• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

Blackwater naka-isa na ng panalo laban sa Magnolia 97-91

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINULDUKAN na ng Blackwater Bossing ang magkakasunod na pagkatalo sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Magnolia 97-91 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Bumida sa panalo ng Blackwater si Rober Upshaw na nagtala ng 35 points at 14 rebounds.

Habang mayroong 26 points naman si Sedrick Barefield.

EJ Obiena nagtapos sa pang-siyam na puwesto sa World Athletics Indoor Championships sa Poland

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAPOS sa pang-siyam na puwesto si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa World Athletics Indoor Championships 2026 sa Poland.

Nagkamit si Obiena ng 5.70 meters na clearance subalitn ito ay malayo sa mga podium finishers na kinabibilangan nina Mondo Duplantis ng Sweden, Emmanouil Karalis ng Greece, at Kurtis Marschall ngAustralia.

Unang nakapagtala si Obiena ng 5.5 at 5.70 subalit bigo ito sa tatlong attempt ng 5.85.

Maging ang kapwa Pinoy na si John Cabang Tolentino ay nabigo rin para makaabot sa semifinals ng magtapos ito ng ikaapat na puwesto sa Heat 1 ng 60 meters hurdles at may oras na 7.77 segundo.

𝐖𝐡𝐞𝐫𝐞 𝐈𝐧𝐤 𝐌𝐞𝐞𝐭𝐬 𝐈𝐧𝐧𝐨𝐯𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UPMG celebrates the power and evolution of print at the Print Summit & HeADliners Awards 2025 on March 24, 2026, at the Glass Pavilion, Dusit Thani Manila.

Dive into inspiring talks, dynamic panels, and cap the day with the HeADliners Awards, honoring the top agencies and advertisers keeping print alive in a multimedia world.

#UPMGPrintSummit
#HeADlinersAwards2025

2 PAMPASABOG NAHUKAY SA GINAGAWANG DRAINAGE SA MAYNILA

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG uri ng pampasabog ang nahukay sa ginagawang drainage sa Manila City Hall ngayong Lunes ng hapon.

Kasalukuyang nagsasagawa ng paghuhukay ang quadrangle ng Manila City Hall para sa paglalagay ng mga drainage o daluyan ng mga tubig tuwing tag-ulan.

Habang naghuhukay , napansin ng mga construction worker ang isang uri ng granada.
Agad itong inireport sa City Security Force (CSF) at kay SMART chief Lt.Col.Edward Samonte na agad tumawag sa Explosive Ordnance Division ng MPD-SWAT .
Maingat na kinuha ng EOD sa hukay ang isang MK2 granade (atis) at inilagay sa timba na may tubig dahil maari pa umano itong sumabog.
Habang ang isa pang nahukay ay inaalam pa kung anong uri ito ng pampasabog.
Patuloy namang iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang mga nahukay na bomba na pinaniniwalaang mga nabaon noong panahon pa ng World War II. (Gene Adsuara)

Malakanyang, pinagtanggol ang presensiya ng mga opisyal sa ayuda rollout, tinukoy ang ‘anti-epal’ context

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG katuwiran ng Malakanyang ang pagiging ‘present’ ng mga halal na opisyal sa panahon ng pag-rollout ng cash aid para sa mga tricycle drivers.
Ang partisipasyon ng mga ito ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ay hindi paglabag sa probisyon ng “anti-epal” sa ilalim ng 2026 national budget.
Ani Castro, dumalo ang mga opisyal sa event sa kanilang opisyal na kapasidad bilang hosts at kinatawan ng local government units (LGUs).
“Iyon po kasi ay isang event na kung saan ay pinuntahan po ng Pangulo at kinakailangan po nandodoon po ang host,” ang paliwanag ni Castro.
Binigyang halimbawa ni Castro si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso kung saan ‘present’ bilang host ng event, idinaos sa Maynila habang si San Juan Mayor Francis Zamora ay dumalo sa kanyang kapasidad bilang national president ng League of Cities of the Philippines.
“Sa Manila po ginanap kaya nararapat lamang po na si Mayor Isko Moreno ang sumalubong at tumanggap sa ating Pangulo,” ang sinabi ni Castro.
“Ang LGU mismo ang nakakaalam kung sino iyong mga benepisyaryo; nararapat lamang din pong pumunta si Mayor Francis Zamora,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, ipinagbabawal ng 2026 General Appropriations Act ang mga opisyal mula sa pagpartisipa sa pamamahagi ng ayuda mula sa gobyerno para mapigilan ang pamumulitika o self-promotion.
Pinanindigan naman ni Castro na ang mga opisyal na present sa event ay hindi lumabag sa probisyon dahil hindi naman sila nagpunta sa event para sa political purposes kundi para gampanan ang kanilang tungkulin o papel.
Inaasahan naman ayon kay Castro na present si Pangulong Marcos sa mga ganitong pangyayari para ipakita na ang gobyerno ay gumagana ng maayos at bigyan ng katiyakan ang publiko sa gitna ng patuloy na mga hamon na dulot ng labanan sa Gitnang Silangan.
“That is the event of the President… dapat makita siya, dapat nakikita ang Pangulo,” anito.
“Ang pagpapakita ng Pangulo ay pagpapakita ng tiwala sa mga kababayan natin na kung anumang krisis mayroon tayo ay maari natin itong malampasan,” ang sinabi pa rin ni Castro. (Daris Jose)

PBBM, suportado ang P50 price cap sa imported na bigas

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang na magpapataw ng price cap para sa imported na bigas.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagbigay na ang Department of Agriculture (DA) ng rekumendasyon sa National Price Coordinating Council pagdating sa panukalang P50 price cap kada kilo ng imported rice.
“Actually, sabi po ni Secretary Kiko Laurel ay nagbigay na po sila ng rekomendasyon sa National Price Coordinating Council para magkaroon ng deliberation patungkol dito. At ang kanilang price cap na isinangguni ay P50 for imported rice,” ayon kay Castro.
”So, ito po ang ibinigay din na mungkahi ni Secretary Kiko Laurel kay Pangulo, so ito naman ay sinusuportahan,” dagdag na wika nito.
Tinitingnan naman ng DA ang pagpapatupad ng P50 price cap sa imported na bigas habang minomonitor ng ahensiya ang “unreasonable” increase sa presyo, tinukoy ang sinasabing exploitation ng global oil shock situation sa gitna ng labanan sa Gitnang Silangan.
Sa kabilang dako, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na na-monitor ng ahensiya na may ilang retailers ang nagbebenta ng imported rice sa halagang P55 hanggang P58 per kilo.
Kabilang sa interbensyon na ginawa ng DA ay ang pigilan ang price shock sa pamamagitan ng gawing available sa P45 hanggang P48 kada kilo ang bigas sa ilang pamilihan. (Daris Jose)

P145.56-B para sa Central Mindanao highway project, aprubado ng Pangulo

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalabas ng P145.56 billion para sa Central Mindanao High Standard Highway project.

Layon nito na pabilisin ang infrastructure development at palakasin ang economic activity sa rehiyon.
Nauna rito, nagpalabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng Forward Obligation Authority (FOA), pagtiyak ng walang patid na pagpopondo para sa proyekto mula 2026 hanggang 2034 at mapigilan ang pagkaantala sa implementasyon.
Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang proyekto ay inaasahan na makapagbibigay ng mas mabilis na pagbyahe, mas malakas na economic activity, at mas maraming oportunidad partikular na sa Mindanao.
Mapahuhusay ng highway ang connectivity sa pagitan ng Cagayan de Oro at Malaybalay, mababawasan ang travel time mula 6.5 oras ay magiging 3.5 oras na lamang.
Sa kabilang dako, sinabi ni Budget Secretary Rolando Toledo na binibigyang-diin ng direktiba ang ginagawang pagsusulong ng administrasyon na bilisan ang high-impact infrastructure projects.
“Sa direktiba ng Pangulo na pabilisin ang infrastructure development, sinisiguro natin na hindi maaantala ang proyekto dahil sa kakulangan ng pondo,” ang sinabi ni Toledo.

“With this FOA, garantisado ang tuloy-tuloy na financing hanggang matapos,” aniya pa rin.
Samantala, ang proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng loans o utang mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB), kasama ang government counterpart funding.
Tinuran pa ng mga opisyal na inaasahan na mapababa ng highway ang transportation costs, mapahuhusay ang galaw ng mga kalakal at serbisyo, at pasiglahin ang paglago sa mga pinakamahalagang sektor gaya ng agrikultura, logistics, at turismo sa Northern at Central Mindanao. (DARIS JOSE)

Sakay ng fourth government-chartered flight… PBBM, mainit na sinalubong ang 343 OFWs na umuwi ng Pinas mula Gitnang Silangan

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAINIT na sinalubong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 343 overseas Filipino workers (OFWs) na pinauwi mula sa Gitnang Silangan sa gitna ng nagpapatuloy na regional conflict, habang pinaiigting ng gobyerno ang evacuation efforts nito.
Ang mga repatriates ay dumating sa Villamor Air Base sa Pasay City sakay ng fourth government-chartered flight, na nagmula sa Saudi Arabia.
Sa kabilang dako, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na ang grupo kabilang na ang mga filipino mula sa Qatar, Kuwait, Bahrain, at Saudi Arabia, marami sa mga ito ay kailangan na sumailalim sa land travel dahil sa airspace restrictions.
“Mayroon po tayong 343 sa ikaapat na charter flight mula Saudi Arabia… 234 po ay mula Qatar, Kuwait at Bahrain,” ang sinabi ni Cacdac.
Winika pa ni Cacdac na ang repatriates ay tumawid sa borders ‘by land’, tumagal ng 7 hanggang 8 oras para marating ang Riyadh, kung saan sila sumakay ng Philippine Airlines chartered flight na patungong Maynila.
“Hindi po sila makakarating sa Saudi Arabia kundi dahil sa land crossing efforts,” aniya pa rin.
Tinatayang 10 hanggang 15 dependents, kabilang na ang mga bata ang kasama sa byahe.
Tinuran pa rin ni Cacdac na naghahanda na ang gobyerno para naman sa fifth at sixth chartered flights na inaasahan na manggagaling sa United Arab Emirates.
Tiniyak din nito na sapat ang pondo para sa repatriation and reintegration programs.
“Sa ngayon… kakayanin naman,” ang sinabi ni Cacdac.
Samantala, ang magbabalik na OFWs ay makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno kabilang na ang pansamantalang accommodation, transportation, at financial aid, mayroong arrangements para sa pagbyahe sa kanila pauwi sa kanilang lalawigan.
Ang nagpapatuloy na repatriation ay bahagi ng pagtugon ng gobyerno na tiyaking ligtas ang mga Filipino na apektado ng tumataas na tensyon sa Gitnang Silangan.
(Daris Jose)

Castro, nag-demand ng P500 M na danyos matapos magka- ‘anxiety’ dahil sa libel case na isinampa ni Leviste

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HUMIRIT si Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ng mahigit sa P500 million na danyos mula kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste dahil sa sinasabing pagwasak sa kanyang integridad bilang Palace Press Officer.
Sinabi ni Castro na talagang humirit siya ng ganitong halaga para bayaran ni Leviste ang kanyang “sleepless nights at anxiety” matapos na sampahan ng huli ang una ng libel case.
“Plus for ruining my integrity. Okay, P500 million damages, it is part of my compulsory counterclaim as I believe that because of twisting some facts in the complaint, and it ruined my integrity as Palace Press Officer,” ani Castro.
Buwan ng Enero, pormal na naghain ng kasong civil libel si Leviste laban kay Castro sa Balayan Hall of Justice.
Nag-ugat ang kaso sa mga pahayag ni Castro na paulit-ulit umanong sinasabing ibinenta ni Leviste ang kanyang kompanya na may prangkisa, bagay na mariing pinabulaanan ng kongresista.
Nauna rito, araw ng Linggo, Marso 22, sa isang Facebook post, sinabi ni Levistre na nagde-demand si Castro ng kabayaran para sa mental health damages na dulot ng reklamo na isinampa ng una laban sa kanya.
Sinabi ni Leviste na handa niyang sagutin ang hospital expenses ni Castro para gumaling ito.
“Very good, he admits that he is causing me sleepless nights and anxiety. So, that will be part of the case,” ani Castro. (Daris Jose)

Pagpapalawig ng insurance coverage para sa mga nawalan ng trabaho, isinulong

Posted on: March 24th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINANUKALA ng isang mambabatas na palawigin ang unemployment insurance at tulong sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho upang mtulungan hanggang sa makakuha ng pagkakakitaan.

Ang panukala ay dala na rin sa tumitinding tensiyon sa Middle East na nagbibigay panganib sa trabaho ng mga Pinoy sa loob at labas ng bansa.

“We have seen the effects of global crises on Filipino workers everywhere, from forced repatriations to massive lay-offs due to economic losses. This measure ensures that when Filipino workers lose their jobs through no fault of their own, the government stands firmly behind them with meaningful and timely support,” pahayag ni 1Tahanan Party List Rep. Nathaniel “Atty. Nat” Oducado.

Layon ng House Bill No. 8586, o “Expanded Unemployment Insurance and Employment Reintegration Act” na palakasin ang proteksyon ang pinagkakakitaan ng mga pinoy na nawalan ng trabaho at palawakin ang unemployment insurance coverage mula sa dalawang (2) buwan hanggang to apat (4) na buwan.

Inaasahan na ang magiging bayad mula sa insurance coverage ay katumbas ng 50% sa average monthly salary ng trabahador.

“Two months of partial income is simply not enough in an economy where job matching and retraining can take time, especially as geopolitical tensions abroad threaten fuel prices, supply chains, and domestic business stability,” giit nito.

Babawasan din sa panukala ang required contributions mula 36 buwan sa 24 buwan habang ang natitirang 12-buwanang contribution requirement sa loob ng 18 buwan bago ang involuntary separation.

“Our workers should not be penalized by technical limits when national emergencies, global conflicts, or government-mandated measures force enterprises to scale down or shut their doors,”dagdag ni Oducado. “These are not dole-outs or hand-outs, but a social safety net for SSS members who regularly pay their contributions.”

Upang makakuha sa nasabing benepisaryo, ang beneficiaries ay dapat na aktibong naghahanap ng trabaho, nakaregistro sa Public Employment Service Offices, at nagpartisipa sa job search assistance, skills training, orre-skilling programs.
(Vina de Guzman)