• September 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, nakatakdang magtlaga ng higit sa 100,000 pulis para sa holiday rush

NAKATAKDANG magtalaga nang higit sa 100,000 na kapulisan ang Philippine National Police (PNP) para sa inasahang dagsa ng tao ngayong linggo para sa holiday exodus.

Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na layon nito na mabantayan ang mga terminal, transport hubs at iba pang mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko upang magpatupad ng seguridad at tiyaking ligtas ang mga mananakay na magsisisuwian ngayong Pasko ata Bagong Taon.

Mas pinaigting din ang seguridad kumpara sa nakaraang taon kung saan ang deployment ay hindi bababa sa 60,000.

Paliwanag ni Nartatez, ang kanilang deployment ay nakabatay sa kung ano man ang kasalukuyang sitwasyon sa mga komunidad at mga lansangan sa bansa kung saan binigyang diin niya ang kapansin-pansin paglobo ng bilang ng mga tao. (Richard Mesa)