Si Yolina Lindquist ng USA ang nagwagi CHELSEA, muntik nang masungkit ang korona ng Miss Cosmo 2025
- Published on December 22, 2025
- by @peoplesbalita
NAG-VIRAL sa social media ang mga sexy photos ni Kelvin Miranda na lumabas sa isang digital magazine.Kung noong una ay laging pasilip lang sa kanyang abs ang Sparkle hunk, ngayon ay topless na siya ay naglalakihan ang kanyang mga braso at six-pack abs na resulta ng ilang tapong pag-workout para sa kanyang pagganap bilang Sang’gre Adamus sa ‘Encantadia Chronicles: Sang’gre.’Maraming nga raw mga acclang nauhaw at kailangan ng oxygen dahil sa sobrang hot ng pictorial ni Kelvin. Ginawa na raw wallpaper sa kanilang smartphones at laptop ang sexy photos ng aktor, samantalang yung iba ay pina-blow-up pa ang photos para gawing poster. Natutuwa nga raw si Kelvin dahil marami siyang mga napapasayang members ng LGBT community ngayong Pasko. Kaya tuwing nasa regional show siya, bigay hilig at hindi maramot ang aktor sa kiss at yakap sa mga accla dahil alam niyang ikasasaya nila ito.Natawa na lang ang aktor sa nag-comment na gawa raw ng AI o Artificial Intelligence ang kanyang magandang katawan sa mga photos. Ilang taon daw niyang pinaghandaan ang katawan niya ngayon at makikita naman na tunay at hindi AI ang katawan niya sa Sang’gre.***MUNTIK nang masungkit ni Chelsea Fernandez ang korona ng Miss Cosmo 2025 matapos siyang magwagi bilang first runner-up sa prestihiyosong pageant na ginanap noong Sabado, Disyembre 20.Itinanghal na Miss Cosmo 2025 si Yolina Lindquist mula sa Estados Unidos matapos ang huling debate round laban kay Fernandez. Pinalitan ni Lindquist si Ketut Permata Juliastrid ng Indonesia at tinalo ang mahigit 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa.Kasama sa Top 5 ang mga kinatawan mula sa Brazil, Panama, at Myanmar.Bumida si Fernandez sa swimsuit competition, na kapansin-pansin ang kumpiyansa at galing sa runway.Nakamit niya ang Best in Evening Gown at ang People’s Choice Award, patunay ng suporta mula sa mga manonood.Sa Q&A portion, binigyang-diin niya na ang kababaihan ay likas na lider at may kakayahang magtagumpay sa anumang larangan.Sa huling head-to-head laban kay Lindquist, ipinresenta ni Fernandez ang kanyang proyektong Paradise of the Mangroves na layong protektahan ang kalikasan at palakasin ang lokal na ekonomiya.Target nitong magtanim ng 5,000 propagules sa isang ektarya sa Lebak, Sultan Kudarat.Inaasahan niyang tataas ng 20–30% ang lokal na ekonomiya sa loob ng isang taon.Ito na ang ikalawang pagkakataon na kumatawan si Fernandez sa Pilipinas sa international stage. Noong 2022, lumaban siya sa Miss Globe kung saan nakapasok siya sa Top 15.Samanatala, nakuha ng ilang kandidata ang special awards…Best Carnival: NigeriaImpactful Beauty: NamibiaWoman Leadership: GreeceCosmo Beauty Icon: PanamaCosmo Tourism Ambassador: LaosSocial Ambassador: MyanmarBest Evening Gown: Philippines***FOR the first time ay pinakita ni Angelina Jolie ang scars na iniwan sa isinagawa sa kanyang double mastectomy noong 2013.Kuwento ng Oscar-winning actress, sumailalim siya sa isang preventive surgery dahil mayroon siyang genetic mutation na nakadadagdag sa tiyansang magkaroon siya ng breast cancer.Ang mastectomy ay isang medical procedure na tinatanggal ang bahagi o lahat ng breast tissue upang gamutin o maiwasan ang breast cancer.Taong 2007 noong pumanaw ang ina ni Angelina dahil sa breast and ovarian cancer. 2013 naman noong pumanaw ang tita ng aktres dahil sa breast cancer. Kaya in 2015, pinaalis na rin ni Jolie ang kanyang ovaries at fallopian tube dahil sa risk ng ovarian cancer, na naging sanhi naman ng pagkamatay ng kaniyang ina.Dagdag pa ng Hollywood actress, gusto niyang makiisa sa pagpapalaganap ng breast cancer awareness and prevention. (RUEL J. MENDOZA)