PBBM sa mga bagong itinalagang AFP officials: Huwag hayaan na mawala ang tiwala at kumpiyansa ng mga Pinoy
- Published on November 11, 2026
- by Francis Paolo Torres
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga newly promoted generals at flag officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na huwag hayaan na mawala ang tiwala at kumpiyansa sa kanila ng mga Filipino.
“No matter how advanced our capabilities may become, we must never lose sight of the trust and confidence of the Filipino people,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati matapos pangunahan ang oath taking ceremony ng mga ito.
“Sustaining that trust is a responsibility that all of us share, government, our institutions, and our communities,” aniya pa rin.
Winika ng Pangulo na “a modern military requires leaders who serve with competence, integrity, and accountability.”
Nangako rin ang Pangulo na ang gobyerno ay magbibigay ng suporta na kailangan ng AFP para magampanan ang kanilang mandato.
Sa kabilang dako, nanumpa sa kanyang tungkulin si General Antonio Nafarrete bilang AFP chief of staff kasama ang 33 iba pang newly promoted generals at flag officers ng AFP. (DARIS JOSE)