• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

₱4.56-B HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, WINASAK NG PDEA

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WINASAK ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ₱4,563,517,903.02 halaga ng iligal na droga nitong Marso 24, 2026 sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.

Ang kaganapan ay sinaksihan ni DILG Secretary Jonvic C. Remulla bilang panauhing pandangal at tagapagsalita at mga pangunahing kinatawan mula sa iba pang mga ahensya ng pagpapatupad ng batas, ang DOJ, DILG, mga non-government organization (NGO), mga media partners at mga barangay officials.

May kabuuang 1,136.5521 kilo ng ilegal na droga, at 657.1300 mililitro ng likidong ilegal na droga ang sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis. Kabilang sa mga sinira ay 555.2393 kilo ng Methamphetamine Hydrochloride o Shabu; 442.9399 kilo ng Marijuana; 1.6651 kilo ng MDMA o Ecstasy; 117.3860 kilo ng Cocaine; 15.8149 kilo ng Ephedrine; at 0.5070 kilo ng Ketamine. Kasama rin ang mga likidong sangkap tulad ng Amphetamine, Liquid Meth, Marijuana, Toluene, at iba’t ibang isinukong expired na gamot.

Ang mga iligal na drogang ito ay nakumpiska mula sa iba’t ibang operasyon kontra-droga na isinagawa ng PDEA, kasama ang iba pang ahensya ng pagpapatupad ng batas pati na rin ang mga iniutos ng korte na sirain.

Kabilang sa mga iligal na droga na sinira ay mahigit 43,000 gramo ng marijuana (kush), at mahigit 102,000 gramo ng cocaine na natagpuang lumulutang sa mga baybayin ng Palawan sa pagitan ng huling bahagi ng nakaraang taon at unang bahagi ng taong ito.

“PDEA remains committed to fostering partnerships and collaboration with coastal communities to prevent maritime drug smuggling, and lauds their integrity in promptly surrendering any recovered floating drugs,” sabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez.

Sa ilalim ng mahigpit na mga protokol sa seguridad, ang mga nakumpiskang droga ay inilagay sa loob ng isang high-capacity incinerator at tuluyang sisirain.

“PDEA is relentless not only in seizing these substances but also in ensuring that once they are taken off the streets, they are permanently destroyed,” sabi ni DG Nerez. Idinagdag din niya na ang quarterly na pagsira ng mga nakumpiskang droga ay isinasagawa nang buong atensyon ng publiko upang maalis ang anumang panganib ng pag-recycle at mapanatili ang tiwala ng publiko.

Pinuri rin ng PDEA ang mga Regional Trial Court (RTC) para sa kanilang mabilis na aksyon sa paglutas ng mga kaso ng droga, na nagbigay-daan sa napapanahong pagsira ng mga ebidensya; at ang mga katuwang na ahensya ng pagpapatupad ng batas at mga komunidad para sa kanilang walang humpay na suporta sa pambansang kampanya laban sa droga.

Ang mga katulad na aktibidad ng pagsira ay isinasagawa sa buong bansa, habang ang PDEA Regional offices ay patuloy na nagsasagawa ng regular na pagtatapon ng mga nakumpiskang ilegal na droga sa kani-kanilang mga hurisdiksyon.
(PAUL JOHN REYES)

Pang-‘Magpakailanman’ ang pinagdaanan niya noon… MICHAEL, naranasan na maghanap-buhay habang nag-aaral

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PANG-“MAGPAKAILANMAN” pala ang buhay noon ng Sparkle hunk na si Michael Sager.
Sa murang edad ay naranasan na ni Michael na maghanap-buhay noong nag-migrate sa bansang Canada ang kanilang pamilya.
Sa panayam ni Nelson Canlas kay Michael sa “24 Oras” kamakailan ay ibinahagi ni Michael ang kanyang pagsasakripisyo para sa pagmamahal sa kanyang pamilya.
“Hindi komportable ang buhay kapag lumilipat abroad,” bungad na kuwento ni Michael.
“I mean as much as we say na nasa ibang bansa kami. Just like them, and like me, we started from scratch.“Talagang walang-wala. So kailangan maghanap ng trabaho, gumawa ka ng community, family, and stuff like that.”
Katuwang siya ng kanyang mga magulang upang buhayin ang kanilang pamilya; kumakayod sa dalawang trabaho ang kanyang ama habang ang kanyang ina ay may mga sideline para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
“My parents were the reason, they’re my role models kung bakit ako ganito ka-determined, kung bakit I’m so hungry for goals.
“At the age of four, si Papa, he works two jobs, so does my mom.
“Until I was a teenager, they were finding so many side hustles, para lang ma-sustain yung buhay, para maging komportable kami.”
At bukal sa loob at may pagkukusang nagsimulang magtrabaho si Michael sa murang edad.
“At the age of 12, I auditioned to be an extra kasi I wanted to have my own allowance na for myself so I don’t have to rely on my parents.
“I got my first job at 16 and I told myself ‘pag nag-school na ako ako na bahala sa pamasahe ko, baon.”
Sa sipag ni Michael ay nakapag-ipon siya at nakabili ng sarili niyang sasakyan sa edad na disi-siyete.
Pumasok rin siya bilang tindero sa isang tindahan ng mga sapatos.
“Because of that, I really worked during school and then during summer, nakapag-ipon po ako noon to buy my first car at the age of 17. And then after that, I worked in the retail store selling shoes.”
Alam niyang hindi karaniwan ang mga pinagdaanan niya para sa isang Kabataang tulad niya, nguni’t tanggap niya ang tahaking ipinagkaloob sa kanya ng tadhana.
“Sabi ko, siguro binigay na sa akin ito ng Lord itong mahirap na challenge na ito para mas masimulan ko na agad.
“The time came na nabigyan ng opportunities, nabigyan ng projects. Sabi ko, hindi ko ito sasayangin. I mean, they might say it’s luck, but I really believe it’s all hard work,” saad pa ni Michael na ngayon ay nakabili na ng sarili niyang bahay na tirahan din ng kanyang pamilya.
“When I got evicted from ‘Pinoy Big Brother,’ sakto, that was the day that they landed in the Philippines.
“I had no idea. I had no idea when they were coming. A week later, I was able to move into my house, and I’m so thankful for that.
“They were able to see it. And they were able to live in it. We were able to build it together. “Kumbaga yung loob kasi empty yun, e.”
“Nakatulog kami sa sahig. Wala talaga as in walang-wala. Puno na yung bahay for me kasi nandun lahat, ‘yung family ko.”
At tulad ng karakter niya bilang Nate Lim sa “Born to Shine” series, makikita sa kaniyang karakter ang kanyang personal na paglalakbay at mga sakripisyo.
Iniaalay niya ang proyekto sa kanyang pamilya na sumuporta sa kaniya sa hirap at ginhawa habang tinutupad niya ang kaniyang mga pangarap.
“I’m thankful that you’re always here for me. I love you. I’m so, so thankful na despite everything, you guys chose to support me in such a wild dream of entering showbiz,” sinabi pa ng binata.
Kasama ni Michael si Zephanie sa “Born to Shine” na isang Kapuso afternoon series kung saan mapapanood rin sina sina Olive May, Manilyn Reynes, Tina Paner, Smokey Manaloto, Roselle Nava, Vina Morales, at Tessie Tomas, at iba pa.
Napapanood ito sa GMA Afternoon Prime sa ganap na 2:30 p.m.
***
BAGO pa man kinontrata ng Sparkle GMA Artist Center si Chanty Videla ay miyembro na ang dalaga ng sikat na K-pop girl group na Lapillus.
Pero sa kasalukuyan ay hindi aktibo ang grupo.
Kaya naman sa guesting ni Chanty sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay ito ang tinanong ng King of Talk sa dalaga, “I’ll put it straight. Nag-disband na ba Ang Lapillus?”
“Well, ang hirap pong sagutin kasi hanggang ngayon po talaga, hindi po kami binibigyan ng update ng company,” umpisang lahad ni Chanty, “so hanggang ngayon, we’re just like literally stagnant and doing our own stuff lang. Floating.”
Naghihintay at umaasa si Chanty sa kung ano ang magigigng desisyon ng MLD Entertainment na siyang may hawak sa Lapillus.
“So kung ano man po ‘yung maging conclusion ng company at some point, we’re just hoping that it’s the best for everyone na lang,” saad ni Chanty.
Taong 2022 unang sumikat ang Lapillus with their hit song “Hit Ya!”
Ang Lapillus ay binubuo nina Chanty, Shana, Yue, Bessie, Seowon, at Haeun; nagwagi rin ang grupo sa 2023 Asia Artist Awards sa Philippine Arena.
Pumirma si Chanty sa Sparkle noong 2022 at Abril 2024 ay pansamantalang “nag-leave” si Chanty sa Lapillus dahil sa health reasons.
Sa ngayon ay isa sa mga celebrity dance star sa “Stars on the Floor” Season 2 si Chanty na napanonood sa GMA Network tuwing Linggo ng 7:15 p.m. pagkatapos ng “Bubble Gang.”

(ROMMEL L. GONZALES)

A brand new record has been set! “Spider-Man: Brand New Day” becomes biggest trailer in history with 718.6 million views

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UPON its debut, the internet erupted with excitement, propelling Sony Pictures’ Spider-Man: Brand New Day trailer to a historic 718.6 million views in its first 24 hours, per WaveMetrix.

The trailer had already become the most-watched ever within just eight hours of launch, reaching 373 million views worldwide and surpassing Deadpool & Wolverine’s previous 24-hour record (365 million).

Watch the trailer: https://youtu.be/WMSNBV12MYs?si=f_DaGH3-pUQjjfiw

The Spider-Man: Brand New Day trailer also surpassed the 24-hour record set by Grand Theft Auto VI (475 million views), which was previously billed as the biggest video launch of all time upon its 2025 release. The trailer for Spider-Man: No Way Home—which went on to earn $1.9 billion at the global box office—generated 355.5 million views in its first 24 hours.

After the record-breaking global success of Spider-Man: No Way Home, Spider-Man: Brand New Day marks an entirely new chapter for Peter Parker and Spider-Man. Four years have passed since the events of No Way Home, and Peter is now an adult living entirely alone, having voluntarily erased himself from the lives and memories of those he loves.

Crime-fighting in a New York that no longer knows his name, he’s devoted himself entirely to protecting his city — a full-time Spider-Man — but as the demands on him intensify, the pressure sparks a surprising physical evolution that threatens his existence, even as a strange new pattern of crimes gives rise to one of the most powerful threats he has ever faced.

Spider-Man: Brand New Day is swinging into Philippine cinemas on July 29.

About Spider-Man: Brand New Day

After the record-breaking global success of Spider-Man: No Way Home, Spider-Man: Brand New Day marks an entirely new chapter for Peter Parker and Spider-Man. Four years have passed since the events of No Way Home, and Peter is now an adult living entirely alone, having voluntarily erased himself from the lives and memories of those he loves. Crime-fighting in a New York that no longer knows his name, he’s devoted himself entirely to protecting his city — a full-time Spider-Man — but as the demands on him intensify, the pressure sparks a surprising physical evolution that threatens his existence, even as a strange new pattern of crimes gives rise to one of the most powerful threats he has ever faced.

Directed by: Destin Daniel Cretton
Written by: Chris McKenna & Erik Sommers
Based on the MARVEL Comic Book by: Stan Lee and Steve Ditko
Produced by: Kevin Feige, Amy Pascal, Avi Arad, Rachel O’Connor
Executive Producers: Louis D’Esposito, David Cain
Cast: Tom Holland. Zendaya, Sadie Sink, Jacob Batalon, Jon Bernthal, Tramell Tillman, Michael Mando, and Mark Ruffalo (Credit: “Columbia Pictures”)

(ROHN ROMULO)

Abnormal lang ang naniniwalang normal ang nangyayari ngayon -Rep. Elijah “Eli” San Fernando

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ITO ang reaksyon ni
Kamanggagawa Partylist
Rep. Elijah “Eli” San Fernando
kaugnay sa pagsasantabi sa isyu ng oil crisis.

Ayon sa mambabatas, sa pagpalo ng presyo ng produktong petrolyo sa ₱110-₱130 kada litro ay dapat na nasa crisis mode na ang pamahalaan.

“Ang kailangan ng mga manggagawa at ordinaryong Pilipino ay kapanatagan—na sa gitna ng krisis ay may gobyernong handang gawin ang lahat upang mapawi ang hirap na nararanasan ng ating mga kababayan,” anang mambabatas.
(Vina de Guzman)

VP Sara Duterte, sasagutin na mga alegasyon sa kanya sa pagdinig sa impeachment complaints ng House Committee on Justice

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

OPORTUNIDAD na ni Vice President Sara Duterte na sagutin ang mga reklamo at akusasyon na nakapaloob sa impeachment laban sa kanya.

Ayon kay Deputy Speaker Paolo Ortega V, pagkakataon na ni VP Sara na sagutin ang mga alegasyon sa kanya ngayong pagdinig sa impeachment complaints ng House Committee on Justice ngayong Miyerkules (Marso 25).

Sinabi ni Ortega, endorser ng ika-apat na impeachment complaint, na ang isyu ay hindi lamang pulitika kundi bahagi ng constitutional duty ng isang public officials na sagutin ang mga seryosong alegasyon laban sa kanila.

“This is not just about politics—this is about accountability under the Constitution. The Vice President is duty-bound to respond to the impeachment complaints. Public office is a public trust—the people deserve answers,” anang mambabatas.
(Vina de Guzman)

Kaso ng human trafficking… MAS MARAMI PANG BIKTIMA NG ‘BACKDOOR’, ANG NAKAUWI

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado matapos makauwi ang panibagong batch ng mga Pilipinong biktima ng human trafficking, isang taon matapos silang iligal na umalis gamit ang “backdoor” exit routes.

Binigyang-diin ni Viado ang pangangailangang paigtingin ang pagbabantay sa mga kilalang ilegal na labasan, lalo na sa katimugang hangganan ng bansa, dahil patuloy na sinasamantala ng mga sindikato ang mga rutang ito gamit ang maliliit na bangka para ilabas ang mga biktima.

Ang dalawang biktima — mga lalaking edad 27 at 30 — ay dumating sa bansa madaling araw ng Marso 20 mula Vientiane, Laos sakay ng Philippine Airlines, matapos i-recruit para sa umano’y trabaho sa ibang bansa. Lumabas sa paunang imbestigasyon na umalis sila ng Pilipinas noong 2025 sa pamamagitan ng irregular migration corridor, o “backdoor” exit, sa karagatan ng Zamboanga upang iwasan ang opisyal na immigration control.

Ayon sa mga biktima, pinangakuan sila ng trabaho sa ibang bansa — bilang waiter at farm worker — na may buwanang sahod na Php 40,000 hanggang Php 60,000. Pagdating sa Laos, pinilit naman silang magtrabaho bilang “love scammers” na nambibiktima ng mga dayuhan sa online romance schemes.

Pinasalamatan ni Viado ang mga law enforcement agency at lokal na pamahalaan sa mga itinuturing na “hotspot” ng iligal na migrasyon dahil sa mas mataas na pagbabantay. Ibinahagi niya na nakatanggap sila ng ilang kahilingan para sa identity verification sa nakaraang taon kaugnay ng mga indibidwal na nahuling nagtatangkang tumawid nang iligal.

“Nangangako kami na magbibigay ng impormasyon sa mga ilegal na ruta na maaaring dinaanan ng mga biktima, upang makapaghigpit ang mga lokal na pamahalaan at law enforcement sa mga umuusbong na hotspot,” ani Viado. “Binabalaan ang mga trafficker na nagsasamantala sa mga illegal na labasan na malapit nang nagtutulungan ang mga awtoridad para pigilan ang mga ito, at paiigtingin ang mga aksyon,” diin ni Viado. (Gene Adsuara)

Kelot, pinagsasaksak ng dating lover ng kanyang live-in partner, tigok

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 22-anyos na kelot nang pagsasaksakin ng dating ka-relasyon ng kanyang live-in partner dahil umano sa selos sa Caloocan City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa pinagdalhang ospital ang biktimang si alyas “Mandac” sanhi ng mga tinamong saksak sa dibdib, leeg, at likod, habang tumakas naman ang suspek na si alyas “Bay” makaraan ang ginawang pananaksak.

Ayon kay P/Maj Valmark Funelas, hepe ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng Caloocan police, sinampahan na nila ng kasong homicide ang suspek na dating ka-relasyon ng live-in partner ng biktima.

Hihintayin na lamang aniya nila ang paglalabas ng warrant of arrest ng hukuman laban sa suspek bago nila isagawang muli ang pagtugis sa kanya.

Sa kanyang ulat kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, sinabi ni Maj. Funelas na nagkaroon muna ng komprontasyon sa pagitan ng suspek at biktima noong umaga ng Marso 11 sa Barangay 176-E, Bagong Silang, hanggang bumunot ng patalim ang salarin at inundayan ng mga saksak ang nakaalitan.

Sinabi ni Maj. Funelas na nakausap pa ng kanyang mga imbestigador ang biktima sa pinagdalhang pagamutan at naisiwalat ang pangalan ng sumaksak sa kanya kaya kaagad silang nagsagawa ng pagtugis subalit, bigo silang madakip ang salarin. (Richard Mesa)

Rider, itinumba ng riding-in-tandem sa Caloocan

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TUMIMBUWANG ang duguang katawan ng 28-anyos na rider nang ratratin ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa Caloocan City, Lunes ng gabi.

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si alyas “John”, residente ng Libis Talisay, Brgy. 12, sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat nina Police Investigators P/MSg, Marvin Doctor at P/Cpl. Aniceto Cabreros kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, sakay ng kanyang NMAX na motorsiklo ang biktima habang tinatahak ang kahabaan ng 10th Avenue, subalit pagsapit sa tapat ng Judicial Complex dakong alas-10 ng gabi ay pinagbabaril ito ng mga suspek.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang isinugod naman ang biktima sa nasabing pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay.

Kaagad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni P/Capt. Franky Leonardo Jr. hepe ng Caloocan Police Sub-Station 3 subalit, nabigo sila na maaresto ang mga suspek.

Nakuha ng pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45 baril, isang tingga at isang metallic fragment na isasailalim sa ballistic examination ng NPD Forensic Unit.

Base sa pahayag sa pulisya ng live-in partner ng biktima na si alyas “Dianne”, ilang araw bago ang pamamaslang ay pinagbantaan ng isang alyas “Maton”, residente ng Heroes del 96, Brgy. 73, ang biktima matapos pagbintangan na may kagagawan sa pagkaka-aresto sa isang alyas “Jefrey” na may kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
(Richard Mesa)

TINATAYANG 4.56 BILLION HALAGA NG SHABU, SINUNOG SA CAVITE

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG P4,563,517,903.02 billion halaga na illegal drugs o shabu ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Ageency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City Martes ng umaga.

May kabuuan na 1,136.5521 gramo ng solid illegal drugs, at 657.1300 milliliters na liquid illegal drugs ang sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis, isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito na may 1,000 degress centigrade na init nito. .

Kabilang sa mga sinunog ay 555.2393 gramo ng Methamphetamine Hydrochloride, o Shabu; 442.9399 gramo ng Marijuana; 1.6651 gramo ng MDMA o Ecstasy; 117.3860 gramo ng Cocaine; 15.8149 gramo ng Ephedrine at 0.5070 kilogram ng Ketamine.

Kabilang din dito ang mga liquid substance kabilang ang Amphetamine, Liquid Meth, Marijuana, Toluene at iba’t ibang sinurender na mga expired na meficines.

Ang mga droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) ay bahagi ng mga na nakumpiska sa iba’t ibang drug operations na isinagawa ng PDEA kasama ang kanilang counter part law enforcement at military units at hindi na kailangan na ebidensya sa korte.

Kabilang sa mga sinunog ay mahigit 43,000 gramo ng marijuana (kush) at mahigit 102,000 gramo ng cocaine na nakitang palutang-lutang sa shorelines sa coastal areas ng Palawan noong nakaraang taon at nitong unang taon.

Kabilang sa mga dumalo sina Secretary of Department and Local Government (SILG) Junvic Remulla, Cavite Governor Francisco Gabriel “ Abeng” Remulla, Secretary Oscar Valenzuela, Chairperson, Dangerous Drug Board, PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, PBGen Hanzel Marantan, Cavite Provincial Director Atiel R. Red, mga opisyales ng Barangay Aguado, Trece Martires City, at mga law enforcement agencies, Department of Justice (DOJ), at Department of the Interior and Local Government (DILG), non-government organizations (NGOs).

Sa mensahe ni Remulla, sinabi nito na ang isinagawang pagwasak sa illegal drugs ay hindi matatawag na war on drugs dahil dito ay may kaakibat na pagpatay kundi ito ay bahagi ng campaign against illegal drugs kung saan ito ay dumaan sa proseso.
(Gene Adsuara)

LTFRB HINIKAYAT ANG MGA DRIVER AT OPERATOR NA MAGKAROON NG E-WALLET PARA MAS MABILIS ANG PAGTANGGAP NG AYUDA

Posted on: March 25th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ang mga tsuper at operator na magkaroon ng e-wallet account upang mas mabilis at mas maginhawa ang pagtanggap ng ayuda.

Para naman sa mga walang kakayahan o hindi komportable sa paggamit ng e-wallet, maaari silang tumungo sa mga nakatakdang lugar ng distribusyon.

Ipinaliwanag ni LTFRB Chairperson Vigor D. Mendoza II na ang paggamit ng e-wallet ay pinakamabilis at pinakakomportableng paraan ng pagtanggap ng fuel subsidy dahil hindi na kinakailangang pumila nang matagal sa mga distribution venues.

“Lagi naming hangad na maibigay ang pinakamahusay na serbisyo, alinsunod sa utos ng Pangulo at ni Secretary Banoy. Sa aming panig, ang distribusyon sa pamamagitan ng e-wallet ang pinakamainam na paraan,” ani Chairperson Mendoza.

Kasalukuyang isinasagawa ng LTFRB ang mga paghahanda para sa implementasyon ng Fuel Subsidy Program na layong magbigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong operator at tsuper ng pampublikong transportasyon sa buong bansa, sa gitna ng matinding epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.

Inimbitahan na rin ng ahensya ang lahat ng kwalipikadong Electronic Money Issuers (EMIs) upang magsilbing Payment Channel Providers para sa mas episyente, ligtas, at transparent na distribusyon ng fuel subsidy assistance sa mga benepisyaryo ng programa.

Nagsimula na ang distribusyon ng fuel subsidy nitong Martes sa Metro Manila, na unang nakinabang ang mga tsuper ng traysikel.

Ayon kay Chairperson Mendoza, inatasan na niya ang lahat ng Regional Directors na pangunahan ang pag-update at pagsusumite ng data kaugnay ng distribusyon ng fuel subsidy sa kani-kanilang nasasakupan.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng agarang pagtugon sa lahat ng hinaing ng mga benepisyaryo.

“Mas mapapabilis ang lahat ng proseso kung magtutulungan tayo. Sa panig ng pamahalaan, ginagawa namin ang lahat ng hakbang upang mapadali ang distribusyon,” dagdag pa ni Chairperson Mendoza.
(PAUL JOHN REYES)