Tickets sa US Open tennis nagkakaubusan matapos ang anunsiyong pagreretiro ni Serena Williams
- Published on August 13, 2022
- by @peoplesbalita
DUMAMI ang bumili ng tickets ng US Open tennis ilang oras matapos ang anunsiyo ni US Tennis star Serena Williams ng kanyang napipintong pagreretiro sa laro.
Ayon sa StubHub ang ticket retailers na tuwing may mga manlalaro na nag-anunsiyo ng kanilang retirement ay mabilis na nauubos ang mga tickets.
Matapos kasi ang 24 na oras ng mag-anunsiyo si Willams ay naging walong beses ang dami ng bumili ng kanilang tickets para sa torneo.
Anim kasi sa 25 Grand Slam titles ni Williams ay galing sa US Opens na ang huli ay noong 2019.
Magaganap ang US Open tennis sa huling linggo ng Agosto.