• September 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2025

Riding-in-tandem na armado ng baril, nasabat sa Oplan Sita sa Valenzuela

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang kelot na magkaangkas sa isang motosiklo nang mabisto ang dalang baril makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Sa kanyang ulat kay Valenzuela police chief P/Col. Joseph Talento, kinilala ni Karuhatan Police Sub-Station 9 Commander P/Capt. Joan De Leon ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jovan”, 27, at alyas “Berto”, 31, kapwa residente ng Howmart Road, Barangay Baesa, Caloocan City.

Nagsasagawa ng Oplan Sita ang SS9 sa pangunguna ni Capt. De Leon, kasama sina PCMS Loreto Gabol Jr, PMSg Daniel Roldan, PCpl Rex Tacadena, Pat Jessa Agcaoili at Pat Angie Baac alas-2:40 ng hapon sa harap ng 3S Building, Karuhatan Road, Brgy. Karuhatan nang parahin nila ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo dahil nakasuot ng tsinelas ang mga ito na paglabag sa labag sa dress code ng LTO.

Sa halip na huminto, pinaharurot umano ni alyas Jovan ang minamanehong motorsiklo para tumakas kaya hinabol sila ng mga tauhan ni Capt. De Leon hanggang sa magawang makorner.
Kaagad bumaba ang backrider na si saka naglabas ng tila isang baril at itinutok kay PMSg Roldan bago tumakbo para tumakas subalit, hinabol siya ng mga pulis hanggang sa maaresto at nasamsam sa kanya ang isang baril na napag-alamang replica gun (revolver).
Inaresto rin si ‘Jovan’ at nang kapkapan, nakumpiska naman sa kanya ni PCMS Gabol Jr. ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala at wala itong naipakitang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng naturang baril.
Nahaharap si ‘Jovan’ sa mga kasong paglabag sa Article 151 (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or their Agents) at R.A 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act habang kasong Threats in relation to R.A 10591 naman ang kakaharapin ni ‘Berto’.
Pinuri naman ng bagong upong OIC District Director ng Northern Police District (NPD) na si P/BGen. Christopher Dela Cruz ang Valenzuela CPS sa kanilang matatag na pangako para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng komunidad.
(Richard Mesa)

Nag-sorry at di naman kinampihan POKWANG, na-bash nang husto sa pagtatanggol sa kanyang kapatid

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa kinasasangkutang viral road rage ni Carlo Subong, ang brother ng comedianne-businesswoman na si Pokwang, na nanapak kamakailan ng nakaalitang magka-kariton. At pinagbantaan pa raw ang biktima na babarilin niya ito at papatayin. Tagilid na naman ngayon si Pokwang dahil sa agaran paghingi ng pasensya sa biktima para sa kanyang utol.Ginawa niya ang naturang apology sa pamamagitan ng kanyang social media.Hindi nagustuhan ng netizens, ang ginawang ito ni Pokwang.Tanong nila, bakit kailangan raw na si Pokie, ang humingi nang tawad e hindi naman siya ang nanakit kundi ang kapatid niya, wala raw itong balls.Infairness to Pokie, ay hindi naman nito kinakampihan ang kanyang utol.Nagpapaliwanag lang siya sa nangyari at nagpapakumbaba sa lalaking magka-kariton na nasaktan ng kanyang brother. ***Rozz Daniels, Pinag-Concert Bigla Sa LandersNAGULAT ang “Independent Concert Queen” na si Rozz Daniels na habang namimili sila ng husband si Sir David ng pamasko sa Landers Superstore sa Nuvali, San Pedro Laguna.May nag-request sa staff ng Landers na kumanta itong si Rozz. At yes impromtu, nagkaroon tuloy ito ng mini concert at nag-enjoy ang mga shoppers sa performance ni Rozz at marami ang kumuha sa kanya sa cellphone habang kumakanta.Even the two guys na tumutugtog sa Landers at lady store manager ay mga natuwa sa said Pop Rock Diva.Well, dalawang classic Christmas song hits at original song na “My One Love On Christmas Day” ang ipinarinig ni Rozz.At most appauded siya sa kanyang christmas single na composed ni Doc Mon del Rosario.Isa lang ang ibig sabihin nito. Unti-unti ng sumisikat ang pangalang Rozz Daniels sa entertainment industry.Gusto pa lang pasalamatan ng singer ang mga nag-estima sa kanya sa Landers noong araw na yun.Super excited naman ang fans, supporters, and friends from entertainment press na makita uli si Rozz at maka-bonding sila ng hubby si Sir David sa Thanksgiving Christmas Party nito sa December 24 na gaganapin sa club house ng kanilang subdivision sa may Nuvali.(PETER S. LEDESMA)

Tama ang desisyon na tanggapin ang UnMarry ANGELICA, strong contender bilang Best Actress habang sa Best Actor naman si ZANJOE

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

WINNER na winner ang pagbabalik-pelikula ni Angelica Panganiban sa “UnMarry” na entry ng Quantum Films sa 51st Metro Manila Film Festival..Tama nga ang desisyon niya na tanggapin ang movie na Direk Jeffrey Jeturian, matapos na mag-lie low for five years sa showbiz dahil sa kanyang pamilya. At base sa napanood namin sa premiere night na inorganisa ng MMFF, wala pa ring kakupas-kupas ang galing ng aktres sa madadramang eksena.Hindi rin matatawaran ang husay sa pag-arte ni Zanjoe Marudo sa “UnMarry”, na kung saan muli silang nagkasama ni Angelica. Gumaganap siya bilang Celine, isang battered wife, emotionally at financially. Ipinagdadamot sa kanya ang mga anak sina Andy Cortez at Britney Romeo ng asawang si Tom Rodriguez as Stephen na laging ipinamumukha ang yaman niya.Nag-file ng annulment si Celine at dito niya nakilala si Ivan (Zanjoe) na iisa ang naging attorney, si Eugene Domingo as Jackie Lombridas kasama ang licensed paralegal na si Nico Antonio.Ka-join din si Donna Cariaga as Janice bilang legal secretary na kinaaliwan din ng manonood. Pinapa-annul naman ni Ivan ang kasal nila ng asawang si Maya (Solenn Heussaff ) dahil toxic na ito sa paningin niya at nakikita ito ng anak nilang si Elio na karakter ni Zack Sibug.Ang target market ng “UnMarry” ay mga mag-asawang may kinakaharap na problema, sa pagsasama, mga magkarelasyong hindi pa man kasal ay may problema na at kapag napanood nila ang pelikula ay marami silang dapat matutunan bago magpakasal. As expected, napakahusay din ni Uge bilang Atty. Jackie, na hatid ding komedya habang magaganap ang seryosong eksena. At dahil laging nagkikita sina Ivan at Celine ay naging hclose dahil parehong may problema sa kani-kanilang mga asawa.Samantala, dapat abangan ang eksena nina Angelica at tumatayong nanay niyang si Shamaine Buencamino, nakakaiyak.Ang gumanap namang kapatid ni Angge sa pelikula ay si Adrienne VergaraMapapansin din ang mga eksena ni Zack/Elio dahil sa edad na 12 at unang pelikula ito ang husay na niya. Isa kami sa naiyak sa court scene na kung saan tinanong kung kanino siya mas masaya, sa tatay o sa nanay niya?Mapapanood ang “UnMarry” simula sa December 25 bilang entry ng Quantum Films at Cineko Productions sa 51st MMFF. Para sa amin strong contender ito best Picture at best director. Of course, matindi rin ang laban nina Angelica at Zanjoe sa best actor at actress. Parang sure winner na si Eugene bilang best suppring actress. Kaya, kayo na ang humusga once na mapanood nyo na ito sa Araw ng Kapaskuhan. (ROHN ROMULO)

Si Yolina Lindquist ng USA ang nagwagi CHELSEA, muntik nang masungkit ang korona ng Miss Cosmo 2025

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAG-VIRAL sa social media ang mga sexy photos ni Kelvin Miranda na lumabas sa isang digital magazine.Kung noong una ay laging pasilip lang sa kanyang abs ang Sparkle hunk, ngayon ay topless na siya ay naglalakihan ang kanyang mga braso at six-pack abs na resulta ng ilang tapong pag-workout para sa kanyang pagganap bilang Sang’gre Adamus sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’Maraming nga raw mga acclang nauhaw at kailangan ng oxygen dahil sa sobrang hot ng pictorial ni Kelvin. Ginawa na raw wallpaper sa kanilang smartphones at laptop ang sexy photos ng aktor, samantalang yung iba ay pina-blow-up pa ang photos para gawing poster. Natutuwa nga raw si Kelvin dahil marami siyang mga napapasayang members ng LGBT community ngayong Pasko. Kaya tuwing nasa regional show siya, bigay hilig at hindi maramot ang aktor sa kiss at yakap sa mga accla dahil alam niyang ikasasaya nila ito.Natawa na lang ang aktor sa nag-comment na gawa raw ng AI o Artificial Intelligence ang kanyang magandang katawan sa mga photos. Ilang taon daw niyang pinaghandaan ang katawan niya ngayon at makikita naman na tunay at hindi AI ang katawan niya sa Sang’gre.***MUNTIK nang masungkit ni Chelsea Fernandez ang korona ng Miss Cosmo 2025 matapos siyang magwagi bilang first runner-up sa prestihiyosong pageant na ginanap noong Sabado, Disyembre 20.Itinanghal na Miss Cosmo 2025 si Yolina Lindquist mula sa Estados Unidos matapos ang huling debate round laban kay Fernandez. Pinalitan ni Lindquist si Ketut Permata Juliastrid ng Indonesia at tinalo ang mahigit 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.Kasama sa Top 5 ang mga kinatawan mula sa Brazil, Panama, at Myanmar.Bumida si Fernandez sa swimsuit competition, na kapansin-pansin ang kumpiyansa at galing sa runway.Nakamit niya ang Best in Evening Gown at ang People’s Choice Award, patunay ng suporta mula sa mga manonood.Sa Q&A portion, binigyang-diin niya na ang kababaihan ay likas na lider at may kakayahang magtagumpay sa anumang larangan.Sa huling head-to-head laban kay Lindquist, ipinresenta ni Fernandez ang kanyang proyektong Paradise of the Mangroves na layong protektahan ang kalikasan at palakasin ang lokal na ekonomiya.Target nitong magtanim ng 5,000 propagules sa isang ektarya sa Lebak, Sultan Kudarat.Inaasahan niyang tataas ng 20–30% ang lokal na ekonomiya sa loob ng isang taon.Ito na ang ikalawang pagkakataon na kumatawan si Fernandez sa Pilipinas sa international stage. Noong 2022, lumaban siya sa Miss Globe kung saan nakapasok siya sa Top 15.Samanatala, nakuha ng ilang kandidata ang special awards…Best Carnival: NigeriaImpactful Beauty: NamibiaWoman Leadership: GreeceCosmo Beauty Icon: PanamaCosmo Tourism Ambassador: LaosSocial Ambassador: MyanmarBest Evening Gown: Philippines***FOR the first time ay pinakita ni Angelina Jolie ang scars na iniwan sa isinagawa sa kanyang double mastectomy noong 2013.Kuwento ng Oscar-winning actress, sumailalim siya sa isang preventive surgery dahil mayroon siyang genetic mutation na nakadadagdag sa tiyansang magkaroon siya ng breast cancer.Ang mastectomy ay isang medical procedure na tinatanggal ang bahagi o lahat ng breast tissue upang gamutin o maiwasan ang breast cancer.Taong 2007 noong pumanaw ang ina ni Angelina dahil sa breast and ovarian cancer. 2013 naman noong pumanaw ang tita ng aktres dahil sa breast cancer. Kaya in 2015, pinaalis na rin ni Jolie ang kanyang ovaries at fallopian tube dahil sa risk ng ovarian cancer, na naging sanhi naman ng pagkamatay ng kaniyang ina.Dagdag pa ng Hollywood actress, gusto niyang makiisa sa pagpapalaganap ng breast cancer awareness and prevention. (RUEL J. MENDOZA)

MTRCB, CEAP bring early Christmas joy to children battling cancer through gift giving

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

THE Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), in partnership with the Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), brought early Christmas cheer to 20 children battling cancer during a special film screening on December 18 at Gateway Cineplex, Araneta City.

They watched Disney’s “Zootopia 2” and were treated with snacks.

The film is rated PG for 13 years old and below to be accompanied by a parent or a supervising adult.

Representing the MTRCB is Board Member Evylene “Bing” Advincula, who joined the activity and distributed coloring books and crayons to the children.

“We hope we were able to bring smiles to the faces of these brave children through this simple gift of love,” said MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto.

In addition to the film screening, the children also received noche buena food items from CEAP, as well as special gifts from the activity’s partner organizations.

The beneficiaries are under the care of Kythe, a non-profit and non-stock organization dedicated to improving the quality of life among hospitalized children with cancer and other chronic illnesses.

Clippers, tinalo ang Lakers para sa kanilang 8 game home losing streak PINANGUNAHAN ni Kawhi Leonard ang Los Angeles Clippers sa kanilang 103-88 panalo laban sa Los Angeles Lakers, matapos makapuntos ng 32 points at 12 rebounds.

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Nag-ambag naman si James Harden ng 21 points at 10 assists.

Habang ang Lakers ay kulang sa ilang manlalaro kabilang sina Deandre Ayton, Rui Hachimura, at Austin Reaves, habang hindi na natapos ni Luka Doncic ang laro sa halftime dahil sa natamong injury.

Sa kabila nito, nakapuntos naman si LeBron James ng season-high na 36 points.

Nagdagdag rin sina John Collins at Brook Lopez sa rebound at opensa, habang pinanatili ng koponan ang kalamangan mula sa simula hanggang katapusan ng laro.

Pinanatili ng Clippers ang kanilang double-digit lead sa third quarter at pinutol ang five-game overall losing streak matapos ang late run ng Lakers sa fourth quarter.

NAGBULSA ng dalawang gintong medalya at tatlong silver medal ang 19-anyos na Pinay triathlete na si Kira Ellis sa Southeast Asian (SEA) Games 2025.

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagtatapos ng naturang torneyo, hawak ni Ellis ang limang medalya dahil sa impresibong performance sa limang magkakahiwalay na event na kaniyang sinalihan.

Nakuha ni Ellis ang dalawang gintong medalya sa team events na women relay at mixed team relay.

Huling naibulsa niya ang isang silver medal sa kaniyang sinalihang women’s individual event, isang araw matapos siyang makaranas ng food poisoning habang nasa SEAG.

Una nang nagbulsa ng gintong medalya si Ellis noong 2023 Cambodia Games sa aquathlon event.

Una na rin siyang sumabak sa European Triathlon Junior Cup ngayong taon at naipanalo ang naturang laban, hawak ang record na 1 hour, 5 minutes, at 7 seconds.

Umaasa ang Pinay triathlete na magiging bahagi rin siya ng Team Philippines na sasabak sa Los Angeles Olympics sa 2028.

PNP, nakatakdang magtlaga ng higit sa 100,000 pulis para sa holiday rush

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magtalaga nang higit sa 100,000 na kapulisan ang Philippine National Police (PNP) para sa inasahang dagsa ng tao ngayong linggo para sa holiday exodus.

Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na layon nito na mabantayan ang mga terminal, transport hubs at iba pang mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko upang magpatupad ng seguridad at tiyaking ligtas ang mga mananakay na magsisisuwian ngayong Pasko ata Bagong Taon.

Mas pinaigting din ang seguridad kumpara sa nakaraang taon kung saan ang deployment ay hindi bababa sa 60,000.

Paliwanag ni Nartatez, ang kanilang deployment ay nakabatay sa kung ano man ang kasalukuyang sitwasyon sa mga komunidad at mga lansangan sa bansa kung saan binigyang diin niya ang kapansin-pansin paglobo ng bilang ng mga tao. (Richard Mesa)

Pamaskong Handog mula kay dating Mayora Corazon Almeida ng Victoria, Laguna

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SAMANTALANG kahit di man nakaupo ay patuloy pa rin ang pagseserbisyo publiko niya sa mga kababayan natin sa Victoria Laguna.

Di man pinalad noong nakaraan eleksyon ay hindi ito naging hadlang upang tumulong sa ating mga kababayan sa Victoria Laguna.

Dahil sa kasalukuyan ay wala pang ayuda mula sa mga nahalal kaya’t bilang inisyatibo niya sa mga kababayan ay nagdaos siya ng isang sama-samang pagsasalo para sa miyembro ng kababaihan at mga senior citizens.

Sa panayam ng grupo ng mga mamahayag na pinangunahan ni Bb. Yvonne Bagang ng Bagong Henerasyon News Tv at ng People’s Balita ay inilahad ng dating Administrator at dating tumakbo bilang Punong Bayan ang kanyang pagmamahal sa mga mamayan nito.

Aniya, ” Kahit di man tayo pinalad ay mahal ko pa rin ang mga kababayan namin sa Victoria, hindi po ako kahit kailanman nagtampo sa aking mga kababayan, pero kung ako man ay kanilang pinagbigyan ay di lang ayuda ang matatanggap kundi babaguhin ang sistema ng ating Pamahalaan dito sa Victoria “.

Namahagi si Mayora Corazon Almeida ng mga bigas at groceries para sa mga dumalo at nagkaroon din sila pa-raffle sa nasabing programa.
(Text & Photos by Boy Morales Sr. )

Petisyong P20,000 GSIS calamity aid, suportado ni ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng buong suporta ni ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio ang petisyon ng Alliance of Concerned Teachers para sa pagbibigay ng Government Service Insurance System (GSIS) ng P20,000 calamity aid sa lahat ng disaster-affected members.
“Lubos kong sinusuportahan ang petisyon ng ACT para sa agarang tulong pinansyal sa ating mga kawani ng gobyerno na nasalanta ng sunud-sunod na kalamidad. Ito ang mga taong patuloy na naglilingkod sa sambayanang Pilipino kahit nawalan na ng tahanan, ng ari-arian, at sa ilang kaso, ng mga mahal sa buhay. Nararapat silang bigyan ng tunay na suporta, hindi ng walang kwentang pangako o alok ng mas maraming utang na lalo lang magpapahirap sa kanila,” anang mambabatas.
Ayon kay Tinio, 59 sa 82 probinsiya na naapektuhan ng nagdaang mga bagyo, pagbaha at lindol, kung saan nasa tinatayang 126,000 teachers at education workers ang naapektuhan din ng bagyong Uwan at Tino.
“Our teachers are reporting to damaged classrooms, using salvaged materials to continue educating our children, all while their own homes remain in ruins. Our health workers are treating patients in hospitals that were themselves damaged by disasters. Our government employees across all sectors are keeping public services running despite immense personal losses. This is the time for GSIS to step up and provide real, immediate relief,” saad nito.
Hindi aniya sapat ang loans o payment moratoriums bilang tugon sa mga apektadong government workers.
“Loans are not aid—they are deferred burdens. Payment moratoriums only postpone the problem. What our government workers need right now is immediate cash assistance to repair their homes, replace lost belongings, and restore some semblance of normalcy to their lives before Christmas and the New Year,” pahayag pa ni Tinio.
Bilang isa sa top-earning government-owned and controlled corporations (GOCCs), ang GSIS ay may kapasidad at mandato na makapagbigay ng tulong kapag may kalamidad.
“GSIS has the resources. GSIS has the mandate. What we are asking is for GSIS to fulfill its social security obligations to its members who have faithfully contributed to the system and who now desperately need support. The P20,000 calamity aid is not a handout—it is a rightful benefit that our public servants have earned through years of service and contributions,” giit nito.
Nanawagan naman ito sa kapwa mambabatas na suportahan ang petition at i-pressure ang GSIS na agad umaksyon.
(Vina de Guzman)