Electric vehicles (EVs), isusulong ng LGUs sa mga state colleges , panawagan ng mga mambabatas
- Published on October 23, 2026
- by Francis Paolo Torres
ISANG mambabatas ang nanawagan sa mga local government units na makipag- ugnayan sa mga state colleges and universities kung papaano isusulong at mapalago ang electric vehicles (EVs) bilang kasagutan sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina.
“I believe our state universities and colleges are perfectly capable of producing market-ready EVs. Ang kailangan ngayon ay mabigyan ng pagkakataon na maitanghal ang kakayahang ito sa tulong ng mga LGU,” sinabi ni Abra Rep. Joseph Bernos.
“Shifting to EVs is a long-term solution that will decrease our dependency on oil and protect our transport sector and the riding public from volatilities that are outside our control,” dagdag ng kongresista.
Ayon kay Bernos, makakatulong ang academic community sa LGU na tuparin ang kanilang mandato sa ilalim ng Republic Act No. 11697 o Electric Vehicles Industry Development Act (EVIDA Law) na gawing EVs ang limang porsiyento ng kanilang official fleet of vehicles.
Nakasaad din sa EVIDA Law na ang mga LGUs ay kailangan magtayo ng EV lanes at pahintulutan ang pagtatayo ng EV charging stations.
Nanawagan din si Bernos sa mga LGUs na gumamit ng solar energy para makatipid sa operational costs. (VINA de GUZMAN)