Mukhang tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kalusugan… KRIS, binisita nang inaanak na si DINGDONG at wish na muling magsama
- Published on March 25, 2026
- by @peoplesbalita
NATUTUWA kami dahil mukhang tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kalusugan ni Queen of All Media Kris Aquino, na masisilayan sa video clip na ipinost sa Instagram ng hairstylist niya na si Jonathan Velasco.Makikita na masaya at nakikipagtawanan si Kris habang inaayusan kasama rin sa “A-team” ng TV host ang makeup artist na si RB Chanco at ilang staff.Sa isang bahagi ng video clip ay mapapanood nga ang pagkain ng grupo ni Kris sa isang buffet resto habang nakikipag-usap ang aktres kina Dingdong Dantes at Darla Sauler kasama ang anak na si Bimby.Marami rin ang natuwa sa muling nabisita ng aktor ang ninang na sa kasal na si Kris. May nagtatanong din kung may niluluto bang project para sa dalawa.Ilan sa comments ng netizens sa naturang post:“Miss Kris looks healthy. This is nice to see.”“The Queen is back! Sana magkaroon uli sila ng project ni Dingdong.”“Miss Kris looks healthy as she gained a little bit of weight. This is so nice to see. Sana nagtuloy tuloy na po ang pag galing at pag lusog mo po ms ms kris.”“Can’t wait to see you and hear you talk a lot and more and more chika.”“She looks so much better. thank you Lord!”“Thank you Lord! the famous laughter of Kris is back.”Una ngang nagkasama sina Kris at Dingdong sa horror-suspense movie na “Segunda Mano”, with Angelica Panganiban na naging entry sa 2011 Metro Manila Film Festival.Isa nga si Kris sa mga principal sponsors nang ikasala sina Dingdong at Marian Rivera noong 2014. (ROHN ROMULO)