilipinas.

Mapangahas ang ‘Hydra’ sa pagsiwalat sa mga realidad ng socio-cultural at political conflicts at kung paano nito naaapektuhan ang buhay at moralidad ng mga tao.

Layunin ng mga teachers na ipapanood ito sa kanilang mga estudyante para malaya nilang mapaguspaan sa paaralan ang mga isyung panlipunan.

Pero paano nga naman ito mapapanood kung sa iilang mga sinehan lang ito mapapanood?

Nasira sa lalaki dahil palaging gumagastos…HEART, umaming minsan nang naging ‘sugar mommy’ (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA naging panayam ni Heart Evangelista sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’, tahasang inamin nito na minsan naranasan niyang maging isang “sugar mommy”.

Inamin din ng aktres/host/fashionista na halos siya na ang gumagastos sa loob ng kanilang dalawang taong relasyon.

Tanong ni Kuya Boy, dumaan ka ba sa point ng iyong buhay na gumastos ka para sa isang lalaki?

Matapang at walang kagatul-gatol na pag-amin niya, “I did have one boyfriend that I felt was not too proper.

“I didn’t like. There is something about him that left a bad taste in my mouth.

“Just one. I won’t say who.

“Lagi akong gumagastos. Sira ako sa lalaki. 

“That’s my language of love. that’s always been my language of love. 

“Ayun yung patanim ko kapag umalis ako na, ‘I’m sorry you lost it all’ ganyan.

“I’m very, very giving. I’m very generous.”

Justified naman ito dahil maging sa kaibigan ganun din si Heart.

“Pero kunwari sa pagkakaibigan I feel like… because I like to host… that’s me.”

Mahulaan kaya ninyo kung sino ang tinutukoy ni Heart sa mga past relationships niya?Isa-isahin natin ang mga lalaking na-link sa magandang aktres.

Una sa lahat ay si John Prats, na isinapubliko naman ni Heart.

Nabuo nuong 2000 ang kanilang loveteam at tuluyang naging magkarelasyon.

Sumunod ay si John Lloyd Cruz nuong 2005, pero hindi ito naisapubliko. Nanatili itong lihim, sa loob ng ilang buwan.

Matapos ang ang kanilang relasyon, pumasok sa eksena si Jericho Rosales. Marami nga ang nagsasabing greatest love ni Heart itong si Echo. 

Tatlong taon din tumagal ang kanilang relasyon na nagsimula noong 2005.

Naging kontrobersyal ang hiwalayang Heart-Echo.

Sumunod ang isang non-showbiz guy, na hindi rin naman nagtagal.

Muling umibig si Heart sa Japanese-Brazilian-model-actor na si Daniel Matsunaga. 

Nagkakilala ang dalawa sa taping ng prime timme drama series ng GMA na “Langit Sa Piling Mo” noong 2010.

At sa isang panayam kay Daniel, umamin itong sinagot siya ni Heart noong August 20, 2010.

Naging kontrobersyal din ang hiwalayan nila matapos ang dalawang taon.

Nang tuluyan silang maghiwalay muling binuksan ni heart ang kanyang puso sa piling ni senator Chiz Escudero, hanggang sa kasalukuyan.

Ngayon sa tanong na kung sino sa kanila ang tinutukoy ni Heart? Sino nga ba sa kanila ang may mga bali-balitang mahilig mamera sa kanilang mga nakaka-relasyon.

Bukod tanging isa lang talaga… siguro naman kilala niyo na kung sino siya!

***

OUT na ang indie aktor na si Drei Arias o Adrian Joseph Arias in real life.

Matapos siyang maging kinatawan ng King of The World Philippines noong 2025, ngayon opisyal na siyang kandidato ng Mister Gay World Philippines 2026 edition.

Si Drei ay isang pinoy actor, male pageant winner, model, Tiktoker, na tubong Malolos City, Bulacan.

Nagtapos sa kursong Bachelor of Arts Degree in theater Arts sa Bulacan State University.

Unang salang niya sa male pageantry ay nung sumali siya bilang Mister Bulacan (2018), Mister Continental Philippines – Tourism (2019), and mister Culture World Ambassador (2019) sa Ho Chi Minh, Vietnam. Nanalo siya bilang 1st runner up. Naiuwi rin niya ang tatlong major awards: Best National Costume (top 3), Best Talent (top 3), at Mr. Psalmstre.

Marami rin namang nagawang pelikula itong si Drei. Nakasama siya sa “Uncoupling” (2019), “Amore” (2020-2021), “My Toxic Lover” (2021), “Sana, Sana Tayo Sa Himig Ng Musika” (2021), “Why Love Why Season 2″ (2021), “L.A.F.S.” (2020), “Don Filipo” (2021), “Bingwit” (2022), at “Si Papa” (2017).

Kung may mga natuwa, marami rin ang nadismaya sa ginawang pag-amin ni Drei sa kanyang tunay na kasarian.

Bagama’t umamin siya dati na “gender fluid” siya, andun pa rin noon ang pagkalito sa tunay niyang pagkatao.

At ngayon nga na siya ang kinatawan ng ating bansa para sa nalalapit na Mr. Gay World Philippines, ano kaya ang naghihintay para sa future nito sa showbiz?

Sana naman hayaan na natin yung taong ilantad kung ano siya. Hindi ba’t mas mainam na ipakita niya kung ano talaga siya kesa sa itago niya ito. 

Who’s robbing who? Check out the trailer for “How to Rob A Bank,” starring Nicholas Hoult and Zoë Kravitz

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

What’s more powerful than money? An audience. From “Bullet Train” and “The Fall Guy” director David Leitch comes an action-packed heist film “How to Rob A Bank.” In the film, a group of internet-famous bank thieves stream their daring heists, landing themselves in the crosshairs of law enforcement. “How to Rob A Bank” stars Nicholas Hoult, Zoë Kravitz, Anna Sawai, Rhenzy Feliz, Christian Slater, Pete Davidson, and John C. Reilly

Watch the trailer: https://youtu.be/HKlVcIW3W7c

Check out the poster:“How to Rob A Bank” arrives in Philippine cinemas soon. 

About “How to Rob A Bank”:

In HOW TO ROB A BANK, a crew of social media-savvy bank robbers broadcasts their daring heists, unaware that their growing viral fame has put them in the crosshairs of a veteran FBI agent and a brilliant software engineer. Despite the unlikely duo closing in, the crime ring pushes past their limits, putting everything on the line for their beliefs – and their most ambitious heist yet.

Directed by: David Leitch

Written by: Mark Bianculli

Produced by: Brian Grazer, Jeb Brody, p.g.a., Allan Mandelbaum, p.g.a., Kelly McCormick, p.g.a., David Leitch, p.g.a.

Executive Producers: Ben Ormand, Mark Bianculli

Cast: Nicholas Hoult, Zoë Kravitz, Anna Sawai, Rhenzy Feliz, Christian Slater as Walton, with Pete Davidson and John C. Reilly

(ROHN ROMULO) 

Fr. Flavie, pinalagan ang kickback allegations ng ex-Marines

Posted on: June 6th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pinalagan ng Katolikong pari at human rights activist na si Fr. Flaviano Villanueva ang paratang ng mga nagpakilalang dating sundalo na nakatanggap siya ng kickbacks mula sa flood control projects sa isinagawang Senate Blue Ribbon Committee hearing nitong Huwebes, Hunyo 4.

Sa kanilang salaysay, inakusahan nila si Fr. Flavie na nakatanggap umano ng sobre na naglalaman ng pera malapit sa simbahan sa Mindanao Avenue sa Quezon City gayundin nakatanggap din umano siya ng maletang naglalaman ng pera na ipinadala naman sa address na tinukoy bilang “33 Clemente.”

Kung babalikan, si Fr. Flavie ay isang

bokal na kritiko ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang din siya sa mga nagsampa ng reklamong plunder laban kay Vice President Sara Duterte noong Disyembre 2025.