Treason, pinaaamyendahan ng mga mambabatas
- Published on December 22, 2025
- by @peoplesbalita
ISINUSULONG ng mga mambabatas na palawigin at linawin ang depinisyon ng kasong treason sa ilalim ng Revised Penal Code.
Nakapaloob ito sa panukalang inihain nina Rep. Harold Duterte ng Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-list, Davao City 1st at 2nd District
Representatives Paolo Duterte at Omar Duterte, Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP).
Sa House Bill No. 6975 o an act amending article 114 sa probisyon ng kasong treason ng Revised Penal Code (RPC).
Isinusulong ng mga mambabatas na linawin ang mga aksyon na taliwas o tumataliwas sa national sovereignty at lumabag sa tungkulin ng gobyerno na protektahan ang mamamayan nito.
“This measure will classify as treason the following act: Any Filipino citizen who surrenders or facilitates the surrender of a Filipino national to a foreign state or international body, resulting in or leading to the interrogation, imprisonment, torture, or death of that Filipino national,” paliwanag ni PPP Party-list Rep. Duterte.
Sa ilalim ng panukala, ang sinumang napatunayang nagkasala dito ay mapaparusahan ng mula reclusion perpetua hanggang sa bitay at multang ₱4 milyon.
“If the offender is a public officer, the bill mandates immediate removal from office, without prejudice to criminal prosecution,” dagdag naman ni Rep. Paolo Duterte.
Naka-angkla ang panukala sa prinsipyo na ang bawat pilipino ay makakaasa sa kanilang bansa at opisyal ng protesyon, at hindi ipagkakanulo.
Walang opisyal anila ng gobyerno ang may kapangyarihan na isuko ang isang Pinoy sa dayuhan, lalo na kung ang hakbang ay dala ng pulitika o external pressure.
“Public office is a public trust. Those who swear an oath to serve the Republic are expected to defend Filipino citizens, uphold national sovereignty, and place loyalty to country above partisan or political interests,” paliwanag pa Rep. Harold. (Vina de Guzman)