• September 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 22nd, 2025

NAGBULSA ng dalawang gintong medalya at tatlong silver medal ang 19-anyos na Pinay triathlete na si Kira Ellis sa Southeast Asian (SEA) Games 2025.

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Sa pagtatapos ng naturang torneyo, hawak ni Ellis ang limang medalya dahil sa impresibong performance sa limang magkakahiwalay na event na kaniyang sinalihan.

Nakuha ni Ellis ang dalawang gintong medalya sa team events na women relay at mixed team relay.

Huling naibulsa niya ang isang silver medal sa kaniyang sinalihang women’s individual event, isang araw matapos siyang makaranas ng food poisoning habang nasa SEAG.

Una nang nagbulsa ng gintong medalya si Ellis noong 2023 Cambodia Games sa aquathlon event.

Una na rin siyang sumabak sa European Triathlon Junior Cup ngayong taon at naipanalo ang naturang laban, hawak ang record na 1 hour, 5 minutes, at 7 seconds.

Umaasa ang Pinay triathlete na magiging bahagi rin siya ng Team Philippines na sasabak sa Los Angeles Olympics sa 2028.

PNP, nakatakdang magtlaga ng higit sa 100,000 pulis para sa holiday rush

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magtalaga nang higit sa 100,000 na kapulisan ang Philippine National Police (PNP) para sa inasahang dagsa ng tao ngayong linggo para sa holiday exodus.

Ayon kay Acting PNP Chief PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na layon nito na mabantayan ang mga terminal, transport hubs at iba pang mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko upang magpatupad ng seguridad at tiyaking ligtas ang mga mananakay na magsisisuwian ngayong Pasko ata Bagong Taon.

Mas pinaigting din ang seguridad kumpara sa nakaraang taon kung saan ang deployment ay hindi bababa sa 60,000.

Paliwanag ni Nartatez, ang kanilang deployment ay nakabatay sa kung ano man ang kasalukuyang sitwasyon sa mga komunidad at mga lansangan sa bansa kung saan binigyang diin niya ang kapansin-pansin paglobo ng bilang ng mga tao. (Richard Mesa)

Pamaskong Handog mula kay dating Mayora Corazon Almeida ng Victoria, Laguna

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SAMANTALANG kahit di man nakaupo ay patuloy pa rin ang pagseserbisyo publiko niya sa mga kababayan natin sa Victoria Laguna.

Di man pinalad noong nakaraan eleksyon ay hindi ito naging hadlang upang tumulong sa ating mga kababayan sa Victoria Laguna.

Dahil sa kasalukuyan ay wala pang ayuda mula sa mga nahalal kaya’t bilang inisyatibo niya sa mga kababayan ay nagdaos siya ng isang sama-samang pagsasalo para sa miyembro ng kababaihan at mga senior citizens.

Sa panayam ng grupo ng mga mamahayag na pinangunahan ni Bb. Yvonne Bagang ng Bagong Henerasyon News Tv at ng People’s Balita ay inilahad ng dating Administrator at dating tumakbo bilang Punong Bayan ang kanyang pagmamahal sa mga mamayan nito.

Aniya, ” Kahit di man tayo pinalad ay mahal ko pa rin ang mga kababayan namin sa Victoria, hindi po ako kahit kailanman nagtampo sa aking mga kababayan, pero kung ako man ay kanilang pinagbigyan ay di lang ayuda ang matatanggap kundi babaguhin ang sistema ng ating Pamahalaan dito sa Victoria “.

Namahagi si Mayora Corazon Almeida ng mga bigas at groceries para sa mga dumalo at nagkaroon din sila pa-raffle sa nasabing programa.
(Text & Photos by Boy Morales Sr. )

Petisyong P20,000 GSIS calamity aid, suportado ni ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYAN ng buong suporta ni ACT Teachers Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio ang petisyon ng Alliance of Concerned Teachers para sa pagbibigay ng Government Service Insurance System (GSIS) ng P20,000 calamity aid sa lahat ng disaster-affected members.
“Lubos kong sinusuportahan ang petisyon ng ACT para sa agarang tulong pinansyal sa ating mga kawani ng gobyerno na nasalanta ng sunud-sunod na kalamidad. Ito ang mga taong patuloy na naglilingkod sa sambayanang Pilipino kahit nawalan na ng tahanan, ng ari-arian, at sa ilang kaso, ng mga mahal sa buhay. Nararapat silang bigyan ng tunay na suporta, hindi ng walang kwentang pangako o alok ng mas maraming utang na lalo lang magpapahirap sa kanila,” anang mambabatas.
Ayon kay Tinio, 59 sa 82 probinsiya na naapektuhan ng nagdaang mga bagyo, pagbaha at lindol, kung saan nasa tinatayang 126,000 teachers at education workers ang naapektuhan din ng bagyong Uwan at Tino.
“Our teachers are reporting to damaged classrooms, using salvaged materials to continue educating our children, all while their own homes remain in ruins. Our health workers are treating patients in hospitals that were themselves damaged by disasters. Our government employees across all sectors are keeping public services running despite immense personal losses. This is the time for GSIS to step up and provide real, immediate relief,” saad nito.
Hindi aniya sapat ang loans o payment moratoriums bilang tugon sa mga apektadong government workers.
“Loans are not aid—they are deferred burdens. Payment moratoriums only postpone the problem. What our government workers need right now is immediate cash assistance to repair their homes, replace lost belongings, and restore some semblance of normalcy to their lives before Christmas and the New Year,” pahayag pa ni Tinio.
Bilang isa sa top-earning government-owned and controlled corporations (GOCCs), ang GSIS ay may kapasidad at mandato na makapagbigay ng tulong kapag may kalamidad.
“GSIS has the resources. GSIS has the mandate. What we are asking is for GSIS to fulfill its social security obligations to its members who have faithfully contributed to the system and who now desperately need support. The P20,000 calamity aid is not a handout—it is a rightful benefit that our public servants have earned through years of service and contributions,” giit nito.
Nanawagan naman ito sa kapwa mambabatas na suportahan ang petition at i-pressure ang GSIS na agad umaksyon.
(Vina de Guzman)

Binata, tigbak sa pananaksak sa Caloocan

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAAGANG nakipagkita kay kamatayan ang 18-anyos na binata matapos pagtulungan pagsasaksakin ng dalawang teenager habang pauwi galing pumasan sa prusisyon ng imahe ng Mahal na Poong Nazareno sa Caloocan City.
Nalagutan ng hininga dakong alas-10:39 ng gabi habang ginagamot ang tinamong tama ng saksak sa likod at tagiliran sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si alyas “RJ”.
Timbog naman sa follow-up operation ng mga tauhan ng Maypajo Police Sub-Station 1 sa Tamban St. alas-3:00 ng Sabado ng hapon si alyas “Romel”, 18, ng Libis Ortega St. Brgy. 20, na positibong kinilala ng 16-anyos na testigo sa harap ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth habang tinutugis pa ang kanyang kasabuwat na si alyas “Geofrey” 18, ng Libis Ortega Street.
Sa imbestigasyon ni P/MSG Marvin Doctor ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ng Caloocan police, katatapos lang pumasan ng bikima sa prusisyon ng imahe ng Nazareno sa kahabaan ng C-3 Road nang umangkas sa likod ng e-bike ng testigo na kanyang kaibigan Biyernes ng alas-8 ng gabi pauwi sa kanilang tirahan.
Pagsapit sa kanto ng Talakitok St. at C-3 Road. Brgy. 22, naispatan umano ng mga nakatambay na suspek sa lugar ang biktima na umano’y miyembro ng kanilang kalabang gang kaya’t hinarang nila at pinagtulungang pagsasaksakin.
Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod naman ang biktima ng kanyang kaibigan sa nasabing pagamutan subalit, hindi na rin ito nailigtas. (Richard Mesa)

Treason, pinaaamyendahan ng mga mambabatas

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ng mga mambabatas na palawigin at linawin ang depinisyon ng kasong treason sa ilalim ng Revised Penal Code.
Nakapaloob ito sa panukalang inihain nina Rep. Harold Duterte ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-list, Davao City 1st at 2nd District
Representatives Paolo Duterte at Omar Duterte, Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP).
Sa House Bill No. 6975 o an act amending article 114 sa probisyon ng kasong treason ng Revised Penal Code (RPC).
Isinusulong ng mga mambabatas na linawin ang mga aksyon na taliwas o tumataliwas sa national sovereignty at lumabag sa tungkulin ng gobyerno na protektahan ang mamamayan nito.
“This measure will classify as treason the following act: Any Filipino citizen who surrenders or facilitates the surrender of a Filipino national to a foreign state or international body, resulting in or leading to the interrogation, imprisonment, torture, or death of that Filipino national,” paliwanag ni PPP Party-list Rep. Duterte.

Sa ilalim ng panukala, ang sinumang napatunayang nagkasala dito ay mapaparusahan ng mula reclusion perpetua hanggang sa bitay at multang ₱4 milyon.

“If the offender is a public officer, the bill mandates immediate removal from office, without prejudice to criminal prosecution,” dagdag naman ni Rep. Paolo Duterte.

Naka-angkla ang panukala sa prinsipyo na ang bawat pilipino ay makakaasa sa kanilang bansa at opisyal ng protesyon, at hindi ipagkakanulo.
Walang opisyal anila ng gobyerno ang may kapangyarihan na isuko ang isang Pinoy sa dayuhan, lalo na kung ang hakbang ay dala ng pulitika o external pressure.
“Public office is a public trust. Those who swear an oath to serve the Republic are expected to defend Filipino citizens, uphold national sovereignty, and place loyalty to country above partisan or political interests,” paliwanag pa Rep. Harold. (Vina de Guzman)

Nagpaabot ng pakikiramay ang Kamara sa pagpanaw ni Rep. Romeo Macusi Acop

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AYON kay Speaker Faustino “Bojie”Dy III, lubos na nagdadalamhati ang kapulungan sa pagyao ni Antipolo City 2nd District Rep Romeo Macusi Acop, isang lingkod-bayang tapat, matapang at may matibay na paninindigan.
“Siya ay huwaran ng integridad sa serbisyo publiko. Sa bawat tungkuling kanyang ginampanan, malinaw ang kanyang paninindigan na ang batas ay para sa kapakanan ng mamamayan at ang kapangyarihan ay pananagutan, hindi pribilehiyo,” pahayag ng Speaker.

Malaking kawalan aniya ang pagpanaw ng mambabatas para sa Kongreso, para sa Antipolo at para sa sambayanang Pilipino.
Gayunpaman, sinabi ni Dy na ang naging halimbawa ni Acop, bilang isang marangal at tapat na lingkod-bayan ay mananatili at patuloy na magsisilbing gabay sa mga institusyong kanyang pinaglingkuran.
Idinagdag nito na nakikiisa ang kapulungan sa pagluluksa ng kanyang pamilya, mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay.
“Maraming salamat, Cong. Romeo Acop. Ang inyong serbisyo, dangal, at mga makabuluhang kontribusyon ay hindi namin malilimutan,” pagtatapos nito.
(Vina de Guzman)

Mahigit 157-K pasahero, dagsa sa PITX bago ang Pasko

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG araw bago ang Pasko, mahigit 157,000 pasahero na ang nagtungo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) upang bumiyahe pa-probinsiya o bumalik sa Metro Manila.
Ayon ito kay PITX Senior Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, na umabot sa 157,070 ang bilang ng pasahero kaninang alas-6 ng gabi, bahagyang mas mataas kumpara sa 156,037 noong Sabado ng parehong oras.
Inaasahan ng pamunuan na lalampas pa ang bilang na ito sa 3 milyong pasahero mula Disyembre 19, 2025 hanggang Enero 5, 2026 para sa Kapaskuhan at Bagong Taon.
Dahil dito, pinaigting ng PITX ang kanilang “Holiday Transport Plan” upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe.
Kabilang dito ang pinalawak na customer assistance at mas pinaigting na seguridad, sa pakikipagtulungan ng Department of Transportation, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority, at transport operators. ( Gene Adsuara)

P143M smuggled na sigarilyo, nasamsam ng PNP; tangkang panunuhol, napigilan

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ANG pagkakasamsam sa humigit-kumulang P143 milyong halaga ng hinihinalang smuggled na sigarilyo ay nagpapakita ng malinaw at matatag na paninindigan ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na kalakalan at katiwalian.

Isinagawa ito sa ilalim ng pamumuno ni Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., na patuloy na nagbibigay-diin sa disiplina, malinaw na command responsibility, at integridad sa hanay ng kapulisan.

Madaling araw ng Disyembre 17, habang nagsasagawa ng routine anti-carnapping at traffic enforcement operations ang mga operatiba ng HPG RHPU 3, HPG–NCR, HPG–4A, at HPG Special Operations Division sa G. Araneta Avenue, Quezon City, naharang ang dalawang trailer truck.

Ang operasyon ay isinagawa ng PNP–Highway Patrol Group sa ilalim ng pamumuno ni HPG Director PBGEN Hansel M. Marantan, katuwang ang Bureau of Customs (BOC) na pinamumunuan ni BGEN Nolasco Bathan.

Sa inspeksyon, napag-alamang hindi rehistrado ang mga sasakyan at kargado ng tinatayang 2,000 kahon ng sigarilyong pinaniniwalaang undocumented at smuggled.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang kargamento ay umano’y nagmula sa isang coastal area sa Bauan, Batangas, at patungo sana sa Valenzuela City. Dahil sa laki ng operasyon, agad na nakipag-ugnayan ang HPG sa BOC at iba pang ahensya upang masiguro ang maayos na paghawak sa ebidensya at mapalakas ang case build-up laban sa mga nasa likod ng sindikato.

Mas lalong lumalim ang kaso nang makatanggap ng kumpirmadong impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa tangkang panunuhol kaugnay ng naimpound na mga truck kaya ikinasa ang entrapment operation ng RHPUnit 3 sa Camp Olivas, San Fernando, Pampanga, alas-3:35 ng hapon ng Disyembre 17.

Sa operasyon, umano’y nag-alok ang mga suspek ng ₱5 milyon kapalit ng paborableng aksyon na dahilan ng pagkakaaresto kina alyas “Gener”, 58, alyas “Rogie”, 40 at alyas “Loreto”, 48, at narekober ang marked money.

Binigyang-diin ni Interior and Local Government Secretary Juanito Victor C. Remulla na hindi papayagan ng pamahalaan ang paggamit ng mga lansangan para sa ilegal na kalakalan at lalong hindi kukunsintihin ang anumang anyo ng panunuhol o panghihimasok sa pagpapatupad ng batas.

Para sa PNP, malinaw ang mensahe sa ilalim ng pamumuno ni Chief Nartatez: ang batas ang susundin, hindi impluwensya. Anumang tangkang sirain ang integridad ng kapulisan ay haharap sa mabilis at buong pananagutan sa ilalim ng umiiral na batas. (Richard Mesa)

Walang palatandaan ng foul play- autopsy… DILG: Labi sa Benguet, kay Cabral

Posted on: December 22nd, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na mga labi ni dating Public Works and Highways undersecretary Maria Catalina Cabral ang natagpuang mga labi sa Tuba, Benguet.

Ayon kay Remulla, blunt force trauma ang dahilan ng pagkamatay ni Cabral na tugma sa pagkahulog mula sa mataas na lugar.
Sinabi pa ni Remulla na walang tama ng bala o anumang palatandaan ng foul play ang mga labi ni Cabral.

Isinagawa ang auto­psy kay Cabral matapos payagan ng pamilya ang pagsusuri sa mga labi.

Nabatid na tanging awtopsiya lamang ang isinagawa ng mga forensic expert ng PNP at walang isinagawang DNA test sa labi ni Cabral.

Umaasa si Remulla na isusuko ng asawa ni Cabral ang mga perso­nal na gamit nito sa mga imbestigador matapos ang libing, habang nakatakda namang ilabas ang opisyal na autopsy report nitong Sabado, ayon sa pulisya.

Matatandaan na noong Biyernes, Disyem­bre 19, ay tumanggi ang asawa ni Cabral sa awtopsiya at nagbigay ito ng waiver sa mga awtoridad.

Kasunod ito ng mga pahayag ng mambabatas at ahensya ng gobyerno na nanawagan ng masu­sing imbestigasyon upang malaman kung may foul play sa pagkamatay ng dating opisyal.

Natagpuan ang mga labi ni Cabral noong Disyembre 18 sa gilid ng Ilog Bued sa Tuba, Benguet, malapit sa Kennon Road.
(Daris Jose)