• October 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 23rd, 2026

Ads October 23, 2026

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Malakanyang, nangako na hindi bibitiw sa pagtugis sa mga nagkasala…PBBM, nalansag ang ₱11.6B na smuggled farm goods sa loob ng 17 buwan

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASAMSAM ng gobyerno ang P11.6 bilyong halaga ng smuggled agricultural products sa 67 operasyon sa loob ng 17-month period ngayong taon.

Kasunod ito ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa mga pagkilos na itinuturing na economic sabotage.

Ang pinaigting na kampanya ay nauwi sa paghahain ng administrative o criminal complaints laban sa 218 katao, kung saan tiniyak ng Malakanyang na patuloy na tutugisin hanggang “justice is served.”

“The massive haul of farm and fisheries contraband from February 2025 to July this year demonstrates the resolve to shield growers from unfair competition as well as consumers from unsafe food,” ayon kay Executive Secretary Ralph Recto.

“Smugglers do not only evade duties but food safety checks. We should not let degraded food meant for dumpsters in other countries end up in our own tables,” ang sinabi pa rin ni Recto.

Sinabi pa niya na ang pangamba sa El Niño dry spell sa mga susunod na buwan ang nagbigay gana sa mga smugglers. “Crisis creates opportunities, and when water shortage looms, the smugglers see this as a cue to flood the market with their illicit products.”

Nilinaw ni Recto na ang tumataas na domestic production ay nananatiling pangunahing polisiya sa hangrin na makamit ang food security.

“Pero kung may kulang, i-angkat lang batay sa masusing pag-aaral ang tama – tamang bilang at sa tamang panahon. Sakto, hindi sobra. At hindi sa panahon ng anihan, pero sa panahong kulang ang supply,“ ang winika pa ni Recto sabay sabing “The President wants escalation on two fronts. The first is to boost production, more so that every year we are adding 1.5 million to our population, and that is the demographic reality. And the second is to curb smuggling because it disincentives local production.”

Matatandaang, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No.12002 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act sa isang seremonya sa Malakanyang noong September 2024, naglalayong palakasin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglansag sa mga iligal na aktibidad na nakaaapekto sa supply at presyo ng pagkain.

Kabilang sa mga illegal na aktibidad na ito ay ang smuggling, hoarding, profiteering at operasyon ng kartel.

Alinsunod sa nasabing batas, isang Special Team of Prosecutors ang nilikha bilang isang dedicated group para tugisin ang mga violators. Kamakailan ay nahatulan ang pitong smugglers ng tobacco products.

Sa ilalim ng RA 12022, inatasan ang multisectoral Anti-Agricultural Economic Sabotage Council na pangasiwaan ang “whole of nation approach” sa anti-smuggling crusade.

“Ayon sa utos ng Pangulo, lalo pa nating palalakasin ang enforcement machinery. Walang lungga ang smuggling sa isang bansang nagtatanggol sa kabuhayan ng Pilipino,” sinabi pa ni Recto. (DARIS JOSE)

Kapalpakan ng DILG sa pagtugis kay Senador Bato dela Rosa, ikinadismaya ng mambabatas 

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IKINADISMAYA ni Kabataan Party-list Rep. Atty. Renee Co ang kapalpakan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagtugis kay Senador Bato dela Rosa, lalo’t inamin mismo ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa isang panayam sa ANC noong Oktubre 19, 2026, ang malaking pagkukulang niya sa paghahanap at pag-aresto sa senador.

“Kapag ordinaryong Pilipino, ang bilis dahasin ng mga galamay ng estado. Pero kapag senador na kailangang managot sa madugong gera kontra-droga, bakit tila nag-aatubili ang pamahalaan? Bakit tila hirap na hirap kumilos ang gobyerno kapag makapangyarihan ang sangkot?” pagtatanong ni Atty. Co.

Hindi sapat aniya ang pag-amin at pagsisisi ni Remulla para sa libo-libong pamilyang hanggang ngayon ay naghihintay ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay na naging biktima ng madugong kampanya kontra-droga.

“Sa ilalim ng administrasyong Duterte, pinamunuan ni Dela Rosa ang Philippine National Police (PNP) sa panahong isinagawa ang kampanyang nagbunga ng malawakang pagpaslang. Ngayong nasa kustodiya na ng International Criminal Court (ICC) si Rodrigo Duterte, dapat ding harapin ni Dela Rosa ang mga alegasyong may kaugnayan sa kanyang papel sa kampanyang ito. Hindi dapat maging kanlungan ng mga makapangyarihan ang sistemang pangkatarungan,” ani Co.

“Malaki ang pondong inilalaan ng bayan sa pulisya, ngunit bakit tila walang katumbas na kagya’t at epektibong pagkilos kapag makapangyarihang opisyal ang kailangang panagutin? Hanggang kailan maghihintay ng hustisya ang mga biktima at kanilang mga pamilya habang patuloy na nakapagtatago sa pananagutan ang mga nasa kapangyarihan?”

Idinagdag nito na hindi sapat ang pag-amin sa pagkukulang kung wala namang kongkretong pagkilos.

Tungkulin aniya ng pamahalaan na ipatupad ang batas nang walang kinikilingan.

“Huwag nang ipagpaliban ang pag-aresto kay Dela Rosa! Panagutin si Remulla sa kanyang kapalpakan! Hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK)!” pagtatapos ni Co. (VINA de GUZMAN)

OSG, hihilingin sa Korte Suprema ang paglilinaw at pagrerepaso kaugnay ng unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025 GAA

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HIHILINGIN ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema ang paglilinaw at pagrepaso sa ilang bahagi ng desisyon nito na nagdeklarang uncons­titutional ang ilang probisyon kaugnay ng unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025 General Appropriations Act (GAA).

Ang hamon ayon kay Solicitor General Darlene Marie Berberabe sa press briefing sa Malakanyang ay matukoy kung alin sa mga guardrails ang itinalaga ng Konstitusyon at alin ang dapat ipaubaya sa Kongreso at sa Ehekutibo sang-ayon sa kapangyarihang ipinagkaloob ng Konstitusyon mismo.

Sinabi pa ni Berberabe na sang-ayon aniya ang OSG na mahalaga ang mga guardrails upang matiyak ang transparency, pananagutan, at maingat na paggamit ng pondo ng bayan. 

“Magalang na hihiling ang OSG ng paglilinaw upang matiyak na ang mga limitasyon at pamantayang itinakda sa desisyon ay naaayon sa paghahati ng mga kapangyarihang ito sa ilalim ng Konstitusyon,” ayon kay Berberabe.

Sa kabila nito, iginagalang ng OSG ang desisyon at malugod nitong tinatanggap ang pangunahing pasya ng korte na ang unprogrammed appropriations, bilang isang mekanismo ng pagba-budget ay hindi labag sa Konstitusyon. It was ruled as not unconstitutional per se.”

Nauna rito, sinabi ni Berberabe na natanggap na ng Office of the Solicitor General (OSG) ang kopya ng Desisyon ng En Banc ng Korte Suprema sa pinagsama-samang mga kasong Lagman v. The Congress of the Philippines, G.R. Nos. 271059, 271347, E-02472, at E-04036.

Sinabi pa niya na ang labing-dalawang magkakahiwalay na opinyon na kalakip ng desisyon ay nagpapakita kung gaano kasalimuot ang mga usaping konstitusyonal na iniharap sa Korte, gayundin ng magkakaibang pananaw ng mga mahistrado sa paglutas ng mga ito.

Maingat aniya na pinag-aaralan ng OSG ang mga opinyong ito sa pagpapasya sa mga susunod nitong hakbang.

Tiniyak ni Berberabe na nananatiling nakatuon ang OSG sa pagtulong sa Korte upang matiyak na ang mga pananggalang sa paggastos ng pondo ng bayan ay nakabatay sa Konstitusyon, habang iginagalang ang mga kapangyarihang ipinagkatiwala nito sa Kongreso at sa Ehekutibo para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Sa kabilang dako, nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration ang OSG sa nasabing usapin sa Nobyembre 4, 2026.

Samantala, handa ang Malakanyang na magpakita ng mga katibayan kung saan at paano ang naging paggugol sa unprogrammed funds mula 2024 hanggang 2026.

Sa katunayan, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na naka- account naman lahat kung ano ang pinuntahan o pinagkagastusan ng nasabing pondo habang nabanggit din naman aniya ng Korte Suprema ang Doctrine Of Operative Facts.

Binigyang diin ni Castro na mananatiling kinikilala ang ilang nagastos bago ideklarang invalid ang batas, kung isinagawa ang mga ito “in good faith.”

(DARIS JOSE)

3-araw na pig holiday, ilulunsad; 800 hog raisers magra-rally

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINATAYANG 800 magbababoy mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang magra-rally sa harap ng Department of Agriculture (DA) sa Biyernes, Oktubre 23, upang igiit ang agarang aksyon ng pamahalaan laban sa pagkalugi ng lokal na industriya.

Kasabay nito, magsasagawa ang mga hog raiser ng tatlong araw na “Pig Holiday” mula Oktubre 22 hanggang 24, kung saan pansamantala silang hindi magbebenta ng mga baboy upang ipa­nawagan ang pagtugon sa kanilang mga hinaing.

Ayon kay AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, umaabot sa P350 milyon kada araw ang pagkalugi ng mga lokal na magbababoy, na umabot umano sa P4.75 bilyon mula Oktubre 2 hanggang 21.

Kabilang sa kanilang panawagan ang pagtataas ng taripa sa imported na baboy sa 30 porsiyento para sa in-quota imports at 40 porsiyento para sa out-quota imports, pansamantalang paghinto sa pag-isyu ng import permits at mas mahigpit na pagbabantay laban sa smuggling.

Nais din ng grupo ang mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Agricultural Economic Sabotage Act at makatarungang sistema ng pagpepresyo upang maprotektahan ang lokal na produksyon at kabuhayan ng mga magbababoy.

 (DARIS JOSE)

Balitang popondohan ng mga natitirang POGO operators ang ilang kandidato sa 2028 elections kapalit ng kanilang proteksyon, maugong

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBABALA si House Prosecution adviser and trial spokesman Ace Barbers sa mga sibilyan at mga awtoridad sa banta ng mga natitirang POGO operators na popondohan ang ilang kandidato sa 2028 elections kapalit ng kanilang proteksyon.

“If these reports are true, we must act now. Sundan ang pera. Tukuyin ang mga financier, middleman at pulitikong posibleng kasabwat. I-cross-check ang kahina-hinalang transaksiyon at campaign contributions, at magsampa ng kaso kapag sapat ang ebidensiya. We need concrete investigative results, not just warnings and intelligence reports,” sabi ni Barbers.

Binanggit ni Barbers ang report ni Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na may mga POGO operators ang naghahanda na popondohan ang kampanya ng ilang kandidato sa eleksyon sa Mayo 2028.

Ayon kay Barbers, may mga natitira pa rin ng POGO operations sa bansa kahit ipinagbawal na ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Binanggit ni Barbers ang ilan, tulad sa pag-aresto sa 244 foreign nationals, karamihan ay Chinese, sa magkakahiwalay ng operasyon sa Siay at Alicia, Zamboanga Sibugay noong Oct. 2.

Nitong Oct. 12, may 76 foreigners, 74 Chinese at dalawang Myanmar nationals, ang naaresto sa isang suspected illegal POGO-related facility sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City, di kalayuan sa Camp Aguinaldo, main headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) 

“These operations show why we cannot afford to be complacent. Even after the POGO ban, suspected operations are still being uncovered in different parts of the country. We must determine who finances them, who provides logistical support, who protects them and whether any of their resources are being diverted to influence our elections,” sinabi ni Barbers. 

Kasabay nito, hinamon ni Barbers ang lahat ng kandidato na ideklara ang kanilang kampanya laban sa POGO at tanggihan ang anumang alok na popondohan ang kanilang kandidatura.

“Walang puwang sa ating halalan ang perang galing sa krimen. Walang kandidatong dapat magbenta ng proteksiyon kapalit ng pondo mula sa mga sindikato. The Filipino people deserve elections decided by voters—not by criminal money,” ani Barbers. (VINA de GUZMAN)

Electric vehicles (EVs), isusulong ng LGUs sa mga state colleges , panawagan ng mga mambabatas 

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG mambabatas ang nanawagan sa mga local government units na makipag- ugnayan sa mga state colleges and universities kung papaano isusulong at mapalago ang electric vehicles (EVs) bilang kasagutan sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina.

“I believe our state universities and colleges are perfectly capable of producing market-ready EVs. Ang kailangan ngayon ay mabigyan ng pagkakataon na maitanghal ang kakayahang ito sa tulong ng mga LGU,” sinabi ni Abra Rep. Joseph Bernos.

“Shifting to EVs is a long-term solution that will decrease our dependency on oil and protect our transport sector and the riding public from volatilities that are outside our control,” dagdag ng kongresista.

Ayon kay Bernos, makakatulong ang academic community sa LGU na tuparin ang kanilang mandato sa ilalim ng Republic Act No. 11697 o Electric Vehicles Industry Development Act (EVIDA Law) na gawing EVs ang limang porsiyento ng kanilang official fleet of vehicles. 

Nakasaad din sa EVIDA Law na ang mga LGUs ay kailangan magtayo ng EV lanes at pahintulutan ang pagtatayo ng EV charging stations.

Nanawagan din si Bernos sa mga LGUs na gumamit ng solar energy para makatipid sa operational costs. (VINA de GUZMAN)

“Little City Hall”, binuksan na sa Brgy. Veinte Reales sa Valenzuela

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINUKSAN na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang ika-28 at isa sa pinakamalaking 3S Center sa Barangay Veinte Reales noong Oktubre 19, 2026.

May tatlong palapag at lawak na 2,490 square meters ang gusali na magsisilbing “Little City Hall” ng barangay, isang sentro kung saan sama-samang matatagpuan ang iba’t ibang pangunahing serbisyo para sa mga Valenzuelano.

Kabilang sa mga pasilidad nito ang Barangay Office, Health Center, Fire Sub-Station, PNP Outpost, Covered Court, HOA Office, Multi-Purpose Hall, Child Development Center, at Teen and Mental Health Center.

Layon nitong mas mapapalapit sa mga residente ang mga serbisyong pangkalusugan, pangkaligtasan, pang-edukasyon, at pangkomunidad.

Ayon kay Mayor Wes, sa patuloy na pagtatayo ng mga 3S Center, nais ng Pamahalaang Lungsod na gawing mas abot-kamay ang mga pangunahing serbisyo at palakasin ang pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan para sa kapakanan ng bawat Pamilyang Valenzuelanos. 

(Richard Mesa)

NPC, magdaraos ng concert para sa mga senior at maysakit na miyembro

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGDARAOS ang National Press Club of the Philippines (NPC) ng benefit concert para sa mga senior at maysakit na mga miyembro nito na gaganapin ngayong Biyernes, Oktubre 23, 2026, sa NPC Building sa Intramuros, Maynila, bilang bahagi ng mga aktibidad para sa ika-74 na anibersaryo ng pagkakatatag ng NPC.

Pinamagatang “NPC Concert: Himig ng Kalayaan,” layunin ng konsiyerto na makalikom ng pondo upang makatulong sa pangangailangan at kapakanan ng mga nakatatanda at may sakit na miyembro ng NPC bilang pagkilala sa kanilang mga taon ng paglilingkod at ambag sa pamamahayag sa Pilipinas.

Kabilang sa mga magtatanghal sina beteranang mang-aawit Lolita Carbon, rock performer Osang Therockdiva, ang Pakyaw Duo (Ace Soliman at Roy Dela Cruz), at ang Wind Breaker Dancers (Haji Garcia at Marlon Samala). Si Susan Rodriguez ang magiging host ng programa.

“Bilang isang non-stock, non-profit na organisasyon ng mga mamamahayag, umaasa ang NPC sa mga inisyatibang tulad nito upang makalikom ng pondo at makapagbigay ng tulong sa ating mga nakatatanda at may sakit na miyembro,” pahayag ni NPC President Mina Navarro.

Ayon kay Navarro, ipinakikita ng konsiyerto ang patuloy na pangako ng Club na pangalagaan ang kapakanan ng mga beteranong mamamahayag at nakatatandang media practitioner na naglaan ng malaking bahagi ng kanilang buhay sa paghahatid ng impormasyon sa publiko at pagtataguyod ng malayang pamamahayag.

Higit pa sa pagdiriwang ng anibersaryo, pagkakataon ang konsiyerto upang magkaisa at magtulungan ang komunidad ng medya. Pagpupugay rin ito sa mga henerasyon ng mamamahayag na nag-ambag sa paghubog ng pamamahayag sa bansa.

Nagpasalamat ang NPC sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pag-isponsor ng konsiyerto at pagsuporta sa pagsisikap ng Club na matulungan ang mga lifetime at may sakit na miyembro nito.

Ipagdiriwang ang ika-74 na anibersaryo ng NPC sa Oktubre 29, 2026, sa Bulwagang Plaridel, NPC Building, Magallanes Drive, Intramuros, Maynila. (Richard Mesa)

Driver, helper huli sa akto na nagsa-shabu

Posted on: October 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KALABOSO ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos mahuli sa akto na gumagamit umano ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Police Investigator PSSg Janine Buenaventura kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nagsasagawa ng ‘Oplan Galugad’ ang mga operatiba ng Police Sub-Station 1 nang maaktuhan nila si alyas “Michael”, 35, helper, na bumabatak umano ng shabu sa M. Gregorio St., Brgy., Canumay West alas-12:15 ng hating gabi.

Nilapitan siya nina PCpl John Ray Laredo at Pat Juluis Valencia bago inaresto at nakuha sa kanya ang drug paraphernalias at isang nakabukas na plastic sachet na may laman bahid ng umano’y shabu.

Nauna rito, dakong alas-9:05 ng gabi nang maaresto naman nina Pat John Michael Macalla at Pat Blairwayne Jason Teniola, kapwa ng Police Sub-Station 6 ang 37-anyos na driver na si alyas “Bert” matapos maaktuhan na magsisimula pa lamang umanong sisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Saint James St., Brgy. Veinte Reales.

Na-inquest na ang mga suspek kaugnay sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)