• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

PAGHALILI SA SANTO PAPA, PREMATURE

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PREMATURE pa ang mga lumalabas na espekulasyon ukol sa pagpili ng magiging bagong Santo Papa ng Romano Katoliko, ayon sa isang opisyal ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP).

 

 

Ito ang sinabi ni Fr. Jerome Secillano, CBCP Public Affairs Commission executive secretary, makaraan ang usap-usapan ng posibleng pagbibitiw ni Pope Francis dahil sa isyu sa kalusugan.

 

 

“Pope Francis continues to be at the helm of the papacy and shows no indication of cutting short his tenure,” saad ni Secillano.

 

 

“All this talk about his possible resignation is basically just a media narrative meant to politicize an otherwise sacred election called the conclave,” dagdag niya.

 

 

Ito ay sa kabila ng ilang nalathala na artikulo sa London na sinasabing isa sa dalawang pinagpipilian na maaaring humalili kay Pope Francis ay si dating Manila Archibishop Cardinal Luis Antonio Tagle.

 

 

Sa halip na palakihin umano ang usapin, nakiusap si Secillano sa mga Katolikong Pilipino na ipagpatuloy na lamang ang pagdarasal para kay Pope Francis at sa kanyang kalusugan.

 

 

“Let’s just pray for Pope Francis and all his collaborators that they may stir the Catholic Church in the right direction as the church continues to face scrutiny and challenges at the moment,” dagdag niya. (Gene Adsuara)

Ibinuko ni Sylvia na nakahanap sila ng katapat… MAINE, tuwang-tuwa na nakikipag-asaran sa Daddy ART ni ARJO

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Sylvia Sanchez noong Huwebes, August 11, 2022, ibinahagi niya ang series of photos ng asawang si Art Atayde at Maine Mendoza na tuwang-tuwa na nag-aasaran sa isa’t-isa.

 

“Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa’t isa hahaha.

 

“Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila. 😄😝🤣,” sabi ng premyadong aktres.

 

Dagdag pa niya, “Walang humpay na tawanan, sarap nilang panoorin, tatawa ka nalang ng tatawa #positivevibes kumbaga (laughing emojis😄❤️❤️❤️

 

love you both @xaviiart @mainedcm 😘😘😘

 

#B1B2 #bullymeetsbully 😂😂😂 #masayangpuso #masayangtahanan
#masayangpamilya

 

“Happy morning 💃🕺💃”

 

Halatang super close na nga si Maine sa pamilya ng fiance niya na si Congressman Arjo Atayde, na mahusay at premyado ring aktor.

 

Pinusuan ito ng ilang celebrity friends at magaganda rin ang naging komento ng mga netizens na aliw na aliw talaga kina Maine at Papa Art sa bonding moments nila:

 

“I am not surprised, since Maine came from a very strong family foundation background just like yours. You both are blessed to have each other. ❤️”

 

“Ang swerte ni Maine sa mga byenan, thank you po at love n love nyo c Maine 😘💛💞💞”

 

“Napatunayan lang ni Maine and Cong. Arjo na kahit artista sila at ai maine ay may dating kalove team, pinag laban nila ang love nila sa isat isa❤️ at d lang love, inlove na inlove pa. GOODLUCK love birds.”

 

“Comportable si Maine sa maging dady nya soon bait ni Maine talaga walang arte2 gogo Kuya Art meron kng new daughter inlaw na mabait ❤️”

 

“Sana po miss sylvia upload ka lang palagi, happy pill namin kau lalo andyan c maine sa inyo. team abroad po ako.”
“Been following maine. Finally! In her showbiz journey full of manipulative people she finally found a real and legit 2nd father. I’m happy for Maine!

 

“Haha… ang sarap ng gnyang klaseng relationship yung masaya lang mas maaappreciate mo ang buhay. Walang drama. Walang tinik. Sarap makakita ng ganitong post. Congrats po!”

 

Na-engage nga sina Arjo at Maine noong July 28 at isa si Sylvia sa tuwang-tuwa at nag-welcome sa Phenomenal Star sa kanilang pamilya. Inaabangan naman ng mga netizens kung kailan magaganap ang kasalan na tiyak kaming magiging big showbiz event ito.

(ROHN ROMULO)

‘Black Adam’ Images Give New Look At The Rock’s DC Anti-Hero & JSA

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NEW Black Adam images provide fresh looks at Dwayne Johnson’s anti-hero and the Justice Society of America members in the DC Extended Universe movie.

 

Serving as a spinoff of 2019’s Shazam!, the upcoming DCEU film will tell an origin story for Black Adam, once a slave from Kahndaq who is granted powers by the ancient wizard Shazam and imprisoned for nearly 5,000 years for abusing his abilities. Once he is freed and unleashed into the present day, Black Adam’s barbaric behavior quickly attracts the attention of the JSA, who attempt to reform him.

 

The Rock leads the Black Adam cast as the titular antihero alongside Aldis Hodge as Hawkman, Noah Centineo as Atom Smasher, Quintessa Swindell as Cyclone, and Pierce Brosnan as Doctor Fate – all members of the JSA. Johnson reunites with Jungle Cruise director Jaume Collet-Serra on Black Adam, which wrapped filming earlier this year.
The Rock’s debut as Black Adam has been in the making for over a decade and the actor has long teased that his arrival will change the overall power structure of the DCEU franchise. With Black Adam’s release right around the corner, DC is looking to continue building hype for the film.

 

Just two months out from Black Adam’s premiere, Vanity Fair has exclusive new images showing off Johnson in costume as the titular antihero. Black Adam can also be seen using his lightning powers.

 

These new images are just the latest in a long line of sneak peeks at the DCEU movie that have come from trailers and social media teases in recent months.

 

Only Black Adam’s and Cyclone’s powers are fully on display in the pictures, but they offer an enticing tease of what’s to come. Hopefully, as the release date approaches, viewers will see more of the rest of the JSA’s powers on display, beyond what’s already been seen in trailers.

 

Almost as anticipated as Black Adam’s DCEU debut is the JSA’s inclusion in the film. Each of the members has their own special abilities, which they will try to use to stop Black Adam’s rampage early on before they can hopefully teach him to change his ways. Once they achieve that goal, Black Adam and the JSA will then be forced to team up in order to defeat a greater evil in Sabbac.

 

If these new images are any indication, Black Adam is going to have some powerful allies by his side. Black Adam is shaping up to be an epic superhero blockbuster, which audiences can finally see in theaters this fall on October 21. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Tickets sa US Open tennis nagkakaubusan matapos ang anunsiyong pagreretiro ni Serena Williams

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMAMI ang bumili ng tickets ng US Open tennis ilang oras matapos ang anunsiyo ni US Tennis star Serena Williams ng kanyang napipintong pagreretiro sa laro.

 

 

Ayon sa StubHub ang ticket retailers na tuwing may mga manlalaro na nag-anunsiyo ng kanilang retirement ay mabilis na nauubos ang mga tickets.

 

 

Matapos kasi ang 24 na oras ng mag-anunsiyo si Willams ay naging walong beses ang dami ng bumili ng kanilang tickets para sa torneo.

 

 

Anim kasi sa 25 Grand Slam titles ni Williams ay galing sa US Opens na ang huli ay noong 2019.

 

 

Magaganap ang US Open tennis sa huling linggo ng Agosto.

Ulo gugulong sa SRA sa pag-angkat ng asukal

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIIMBESTIGAHAN na ng Malacañang ang mga opisyal ng Sugar Regulatory Administration matapos maglabas ng hindi awtorisadong reso­lusyon para mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal.

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian ang resolusyon na walang pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tumatayo rin bilang kalihim ng Department of Agriculture.

 

 

Nilinaw ni Cruz-Angeles na hindi pinahihintulutan ng Pangulo ang pag-import ng asukal.

 

 

“Yesterday a resolution was uploaded on the website of the SRA purportedly coming from the Sugar Regulatory Board Resolution No. 4 autho­rized the importation of 300,000 MT of sugar on top of what had already been imported in May of this year. This resolution is illegal,” ani Cruz-Angeles.

 

 

Sinabi ni Cruz-Angeles na sensitibong bagay ang importasyon lalo na ang mga produktong pang agrikultura kaya kailangan itong balansehin.

 

 

Nilinaw naman ni Cruz-Angeles na ang resolusyon ay plano pa lamang para sa pagsasagawa ng importasyon.

 

 

Nagpapatuloy aniya ang imbestigasyon para matukoy kung may gumawa ng sariling aksyon na magiging sanhi ng pagkawala ng tiwala ng Pangulo sa kanyang mga opisyal, o kung may nangyaring “malice or negligence.”

 

 

Ibabase aniya sa resulta ng imbestigasyon kung ilang opisyal ang masisibak sa posisyon. (Daris Jose)

KASO NG COVID TATAAS PA HANGGANG DECEMBER

Posted on: August 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY posibilidad na patuloy na tataas ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas hanggang Disyembre ayon sa Department of Health (DOH)

 

 

Sa press briefing nitong Martes, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na maari pang magtuloy-tuloy ang pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa kahit hanggang nitong October, November, at December.

 

 

Ayon sa DOH, may posibilidad na ang kaso ng Covid-19 sa Pilipinas ay magpatuloy na tumaas hanggang  December.

 

 

Maaaring makakita ang Metro Manila ng higit sa 10,000 kaso ng Covid-19 sa Oktubre, ani Vergeire, na binanggit ang kamakailang projection ng Australian Tuberculosis Modeling Network (Autumn).

 

 

“Meron tayong Autumn projections. ‘Yung Autumn projections po natin, we can have as high as 10,612 cases of Covid-19 dito palang sa National Capital Region by the first week of October,” dagdag pa ng opisyal.

 

 

Sinabi niya  na ang mga projection na ito ay nakabatay sa iba’t ibang mga pagpapalagay tulad ng mababang booster shot coverage, mababang pagsunod sa minimum public health standards, mobility ng mga tao, at pagpasok ng mga variant ng Covid-19 virus.

 

 

Pero aniya ito ay projections base sa pagpapalagay.

 

 

Maaari aniyang mangyari ang mga projections na ito ngunit inaasahang  hindi dahil mayroon tayong kontrol sa dalawa sa mga pagpapalagay na ito at iyon ang uptake ng mga booster at pagsunod sa minimum public health standards.

 

 

Noong Martes, may kabuuang 2,618 bagong kaso ng Covid-19 ang naitala, batay sa tracker ng DOH Covid-19.

 

 

Ang mga bagong kaso na ito ay nagdala ng bilang ng mga aktibong impeksyon sa buong bansa sa 36,666.

 

 

Mula noong 2020, nakapagtala na ang Pilipinas ng 3,810,772 na kaso, kabilang ang 3,713, 242 ang nakarekober, at 60,864 ang namatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Ikinumpara ni Vivian sa mamahaling designer outfit ni Heart: MARIS, ipinagmalaki na nakarating sa New York ang kanyang ukay-ukay

Posted on: August 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINAGILIWAN ng mga netizens ang latest IG post ni Maris Racal na kung saan ang OOTD niyang white little dress ay nabili niya sa ukay-ukay.

 

 

Caption ni Maris sa kanyang larawan na kuha sa New York City, “My ukay ukay dress made it to nyc.”

 

 

Dahil sa ginawa niya, marami talagang natuwa at hindi makapaniwala na ang outfit na sinuot ni Maris sa New York ay second-hand dress, na nagmula nga sa isang ukayan ng lumang damit.

 

 

Napa-comment nga si Direk Antoinette Jadaone na, “Yan ba yung sa Session Road???”

 

 

Na sinagot naman ni Maris ng, “Iba pa yun direk.”

 

 

Ayon nga sa mga netizens at followers ng young actres:

 

“Love your fashion sense, girl! A proof that fashion doesn’t only have to be expensive stuff.”

 

 

“True. Nasa pagdala lang yan at nagsusuot. Aanhin mo yong expensive kung di naman bagay sayo diba?”

 

 

“Ganda Ng ukay dress mo ghorl.”

 

 

“Wow bet mo rin ukay2 ganda!”

 

 

“Love it! Where did you buy?”

 

 

“Grabe naman this girl so beautiful, talented and sexy.”

 

 

“Mas hot pa sa init ng araw.”

 

 

Pak apakaganda… next Victoria secret model.”

 

 

Samantala, kinumpara ni Vivian Velez ang naturang outfit ni Maris sa designer clothes ni Heart Evangelista at caption niya, “Heart’s designer outfit in Paris vs ukay ukay of Maris Racal in NYC.

 

 

“You don’t have to buy expensive, you just need to look like one hahaha.”

 

 

Super-react naman ang mga netizens sa obserbasyon na ito ni Ms. Vivian Velez, may nag-agree at meron ding nag-nega.

 

 

***

 

 

ISANG taos pusong mga sandali ang ibinahagi ni Senadora Imee Marcos sa mga kababayan sa Norte na mapapanood sa kanyang latest vlog entry ngayong weekend.

 

 

Naka-sentro sa vlog ang pagbisita niya sa Vigan, Abra, at Laoag, na talaga namang naapektuhan ng magnitude 7 na lindol, na nagwasak sa hilagang bahagi ng bansa.

 

Namahagi si Sen. Imee ng tulong sa mga pamilya sa rehiyon at kumunsulta sa mga tao upang alamin ang iba pa nilang pangangailangan.

 

Nilibot din niya ang mga historical sites na naapektuhan ng mapinsalang lindol.

 

Ipakikita rin sa vlog ang eksklusibo at never-before-seen na snippets sa kanyang pagpupulong kasama si Presidente Bongbong Marcos at iba pang lokal na opisyal.

 

Na kung saan pinag-usapan nila ang mga karagdagang safety measures at tulong para sa mga tao, sa muling pagpapatayo ng mga napinsalang mga tahanan at para maharap nila ang resulta ng lindol.

 

Tunghayan ang pagbisita ni Senator Imee Marcos sa Norte at mag-subscribe sa kanyang official YouTube Channel
sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

(ROHN ROMULO)

DICT iminungkahi ang pagkilala ng digital version ng National ID

Posted on: August 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IMINUNGKAHI ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglalabas ng digital version ng Naitonal ID habang hindi pa natatapos ang printing ng mga cards.

 

 

Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, na ang digital ID ay ginagamit na halos ng karamihan dahil ito ay madaling dalhin kumpara sa mga cards.

 

 

Dagdag pa nito na imbes na hintayin ng nasabing card version ay maari namang magamit ang digital version na ito ay maibeberipika sa pamamagitan ng app o data base.

 

 

Magugunitang unang sinabi ng Philippine Statistics Authority na mayroong mahigit 50.01 milyon na Filipino ang kumuha ng kanilang PhilSys cards pero nitong Hunyo lamang ay mayroong 14.3 milyon cards ang kanilang naipamahagi. (Daris Jose)

Arnell Ignacio itinalaga bilang OWWA chief

Posted on: August 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kilalang TV personality na si Arnaldo Arevalo “Arnell” Ignacio bilang pinuno ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

 

 

“We confirm the appointment of Mr. Ignacio as Executive Director Admin. V of the Overseas Workers Welfare Administration,” ani Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.

 

 

Hindi pa naglalabas ang Malacañang ng kopya ng appointment paper ni Ignacio.

 

 

Matatandaan na itinalaga rin si Ignacio sa OWWA bilang deputy administrator sa ilalim ng administrasyon ni ­dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Unang napunta si Ignacio sa OWWA noong 2018 pero umalis sa kanyang posisyon noong Pebrero 2019, dahil sa “personal na dahilan.”

 

 

Noong Abril 2019, inihayag ni Ignacio na nagtapos siya ng political science degree sa Unibersidad ng Makati.

 

 

“He was reappointed in September of last year to the same post and will now occupy the position of Administrator, vice Hans Cacdac who will be serving as Usec (Undersecretary) of DMW (Department of Migrant Workers) on Welfare and Foreign Employment,” ani Cruz-Angeles. (Daris Jose)

Non-stop ang pagdating ng magagandang projects: JULIE ANNE, bongga na ang career at lucky in love pa dahil kay RAYVER

Posted on: August 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IT seems non-stop ang success ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.  

 

 

Sabi nga, bukod sa lucky in love si Julie dahil kay Rayver Cruz, very lucky rin ang Sparkle star na tumanggap ng Silver Award para sa “Limitless: A Musical Trilogy” mula sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards.

 

 

Nasundan agad ito ng magkaroon siya ng special collaboration kay Gary Valenciano, na dream come true para sa kanyang makatrabaho ang singer-songwriter na siyang sumulat ng kantang “Di Ka Akin,” na ngayon ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music streaming platforms.

 

 

Balik-acting din si Julie dahil kasama siya sa historical portal fantasy series na “Maria Clara at Ibarra.” Si Julie ang gaganap bilang Maria Clara at makakatrabaho niya si Kapuso Drama King Dennis Trillo as Ibarra at si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, as Klay na papasok sa mundo nina Maria Clara at Ibarra.  Nagsimula na silang mag-taping ng fantasy series.

 

 

At sa September 24 and 25, GMA Pinoy TV will present the US concert “Together Again” ng mga judges ng “The Clash,” sina Ai Ai delas Alas, Lani Misalucha, Rayver Cruz at Julie Anne, with special guests Dingdong Dantes and Bea Alonzo, sa Pechanga Theater ng Pechanga Resort Casino sa Temecula, California, produced by Starmedia Enterprises.

 

 

***

 

 

MASAYANG-MASAYA si Katrina Halili at nagpasalamat sa GMA Network for another ‘mabait’ role sa upcoming Afternoon Prime series na “Unica Hija.”

 

 

“Mukha ba talaga akong mabait,” biro ni Katrina nang malamang gaganap siyang loving and protective mom ni Kate Valdez.

 

 

“Thank you po for considering me to play nanay ni Kate. Pero talagang nagulat din ako, dahil sanay naman akong kontrabida, bago ko ginawa ang ‘Prima Donna’ book one and two,  I’m looking forward na maging one big family rin kami ng cast ng ‘Unica Hija,’ para masayang magtrabaho.”

 

 

Makakasama nina Katrina at Kate sina Kelvin Miranda, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garrovillo and Alfred Vargas in a very special role.  Kasama rin sina Maricar de Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel at Jemwell Ventenilla.

 

 

***

 

 

MASAYA at labis ang pasasalamat ni Dominic Ochoa na muling makatrabaho si Carmina Villarroel, he accepted the offer without hesitation.

 

 

Malaking tulong daw para sa kanya na kilala na niya ang makakatrabaho niya sa GMA Afternoon Prime na “Abot Kamay Na Pangarap,” pangungunahan nina Carmina at Jillian Ward, na gaganap na mag-ina.

 

 

“I’ve known Carmina for quite sometime, nagkatrabaho na kami sa isang movie in 2020,” kuwento ni Dominic.

 

 

“Actually, nalaman ko ito sa wife ko, pero sabi ko wala pa namang tumatawag sa akin.  After a week, natanggap ko ang tawag, at tinanggap ko agad.  Salamat na muli kong makakatrabaho si Carmina, si Richard Yap, at makasama rin ang iba pang Kapuso stars.”

 

 

***

 

 

MATAGAL nang kumakalat ang balitang lilipat si Matteo Guidicelli, hindi pala ang wife niyang si Sarah Geronimo, sa Kapuso Network.

 

 

This month, malapit nang makilala si Matteo bilang bagong co-host ng ‘Unang Hirit,’ ang morning talk show ng GMA-7.  Magiging abala muna si Matteo sa promo guestings para sa show.

 

 

Welcome addition si Matteo sa pamilya ng UH na marami nang karanasang maibabahagi tulad ng pagiging actor, singer, businessman, at reservist ng Philippine Army.

 

 

Hindi na rin naman baguhan si Matteo sa GMA-7 dahil naging bahagi siya noong 2009 ng Sunday noontime musical-variety show na ‘SOP Fully Charged’.

(NORA V. CALDERON)