• April 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibinuko ni Sylvia na nakahanap sila ng katapat… MAINE, tuwang-tuwa na nakikipag-asaran sa Daddy ART ni ARJO

SA Instagram post ni Sylvia Sanchez noong Huwebes, August 11, 2022, ibinahagi niya ang series of photos ng asawang si Art Atayde at Maine Mendoza na tuwang-tuwa na nag-aasaran sa isa’t-isa.

 

“Sila po ang laging nagbubullyhan pagnagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa’t isa hahaha.

 

“Ang saya saya sa tuwing nagbubullyhan sila. πŸ˜„πŸ˜πŸ€£,” sabi ng premyadong aktres.

 

Dagdag pa niya, “Walang humpay na tawanan, sarap nilang panoorin, tatawa ka nalang ng tatawa #positivevibes kumbaga (laughing emojisπŸ˜„β€οΈβ€οΈβ€οΈ

 

love you both @xaviiart @mainedcm 😘😘😘

 

#B1B2 #bullymeetsbully πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ #masayangpuso #masayangtahanan
#masayangpamilya

 

“Happy morning πŸ’ƒπŸ•ΊπŸ’ƒ”

 

Halatang super close na nga si Maine sa pamilya ng fiance niya na si Congressman Arjo Atayde, na mahusay at premyado ring aktor.

 

Pinusuan ito ng ilang celebrity friends at magaganda rin ang naging komento ng mga netizens na aliw na aliw talaga kina Maine at Papa Art sa bonding moments nila:

 

“I am not surprised, since Maine came from a very strong family foundation background just like yours. You both are blessed to have each other. ❀️”

 

“Ang swerte ni Maine sa mga byenan, thank you po at love n love nyo c Maine πŸ˜˜πŸ’›πŸ’žπŸ’ž”

 

“Napatunayan lang ni Maine and Cong. Arjo na kahit artista sila at ai maine ay may dating kalove team, pinag laban nila ang love nila sa isat isa❀️ at d lang love, inlove na inlove pa. GOODLUCK love birds.”

 

“Comportable si Maine sa maging dady nya soon bait ni Maine talaga walang arte2 gogo Kuya Art meron kng new daughter inlaw na mabait ❀️”

 

“Sana po miss sylvia upload ka lang palagi, happy pill namin kau lalo andyan c maine sa inyo. team abroad po ako.”
“Been following maine. Finally! In her showbiz journey full of manipulative people she finally found a real and legit 2nd father. I’m happy for Maine!

 

“Haha… ang sarap ng gnyang klaseng relationship yung masaya lang mas maaappreciate mo ang buhay. Walang drama. Walang tinik. Sarap makakita ng ganitong post. Congrats po!”

 

Na-engage nga sina Arjo at Maine noong July 28 at isa si Sylvia sa tuwang-tuwa at nag-welcome sa Phenomenal Star sa kanilang pamilya. Inaabangan naman ng mga netizens kung kailan magaganap ang kasalan na tiyak kaming magiging big showbiz event ito.

(ROHN ROMULO)