• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

Kasabay ng selebrasyon ng kanyang 40th birthday: IZA, isiniwalat na ipinagbubuntis na ang first baby nila ni BEN

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Iza Calzado-Wintle noong August 12, sabay sa celebration ang kanyang 40th birthday, isiniwalat ng magaling na aktres na magiging mommy na sa panganay anak nila si Ben Wintle.

 

Umaapaw nga ang happiness ngayon ng Kapamilya actress na mapapanood sa ‘Darna’ TV series bilang ina ni Narda, simula ngayong gabi na pinagbibidahan ni Jane de Leon, sa new chapter of her life.

 

 

Panimula sa caption ni Iza, “They say life begins at 40.”

 

 

“So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life.

 

 

Pero may dumating na napaka-bonggang blessing sa kanilang mag-asawa…

 

 

“Then you came along. Unexpectedly. It was a shock in the beginning like ice cold water that gets thrown at you. This is not what I planned yet here you were. It took only a brief moment. I, then, instinctively knew that this was THE plan.

 

 

“In my forty years I have come to discern when God is steering me to a different direction. A path I may not have thought of yet it always turns out to be the best for me. So now, I surrender to His will with no resistance.”

 

 

Pagpapatuloy pa ni Iza, na labis na natutuwa at nagpapasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon…

 

 

“God’s plans are always far greater than mine and I humbly accept this new chapter of my life with a heart filled with gratitude, casting all my fears and worries aside and simply trusting in the divine timing and wisdom of life.

 

 

“Something deep inside me knows that you will propel me to greater heights to soar higher than ever before in ways I cannot even begin to imagine. You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!”

 

 

At tulad nga ng sinabi ng isa sa kanyang mga karakter sa pelikulang “Starting Over Again” kung saan gumanap siya bilang si Patty, “In love, there is no fear”. Kaya naman pipiliin niyang mabuhay sa araw-araw na sinisigurong puno ng pagmamahal ang magiging anak.

 

 

“They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty. To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light. Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE,” sey pa ni Iza.

 

 

Pinusuan at dumagsa nga ang pagbati ng mga netizens at showbiz friends…

 

 

Say Angelica Panganiban na preggy din, “Congratulations & happy birthday indeed.” “You go mama!!!!😍😍😍”, post naman ni Solenn Heussuff na buntis rin sa second baby nila Nico Bolzico.

 

 

Sabi naman ni Dawn Zulueta, “Congratulations dear Iza, I’m so thrilled for you 😍 I had my Ayisha when I was 40 also. You are so blessed❣️”

 

 

Pagbati naman ng dating screen partner and friend na si Dingdong Dantes, “Congratulations, and what a happy birthday indeed! 🍻”

 

 

Comment naman ni Jake Cuenca, “Oh my gosh loveteam I’m so happy for you. Congratulations to you and Ben.”

 

 

Post ni Rayver Cruz, “Congratulations ate iza!!!!! ♥️🙏🏼 happy birthday! 😇”

 

 

“Congratulations Iza! That’s true! Life begins at 40😍,” comment ni Ara Mina.

 

 

“Still crying!!!!! Love you!!!! Happiest birthday beautiful human being!!!!! And hello there little one!!!!” komento naman ni Bianca Gonzalez.

 

 

Sabi naman ni Sue Ramirez, “Ate ang aga mo naman akong pinaiyak. I love you! Happy birthday and congratulations.”

 

 

Napa-wow naman si Ruffa Gutierrez, “Congratulations girl!! I am soooooo happy for you @missizacalzado ❤️❤️❤️ congratulations to both you and Ben!!”

 

 

“All in His time. Now is the time. Happy Birthday to a classy lady @missizacalzado . Sleep and rest well, enjoy it now because your whole life is about to change. It will be challenging but sooooo rewarding. Congratulations!!!🙌,” comment ni Gelli de Belen.

 

 

Marami pang kasamahan sa showbiz ang bumati kay Iza na kasalukuyang nagbabakasyon sa London, United Kingdom kasama ang guwapong asawa.

 

 

(ROHN ROMULO)

Kidapawan, DavNor swimmers magilas sa FINIS Mindanao leg

Posted on: August 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAGAW ng eksena ang mga tankers ng Kidapawan Long Wave Swim Team at DavNor Blu Marlins Swim Team sa Mindanao leg ng 2022 FINIS Short Course Swim Series sa Governor Douglas RA Cagas Sports, Cultural and Business Complex sa Matti. Davao del Sur.

 

 

Sinabi ni FINIS Phi­lippines Managing Director Vince Garcia na ang dalawang araw na event ay nagsisilbing qualifying para sa National Finals na nakatakda sa Agosto 20-21 sa New Clark Swimming Pool sa Tarlac.

 

 

Papasok sa national finals ang top 16 swimmers sa bawat event.

 

 

“Mahigit 100 koponan ang sumali sa huling leg ng serye dahil nakataya ang mga puwesto para sa National Finals,” wika ni Garcia. “Natuwa rin sila sa programa natin.”

 

 

Wagi sa kanilang mga events sina Kail Kahulugan, Jacob Ansale, Leo­nard Odell Narreto, Teofh Velez, Czarina Cavite, Shan Cyril Luga, Anthony Acedo, Ethan Bazylewicz, Rain Andrei Tumulac, John Bem Batalla, Hansel Sarayan, Kate Ytang, Jahred Carlos Basan at Zabrinah Pailagao.

 

 

Malalaking premyo ang naghihintay sa National Finals kabilang ang trai­ning package para sa mga atleta na makakabura ng national record.

 

 

Ang Mindanao leg ay sentro ng FINIS-organized Davao Del Sur Aquatics Challenge ngayong buwan dahil gaganapin din sa lalawigan ang Finis Passig Islet 5K Open Water Swim Challenge sa Agosto 27 at ang Kids of Steel Triathlon Finis Green Aquathlon sa Agosto 28 sa Digos City.

‘Overpriced’ laptops iimbestigahan ng Senado

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAIMBESTIGAHAN  ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang isyu kaugnay sa ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops na binili ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

 

 

Sa Senate Resolution 120 ni Pimentel, ­inaatasan nito ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations na silipin ang ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops para sa mga public school teachers.

 

 

Ang nasabing biniling mga laptops ng PS-DBM para sa DepEd teachers ay aabot ng P2.4 billion.

 

 

Lumalabas sa Agency Procurement Request (APR) ng DepEd na P35,046.50 ang halaga ng kada unit ng laptop pero batay sa sariling market survey na ginawa ng PS-DBM, ang kada unit ng laptop na may kaparehong specifications ay aabot ng P58,300.

 

 

Bukod sa sobrang mahal na presyo ng laptop ay ‘outdated’ din ito dahil ang processor ng laptop na Intel Celeron ay napakabagal para magamit ng mga guro sa online learning.

 

 

Bukod dito, ang intended beneficiaries ng mga laptop na 68,500 na mga guro ay nabawasan pa at nasa 39,583 public school teachers na lamang.

 

 

Ipapatawag sa pagsisiyasat ng blue ribbon committee ang DepEd at PS-DBM para pagpaliwanagin kung bakit ‘overpriced’ ang presyo ng laptop gayong ito ay outdated, napakabagal at nabawasan pa ang bilang ng mga makikinabang na guro. (Daris Jose)

Fernando, kaisa ni PBBM sa pagseseguro ng suplay ng pagkain sa bansa

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Kaisa si Gobernador Daniel R. Fernando sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na masiguro ang sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

 

 

Bilang hudyat para sa hinahangad na mas masaganang ani at kita ng mga Bulakenyong magsasaka, ang unang pagpapalipad ng isang agricultural drone na binili ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay pinangunahan ni Fernando noong Martes kasama ang Provincial Agriculture Office (PAO) sa may bukirin ni Elizabeth Esguerra sa Brgy. Pinac-pinacan, San Rafael, Bulacan.

 

 

Bago isinagawa ang aktwal na seed spreading gamit ang drone, nagbigay ng oryentasyon ang mga tauhan ng PAO kina Fernando, Punong Bayan Mark Cholo Violago ng San Rafael, Bokal Romeo Castro, Jr. at Punong Barangay Alberto Bautista at mga magsasaka ukol sa mga benepisyo at gamit nito.

 

 

Ayon kay Gng.  Ma. Gloria Carrillo ng PAO, ang nasabing multi-tasking drone ay isang makabagong equipment na nagpapagaan ng trabaho sa pagtatanim o pagsabog ng binhi sa kabukiran, pagi-spray ng pataba o kemikal upang labanan ang mga sakit at peste bukod pa sa napapabilis ang oras sa pagtapos ng gawain sa bukid.

 

 

Aniya, mas ligtas itong gamitin dahil maiiwasang masugatan ng suso at iba pang debris sa bukid dahil ang nasabing drone ay siya mismong lilipad para magsabog ng mga punla nang hindi na kakailanganin pang lumusong sa  lupang sinasaka.

 

 

“Malaki ang maitutulong ng mga makabagong  kagamitan na ito sa mga magsasaka upang makatuwang sila ng pamahalaan sa pagsisiguro ng suplay ng pagkain ng bansa. Sisikapin natin dito sa Bulacan na patuloy na makasabay sa takbo ng modernong panahon na makatutulong sa pagtataas ng kakayahan, ani at kita ng ating mga magsasaka,” ani Fernando.

 

 

Samantala, bukod sa pagmomonitor ng paglipad ng drone seed spreader, sinubukan din ni Fernando na imaneho ang mechanical seed transplanter kasama si Violago at Castro para magtanim ng palay.

 

 

“Tunay nga po na isang malaking oportunidad ang hatid ng mga makabagong kagamitan na ito. At makaaasa po ang ating pamahalaang nasyunal sa pangunguna ni PBBM na laging nakasuporta at makikiisa ang Bulacan sa mga programa ng Kagawaran ng Agrikultura,” dagdag pa ng gobernador. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, nangakong lilikha ng ‘enabling environment’ para sa PH research

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING inulit ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang kanyang pangako na lilikha ng “enabling environment” para sa  research sa bansa pamamagitan ng pagsusulong na makalikha ng “local virology institute and disease prevention and control center.”

 

 

Bahagi ito ng pahayag ni Pangulong Marcos sa  kanyang naging pagdalo sa 15th Philippine National Health Research System (PNHRS) Week celebration sa Clark Marriott Hotel sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

 

 

“As your President, I hope my presence here today gives a clear signal that this administration continues to support your endeavors so that together, we can create an enabling environment for the Filipino research community that fosters collaboration and cooperation that will yield solutions that will make lives better for our fellow men and women,” ayon sa Pangulo.

Tinukoy ni Pangulong Marcos kung paano ang agarang pagpapasa ng batas na lilikha sa Virology Institute of the Philippines (VIP) na “consolidate disparate research, knowledge, and data”, habang ang pagpapasa  ng batas na lilikha naman sa Philippine Center for Disease Prevention and Control ay paghahanda ng bansa  para sa“unfortunate warnings” na may kinalaman sa pandemya.

 

 

“We have been in consultation with the House of Representatives and the Senate to create these agencies. We will continue to work so that our people are safer, so that our citizens have better access to health care, and so that the quality of our health care will improve,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, pinuri naman ni Pangulong Marcos ang health researchers ng bansa para sa kanilang “unparalleled commitment” para tulungan ang bansa sa pagtugon sa pandemiya.

 

 

Tinukoy ang sarili niyang karanasan matapos mahawa ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) para sa kauna-unahang pagkakataon noong  Marso 2020,  sinabi ni Pangulong Marcos na “intellectual humility helped researchers hone their competencies and gain new insights from other experts.”

 

 

“For the first time in our experience, I asked the doctor and I said, what is happening and he said, ‘I don’t know.’ ‘What are you going to do to cure me?’ ‘We don’t know.’ That is the situation that we were in. There was a total lack of information, of knowledge about this new pandemic. That is why the work that you did, that developed – the genome sequencing so that we could follow and identify and detect the different strains as they came about, the tests kits that you were able to develop for the local community, the modeling that was done – this was all a fruit and of your partnership, and it is something that has never been seen before,” aniya pa rin.

 

 

“A key element of the work that you do is the cooperation: Different agencies have come together and removed all the barriers in terms of scientific research in exchange of information of help in facilities, help in using all of the laboratories so that we are able to maximize our efforts. This has been the key to the successes that you have enjoyed, and the successes you will enjoy,”pahayag pa nito.

 

 

Aniya pa,  ang research institutes ay mapagbigay sa pagbabahagi ng impormasyon”at an unprecedented rate,” sinabi ni Pangulong  Marcos na natuto ang bansa na pagaanin ang iba’t ibang problema na nagsuluputan sa panahon ng pandemya.

 

 

“I think we are better prepared because we have formed and we have had experienced during the Covid-19 pandemic. And that, I think, still remains the key element to our success,”dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

PUBLIKO PINAG-INGAT SA ONLINE SCAM

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Philippine postal office o Philpost na isang scam ang isang quiz game na umiikot ngayon sa social media.

 

 

Sa post ng ahenya sa kanilang official page, binalaan nito ang publiko at sinabing hindi namimigay ng financial aid ang Philpost.

 

 

Dagdag ng ahensya maaaring magkaraon ng access ang mga scammers sa mg personal na impormasyon na hihingin ng website sa oras na iclick ang link.

 

 

Paalala ng Philpost hinding hindi gagawin ng kanilang ahensya ang tumawag, mag-text o mag-email at humingi ng personal na impormasyon o mag-request ng bayad o magpa-click ng anumang email link para makapag-claim ng anumang package.

 

 

Ang nasabing public announcement ng philpost ay bunsod ng link na shinishare ngayon sa social media kung saan kailangan mo lang sumagot ng apat na katanungan at may tsansa ka ng manalo ng 7k na ayuda at maki-claim mo ito kapag shinare mo ang link sa ibang tao. (Gene Adsuara)

Ads August 13, 2022

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Plano na church wedding ‘di muna matutuloy… LUIS at JESSY, parang kinasal muli sa naisip na ‘preggy reveal’

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING masaya sa announcement ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano.

 

Finally, magkaka-baby na sila!

 

Ang bongga rin ng naisip na concept na baby or preggy reveal nina Jessy at Luis na ipinalabas nila sa Youtube channel ni Jessy. Para lang silang ikinasal muli with Jessy wearing a white gown at si Luis naman naka-tuxedo in a beautiful setting.

 

Dahil sa pagbubuntis ni Jessy, maiisantabi muna ang plano raw sana nila kasing church wedding ngayong taon. Pero it’s a welcome and happy change dahil matagal na nilang hinihintay ang magkaroon ng anak.

 

Sa Instagram post ni Jessy, hindi matatawaran ang kaligayahan ni Jessy sa post pa lang niya.

 

Bahagi ng caption ni, “What a pleasant surprise! We had planned for our church wedding this year but suddenly God gave us this wonderful blessing, proving time and again that God is the master planner.

 

“No matter what your plans are, He has a divine plan for you, one that is definitely BETTER than what you have imagined. His plan is always the best.

 

“We decided to share this wonderful news with you through a video shot in one of God’s houses – a beautiful chapel in Benguet.

 

“For now, our planned church wedding will have to take a backseat until our bundle of joy arrives. This is, by far, the beat surprise we have received in our lives. Indeed, with God all things are possible.”

 

***

 

SA kabila ng napakaraming magagandang comments ng mga netizens at viewers bukod sa consistent high ratings ng GMA Telebabad na “Lolong,” ‘di siguro mawawala ‘yung meron pa rin na namba-bash.

 

Pero para sa bida nito, ang kasalukuyan pa rin nag-e-enjoy sa South Korea na si Ruru Madrid kasama ang girlfriend na si Bianca Umali, obvious na overwhelmed lang siya sa tagumpay na tinatamasa ng serye ngayon.

 

“Ako naman po, nakita niyo naman ako nagsisimula pa lang. Ako po ‘yung sobrang taas ng pangarap ko sa buhay at ito lang po ‘yung sobrang matagal ko nang hinihintay.

 

“Noong binigay po sa akin ang proyektong ito, I’m just very thankful whatever happens. Maging successful man ‘yan or what, kasi alam ko po sa sarili ko na binuhos ko ang lahat ng makakaya ko para po rito sa programang ito.

 

“Pangalawa, ‘yung samahan na nabuo po namin dito while doing the project, hindi po matatawaran. Habambuhay na po ‘yon and ‘yung mga natutunan ko po sa project na ‘to, sa nga veteran actors na nakasama ko at mga baguhan, ‘yun po ang hindi ko makakalimutan.”

 

Sabi pa ni Ruru, mula raw nang maging artista siya, nagkaroon siya ng bagong goal sa buhay at ito ay makapagbigay ng inspirasyon.

 

Gusto rin daw niyang maka-inspire sa iba. Kaya grateful daw siya na through Lolong din, nabibigyan din niya ng inspiration ang mga manonood.

 

“Actually, ‘yung mga natatanggap po naming mga komento, sobrang nakatataba po ng puso.”
Sa isang banda, nasa ikalawang yugto na ang “Lolong” at may mga bagong cast din na makakasama at mapapanood.

(ROSE GARCIA)

Mahigit 1.2-M reserve force nakahandang tumulong sa mga giyera at kalamidad

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG  mahigit 1.2 milyon reserve force ang bansa na aasahan sa panahon ng matinding kalamidad at giyera.

 

 

Sinabi ni Vice Admiral Rommel Reyes, ang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang nasabing bilang ay maaring imobilize.

 

 

Dumalo si Reyes sa pagdinig ng Senate committee on national defense.

 

 

Dagdag pa nito na ang nasabing mga reserves ay kinabibilangan ng ready reserve, affiliated reserve at standby reserves.

 

 

Paglilinaw ito na ang nasabing mga reserve forces ay hindi lamang sa pagtanggol ng seguridad ng bansa at sa halip ay para sa pagtulong sa development ng bansa.

Gagawin ang lahat para maging best ‘Darna’: JANE, na-overwhelm sa naging endorsement ni VILMA

Posted on: August 13th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OVERWHELMED si Jane de Leon dahil may endorsement sa kanya ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos bilang Darna.

 

 

Isa sa most memorable movies ni Ate Vi ay ang ‘Lipad Darna Lipad’ kung saan tatlo ang director niya – Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao at Elwood Perez.

 

 

Apat na beses din na lumabas na Darna si Ate Vi at bilang bagong Darna ng kanyang generation, malaking karangalan para kay Jane na suportahan siya ng isang aktres na iconic din ang pagganap bilang Darna.

 

 

Natagalan man ang pag-take off ng ‘Darna’, hindi naman nawalan ng pag-asa si Jane na matutuloy pa rin ito.

 

 

Sabi pa ni Jane, malaking karangalan para sa kanya na mabigyan ng pagkakataon to portray an iconic role.

 

 

Hindi biro ang listahan ng mga aktres na gumanap bilang Darna and to be among them is indeed an honor.

 

 

“Gagawin ko po ang lahat to be the best Darna that I can be,” sabi pa ni Jane.

 

 

“Sobrang overwhelmed po ako. Ito na po ang pagkakataon para maipakita namin sa buong mundo ang pinaghirapan naming. Lahat ng cast and production staff. Marami kayong dapat abangan sa ‘Darna’ ang costumes, ang mga villains at sa bagong istorya ni Darna.”

 

 

***

 

 

PINALAKPAKAN si Rio Locsin nang rumampa siya sa red carpet sa grand mediacon ng ‘Darna’ noong Lunes.

 

 

At pinalakpakan din siya ng mga co-stars niya nang pumanhik siya sa stage ng Dolphy Theater.

 

 

Very thankful naman si Rio sa respetong ibinigay sa kanya ng co-stars niya sa ‘Darna’. Among the cast, parang si Rio yata ang eldest. And among them females, siya lang ang nakaganap na Darna.

 

 

Nagpapasalamat si Rio sa offer sa kanya to play the grandmother of Jane De Leon, who plays Darna.

 

 

Finally ay makikita na raw ng Pinoy audience, both here and abroad, ang pinaghirapan nilang trabaho sa bagong kwento ng Pinay superhero.

 

 

Humanga rin si Rio sa special effects na ginamit sa mga flying scenes ni Jane.

 

 

Noong time daw gumanap siyang Darna, nakapatong lang siya sa mesa tapos may electric fan tapos kunwari lumilipad siya.

 

 

Pero ngayon high-tech ang paglipad ni Darna.

 

 

Sinabi rin ni Rio dapat tutukan ng viewers ang kwento ng Darna dahil nakaka-inspire ito.

 

 

***

 

 

BIDA si Andrew Ramsay, bunsong kapatid ng award-winning actor na si Derek Ramsay, sa Cinemalaya entry na ‘Ginhawa’, which had its gala premiere noong Martes sa Main Theater ng CCP.

 

 

Dumalo sa screening ng movie si Derek together with Ellen Adarna.

 

 

Debut film ni Andrew ang ‘Ginhawa’ na ang kwento ay tungkol sa isang binata na nangangarap na maging champion boxer.

 

 

Pero matutuklasan niya na mahirap pala ang landas na tatahakin para matupad ang pangarap na maging champion boxer.

 

 

Sa ending ay may importanteng desisyon na kailangan gawin ang karakter na ginagampanan niya.

 

 

Gusto rin ni Andrew na pumasok sa showbiz as an actor. May background siya sa acting dahi nakagawa na siya ng mga stage plays.

 

 

Alam din niya na importante na matuto siyang magsalita ng Tagalog better kung gusto niyang magkaroon ng solid acting career sa Pilipinas.

 

 

Siyempre wish din ni Andrew na one ay magkasama sila sa isang movie project ng kanyang Kuya Derek.

 

 

Among the movies na ginawa ng kanyang kuya, pinakagusto niya ang ‘English Only Please’ na leading lady si Jennylyn Mercado.

 

 

Dapat din mag-take ng acting workshop si Andrew para mahasa ang acting niya.

 

 

(RICKY CALDERON)