• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

Tigil pasada kasado sa Marso 26-27

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ILANG transport group ang nakatakdang ­magdaos ng dalawang araw na transport strike sa Marso 26-27 upang iprotesta ang labis na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Sinabi ni Piston national president Mody Floranda na kabilang sa mga lalahok sa naturang kilos-pasada ay mga public utility jeepneys (PUJ) at buses (PUB), utility vehicle express (UVE), transportation network vehicle services (TNVS), motorcycle taxis (MC), at iba pa.

“Napagkaisahan po ng alyansa ay ilulunsad po natin at dinedeklara po namin ngayon araw kasama ang iba’t ibang sektor na may magaganap na transport strike sa buong bansa,” ayon kay Floranda.
“Magmumula po yan ng March 26 hanggang 27,” aniya pa.

Kabilang umano sa ipapanawagan nila ay mas mababang presyo ng langis, pagtatanggal ng excise tax at ng Oil Deregulation law.

Tatapusin umano nila ang kilos-protesta sa pamamagitan ng pagmamartsa mula sa Welcome Rotonda, Quezon City patungo sa Mendiola sa Maynila sa Marso 27.

Ayon naman kay Mar Valbuena ng grupong Manibela, makikilahok sila sa naturang dalawang araw na tigil-pasada bunsod na rin ng kakulangan ng pamahalaan ng tugon sa lumalalang kalagayan nilang mga tsuper at ope­rators.
Bagama’t Huwebes at Biyernes pa aniya ang rally, maaaring tumigil na silang mamasada sa Miyerkules pa lamang.
Sa pagtaya ni Valbuena, maaaring umabot sa 500,000 PUV drivers ang lalahok sa nationwide strike.

Alex Eala hindi umubra kay Muchova sa Miami Open

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NATAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Miami Open.Ito ay matapos na mabigo siya kay Karolina Muchova ng Czech sa round of 16.Sa simula pa lamang ay dominado ni Muchova ang laro at nakuha ang 6-0, 6-2 na panalo.Sinamantala ng world number 14 na si Muchova ang mga nakamit na unforced errors ng 20-anyos na si Eala.Tinapos nito sa loob ng 22-minuto ang unang set at pagpasok ng ikalawang set ay mabilis na ito nakapasok sa 2-0.Una ng nagwagi si Muchova sa Qatar Open para sa kaniyang ikalawang single title.Magugunitang nakaabot sa round of 16 si Eala ng talunin sina Laura Siegemund sa Round of 64 at Magda Linette sa Round of 32.

GUNMAN SA CAPISTRANO SLAY CASE, INIHARAP SA MAYNILA

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIHARAP sa Talk To The People sa Manila City Hall ang pangunahing suspek sa pagpatay sa retiradong pulis na si George Capistrano.Sa pangunguna ni Mayor Isko Moreno at ng Manila Police District, ipinakita sa publiko ang itinuturong gunman sa krimen na iniugnay sa robbery-holdup.Batay sa imbestigasyon, nahuli ang suspek madaling araw sa San Pedro, Laguna, matapos ituro ng sumukong driver ng motorsiklo ang kanyang pagkakakilanlan.Ayon sa suspek, nasangkot siya sa mga kaso ng pagnanakaw na nauwi sa serye ng robbery-holdup mula pa noong 2024 sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.Ang pinakahuling insidente ay sa Maynila kung saan nasawi ang biktima.Nagpasalamat si Mayor Isko sa MPD at sa publiko sa pagbibigay ng impormasyon, habang ikinadismaya rin ang pagkakadawit ng live-in partner ng suspek sa pagtatago nito.Para sa alkalde, personal ang kasong ito, dahil naging bahagi ng kanyang security ang biktima—kaya’t tiniyak niya na may mananagot at walang makakatakas sa batas.Nagbabala rin si Mayor Isko na walang puwang ang krimen sa Maynila, at sinabi ring tukoy na ng mga awtoridad ang mga nasa likod ng mga insidente ng “basag-kotse” sa lungsod.Samantala, humingi ng tawad ang suspek, ngunit hindi ito tinanggap ng pamilya Capistrano.Nabatid ding may iba pang kasong kinakaharap ang suspek sa Baguio City.Sa ngayon, hawak na ng MPD ang suspek at inihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban dito. (Gene Adsuara)

Mukhang tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kalusugan… KRIS, binisita nang inaanak na si DINGDONG at wish na muling magsama

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NATUTUWA kami dahil mukhang tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kalusugan ni Queen of All Media Kris Aquino, na masisilayan sa video clip na ipinost sa Instagram ng hairstylist niya na si Jonathan Velasco.Makikita na masaya at nakikipagtawanan si Kris habang inaayusan kasama rin sa “A-team” ng TV host ang makeup artist na si RB Chanco at ilang staff.Sa isang bahagi ng video clip ay mapapanood nga ang pagkain ng grupo ni Kris sa isang buffet resto habang nakikipag-usap ang aktres kina Dingdong Dantes at Darla Sauler kasama ang anak na si Bimby.Marami rin ang natuwa sa muling nabisita ng aktor ang ninang na sa kasal na si Kris. May nagtatanong din kung may niluluto bang project para sa dalawa.Ilan sa comments ng netizens sa naturang post:“Miss Kris looks healthy. This is nice to see.”“The Queen is back! Sana magkaroon uli sila ng project ni Dingdong.”“Miss Kris looks healthy as she gained a little bit of weight. This is so nice to see. Sana nagtuloy tuloy na po ang pag galing at pag lusog mo po ms ms kris.”“Can’t wait to see you and hear you talk a lot and more and more chika.”“She looks so much better. thank you Lord!”“Thank you Lord! the famous laughter of Kris is back.”Una ngang nagkasama sina Kris at Dingdong sa horror-suspense movie na “Segunda Mano”, with Angelica Panganiban na naging entry sa 2011 Metro Manila Film Festival.Isa nga si Kris sa mga principal sponsors nang ikasala sina Dingdong at Marian Rivera noong 2014. (ROHN ROMULO)

Ipinaliwanag nila ni Dingdong ang kanilang sitwasyon… MARIAN, nag-sorry kay ZIA dahil sa naranasan habang nagpi-field trip

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na hindi talaga madali ang maging nanay sa dalawang anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto.Dahil sa na rin sa kasikatan nila sa entertainment industry, hindi talaga maiiwasan na maging sentro rin ng atensiyon ng publiko ang kanilang mga anak.Pahayag ng award-winning actress sa naging interview sa podcast ng “KC After Hours”, “Sa totoo lang mahirap. Minsan kasi kapag nagpi-field trip ‘yung mga anak ko, lalo na si Zia kasi malaki siya, nakikilala siya ng mga tao.“Napi-feel embarassed daw siya kasi minsan ‘yung mga classmates niya na parang ‘Paano ka nakilala nu’n?’”Pagpapatuloy pa niya, “So, parang sabi niya, ‘I don’t know Mama how to feel kasi parang I feel so embarrassed na, instead of magiging happy ako or I’m enjoying my field trip is parang nagwo-worry ako about people.’”Kaya naman ang ginawa nila ni Dingdong ay masinsinan nilang kinausap si Zia at ipaliwanag ang sitwasyon ng kanilang pamilya.“‘Ngayon kung nararanasan mo ‘to mga ganito, humihingi kami ng sorry sa’yo. Alam namin na hindi mo ito gusto.’“Tapos noong pinapaliwanag namin sa kanya na ito ang buhay namin, ‘Kung hindi ito ang trabaho namin, hindi natin alam kung saan tayo nakatira, saang school ka.“Hindi natin alam kung mabibigay namin ang gusto mo, makakain natin ‘yung gusto nating kainin. Pero maayos at marangal na trabaho kung ano ang trabaho ni Mama at ni Dada,’” kuwento pa ni Marian.After naman ng kanilang heart-to-heart tall kay Zia, ay nakapag-adjust na raw ito sa kanilang sitwasyon.“Sobrang matured ng anak ko kaya very thankful din ako na mabait ‘yung bata,” pagmamalaki ng TV host.“Naintindihan niya kami na parang hindi siya selfish na tao na ‘I don’t like!’ Hindi siya naging ganoon. Nakinig siya sa amin, inintindi niya. Although bata ‘yan, e.“Mararamdaman at mararamdaman niya. Ang mahalaga, napaliwanag namin sa kanya.”Samantala, nakatatanggap nga ng papuri mula sa netizens si Zia dahil marami ang nakapansin sa natural niyang ganda at minana talaga ang mga katangian ng kanyang mga magulang.Pinuri rin si Zia sa kanyang talento at pagiging aktibo sa iba’t ibang gawain tulad sa pagkanta at pagsali sa swimming competition, na umaabot sa bang bansa. Bagaj na ipinagmamalaki nina Dingdong at Marian.(ROHN ROMULO)

EJ Obiena nagtapos sa pang-siyam na puwesto sa World Athletics Indoor Championships sa Poland

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAPOS sa pang-siyam na puwesto si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa World Athletics Indoor Championships 2026 sa Poland.Nagkamit si Obiena ng 5.70 meters na clearance subalitn ito ay malayo sa mga podium finishers na kinabibilangan nina Mondo Duplantis ng Sweden, Emmanouil Karalis ng Greece, at Kurtis Marschall ngAustralia.Unang nakapagtala si Obiena ng 5.5 at 5.70 subalit bigo ito sa tatlong attempt ng 5.85.Maging ang kapwa Pinoy na si John Cabang Tolentino ay nabigo rin para makaabot sa semifinals ng magtapos ito ng ikaapat na puwesto sa Heat 1 ng 60 meters hurdles at may oras na 7.77 segundo.

PBBM, nagpasaklolo na sa mga operator at driver para mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga mananakay

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga operator at driver upang mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga mananakay.“Please help us so that our riding public will not have too much difficulty, first of all, and won’t be too heavily burdened by fares, because we all know what’s happening—the price of oil is changing all over the world,” ang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa harap ng mga operator at driver matapos pangunahan ang pamamahagi ng fuel subsidy sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), #1 Kennedy Road, Barangay Tambo, City.Layon nang ipinamahaging fuel subsidy ay maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa mga bus operator at drayber.“That’s why this is the government’s response. And, of course, we are always in need of assistance, support, and cooperation from the operators, the drivers—the entire system,” dagdag pa niya.Nauna rito, nanawagan si Pangulong Marcos na gawing mas maayos at episyente ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga driver at operator, kabilang ang paggamit ng digital payment systems.Inihayag ito ng Pangulo habang pinangungunahan ang pamamahagi ng P10,000 fuel subsidy kada bus unit sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), kung saan 27 bus operators na may kabuuang 1,096 unit ang nakatanggap ng ayuda.“I’m making sure that the system becomes orderly. So, we are now providing a 10,000 subsidy for each bus unit. Then for the method of payment, all kinds of payment methods are allowed,” ayon kay Pangulong Marcos.Bagama’t kinilala niyang may ilan pa ring mas nais ang tradisyunal na paraan, sinabi niyang, “There are still some who really prefer not to go digital. That’s also fine. They can issue a check, and if really necessary, even cash is still allowed.”“But perhaps it’s more convenient, easier and more practical if, as much as possible, we use digital payment,” dagdag na wika ng Pangulo.Samantala, nakatakda namang simulan ang nationwide rollout ng P10,000 fuel subsidy sa Abril 6. (Daris Jose)

Fuel supply sa Pinas, sapat hanggang sa kalagitnaan ng Mayo: DOE

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Department of Enery (DoE) na sapat ang suplay ng fuel hanggang sa ikalawang linggo ng Mayo.Sinabi Energy Secretary Sharon Garin na “on average, there is around 45 days worth of supply for the whole country to date,” base sa kanilang pakikipag-usap sa mga fuel company.Sa partikular, ang kasalukuyang domestic supply ng gasolina ay inaasahan na magtatagal para sa susunod na 53.14 araw; diesel, 45.82 araw; kerosene, 97.93 araw; jet fuel, 38.62 araw; fuel oil, 61.49 araw; at liquified petroleum gas, 23.51 araw.Winika ni Garin na patuloy na pumapasok ang suplay sa bansa simula nang makipag-usap ang gobyerno ng Pilipinas sa mga gobyerno ng supplier-countries gaya ng South Korea, Japan at Tsina.Nakakontrata na rin aniya ang 400 barrel ng Philippine National Oil Company (PNOC) at nakatakda namang um-order ang gobyerno ng mahigit sa 600 barrel ngayong linggo, may kabuuang halaga na P10 billion, mula sa iba’t ibang sources, bilang buffer na requirement para sa buong linggo.“We are building our buffer despite our limitations. Our team is hard at work in trying to make sure that, kahit na isa or dalawang araw yan that’s an important addition para lang sigurado po na our country does not run dry,” aniya pa rin.Kaya nga umapela si Garin sa publiko na huwag makipag-ugnayan o madawit sa hoarding at profiteering “because that will really affect the supply of the entire country.”Sa kabilang dako, sinabi pa rin ni Garin na ang pagtaas ng presyo ng fuel ngayong linggo ay mas maliit kumpara sa nakalipas na linggo.Ngayong linggo, ayon sa Kalihim, ang pagtaas ay nananatiling makabuluhan at may malaking epekto sa ‘transport industry, manufacturing sector, at perang pambili o panggastos ng sambahayan’ bunsod ng mga kaganapan sa Gitnang Silangan.Gayunman, tinukoy nito ang ilang ahensiya ng gobyerno na nagpapatupad ng mga hakbang para sa kanilang focused-clients para mapagaan ang epekto ng sumirit na presyo ng langis.Para sa DOE, tungkulin nito na tiyakin ang availability ng suplay.“Supply is still sufficient. It has not arrived at an alarming level because our regulations require 15 days but so far, we have not gone down to 15 days. We are still at a comfortable level,” aniya pa rin.Samantala, para kay DOE Energy Utilization Management Bureau director Patrick Aquino, tsinek ng energy audit teams mula sa ahensiya ang 400 government offices sa buong bansa kung saan nakapagrehistro ito ng 87% ng pagsunod.Para sa DOE lamang, ang compressed workweek, alinsunod sa direktiba ng Malakanyang ay nagresulta ng 40% na pagbaba sa energy consumption simula ng ikasa ang work-from-home arrangement noong Marso 9. (Daris Jose)

Navoteños, nakapag-avail ng serbisyong legal sa Katarungan Caravan

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING residente ng Lungsod ng Navotas ang nakapag-avail ng serbisyong legal sa isinagawang Katarungan Caravan na pinangunahan Department of Justice (DOJ) na ginanap sa Navotas Convention Center.Sa tulong ng mga kinatawan mula sa DOJ at volunteer lawyers, nakapag-bigay ang Pamahalaang Lungsod ng libreng serbisyo at kapanatagan ng loob sa mga Navoteño na nangailangan ng PSA documents, NBI at Prosecutor’s clearance, pati na rin ang ginawang libreng konsultasyong legal.Nagkaroon din ng mga lecture sa anti-Violence Against Women and Children Act, Katarungang Pambarangay, Safe Spaces Law, Sextortion at Cybercrime.Dahil dito, marami ang nasiyahan sa mga nag-avail ng serbisyong legal dahil hindi na kailangan silang pumunta sa ibat-ibang ahensya na malalayo para lang kumuha ng mga kailangang dokumento at lisensiya.Lubos namang nagpasalamat si Mayor John Rey Tiangco sa DOJ at volunteer lawyers sa matagumpay na Katarungan Caravan.“Patuloy po tayong magiging katuwang sa paghahatid ng programang direktang nakikinabang ang mga taong-bayan,” ani Mayor Tiangco.“Katulad ng DOJ, nais natin ang pantay na hustisya para sa mga Navoteño anuman ang kasarian, katayuan sa buhay at paniniwala,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Ads March 25, 2026

Posted on: March 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments