Ipinaliwanag nila ni Dingdong ang kanilang sitwasyon… MARIAN, nag-sorry kay ZIA dahil sa naranasan habang nagpi-field trip
- Published on March 25, 2026
- by @peoplesbalita
AMINADO ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na hindi talaga madali ang maging nanay sa dalawang anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto.Dahil sa na rin sa kasikatan nila sa entertainment industry, hindi talaga maiiwasan na maging sentro rin ng atensiyon ng publiko ang kanilang mga anak.Pahayag ng award-winning actress sa naging interview sa podcast ng “KC After Hours”, “Sa totoo lang mahirap. Minsan kasi kapag nagpi-field trip ‘yung mga anak ko, lalo na si Zia kasi malaki siya, nakikilala siya ng mga tao.“Napi-feel embarassed daw siya kasi minsan ‘yung mga classmates niya na parang ‘Paano ka nakilala nu’n?’”Pagpapatuloy pa niya, “So, parang sabi niya, ‘I don’t know Mama how to feel kasi parang I feel so embarrassed na, instead of magiging happy ako or I’m enjoying my field trip is parang nagwo-worry ako about people.’”Kaya naman ang ginawa nila ni Dingdong ay masinsinan nilang kinausap si Zia at ipaliwanag ang sitwasyon ng kanilang pamilya.“‘Ngayon kung nararanasan mo ‘to mga ganito, humihingi kami ng sorry sa’yo. Alam namin na hindi mo ito gusto.’“Tapos noong pinapaliwanag namin sa kanya na ito ang buhay namin, ‘Kung hindi ito ang trabaho namin, hindi natin alam kung saan tayo nakatira, saang school ka.“Hindi natin alam kung mabibigay namin ang gusto mo, makakain natin ‘yung gusto nating kainin. Pero maayos at marangal na trabaho kung ano ang trabaho ni Mama at ni Dada,’” kuwento pa ni Marian.After naman ng kanilang heart-to-heart tall kay Zia, ay nakapag-adjust na raw ito sa kanilang sitwasyon.“Sobrang matured ng anak ko kaya very thankful din ako na mabait ‘yung bata,” pagmamalaki ng TV host.“Naintindihan niya kami na parang hindi siya selfish na tao na ‘I don’t like!’ Hindi siya naging ganoon. Nakinig siya sa amin, inintindi niya. Although bata ‘yan, e.“Mararamdaman at mararamdaman niya. Ang mahalaga, napaliwanag namin sa kanya.”Samantala, nakatatanggap nga ng papuri mula sa netizens si Zia dahil marami ang nakapansin sa natural niyang ganda at minana talaga ang mga katangian ng kanyang mga magulang.Pinuri rin si Zia sa kanyang talento at pagiging aktibo sa iba’t ibang gawain tulad sa pagkanta at pagsali sa swimming competition, na umaabot sa bang bansa. Bagaj na ipinagmamalaki nina Dingdong at Marian.(ROHN ROMULO)