• October 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balitang popondohan ng mga natitirang POGO operators ang ilang kandidato sa 2028 elections kapalit ng kanilang proteksyon, maugong

NAGBABALA si House Prosecution adviser and trial spokesman Ace Barbers sa mga sibilyan at mga awtoridad sa banta ng mga natitirang POGO operators na popondohan ang ilang kandidato sa 2028 elections kapalit ng kanilang proteksyon.

“If these reports are true, we must act now. Sundan ang pera. Tukuyin ang mga financier, middleman at pulitikong posibleng kasabwat. I-cross-check ang kahina-hinalang transaksiyon at campaign contributions, at magsampa ng kaso kapag sapat ang ebidensiya. We need concrete investigative results, not just warnings and intelligence reports,” sabi ni Barbers.

Binanggit ni Barbers ang report ni Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na may mga POGO operators ang naghahanda na popondohan ang kampanya ng ilang kandidato sa eleksyon sa Mayo 2028.

Ayon kay Barbers, may mga natitira pa rin ng POGO operations sa bansa kahit ipinagbawal na ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Binanggit ni Barbers ang ilan, tulad sa pag-aresto sa 244 foreign nationals, karamihan ay Chinese, sa magkakahiwalay ng operasyon sa Siay at Alicia, Zamboanga Sibugay noong Oct. 2.

Nitong Oct. 12, may 76 foreigners, 74 Chinese at dalawang Myanmar nationals, ang naaresto sa isang suspected illegal POGO-related facility sa Barangay Socorro, Cubao, Quezon City, di kalayuan sa Camp Aguinaldo, main headquarters ng Armed Forces of the Philippines (AFP) 

“These operations show why we cannot afford to be complacent. Even after the POGO ban, suspected operations are still being uncovered in different parts of the country. We must determine who finances them, who provides logistical support, who protects them and whether any of their resources are being diverted to influence our elections,” sinabi ni Barbers. 

Kasabay nito, hinamon ni Barbers ang lahat ng kandidato na ideklara ang kanilang kampanya laban sa POGO at tanggihan ang anumang alok na popondohan ang kanilang kandidatura.

“Walang puwang sa ating halalan ang perang galing sa krimen. Walang kandidatong dapat magbenta ng proteksiyon kapalit ng pondo mula sa mga sindikato. The Filipino people deserve elections decided by voters—not by criminal money,” ani Barbers. (VINA de GUZMAN)