• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag-asawang Discaya kinasuhan ng graft, malversation sa Ombudsman

NAHAHARAP sa kasong graft and malversation ang mag-asawang sina Curlee at Sarah Discaya, at ang iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa umano’y anomal­ya sa flood control projects sa Calumpit, Bulacan.

Ito’y kaugnay ng P53.9 milyon rehabilitation project ilog sa Bulusan, Calumpit, Bulacan. Damay rin ang ilang opisyal ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office (DEO).

Non-bailable ang isinampang kaso kaya ang susunod na hakbang ay ang paghihintay na makapag-isyu ng arrest warrant. Si Curlee ay nakapiit sa Senado habang sa Cebu naman si Sara dahil sa hiwalay na graft and malversation case kaugnay ang P96.5-million na umano’y “ghost” flood control project sa Davao Occidental.

“Big fish talaga ang mga Discaya. Ang mga Discaya parang mga Napoles ‘yan dito sa flood control scam. Talagang malaking isda ‘yan. 2016 pa lang, nag-ooperate na sila. Bilyun-bilyong piso ang kanilang ninakaw. At dahil do’n, grabe ‘yung mga pagdurusang dinaranas ng mga kababayan natin kagaya ng sa Bulusan,” ani DPWH Secretary Vince Dizon. ( DARIS JOSE)