• October 23, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Little City Hall”, binuksan na sa Brgy. Veinte Reales sa Valenzuela

BINUKSAN na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang ika-28 at isa sa pinakamalaking 3S Center sa Barangay Veinte Reales noong Oktubre 19, 2026.

May tatlong palapag at lawak na 2,490 square meters ang gusali na magsisilbing “Little City Hall” ng barangay, isang sentro kung saan sama-samang matatagpuan ang iba’t ibang pangunahing serbisyo para sa mga Valenzuelano.

Kabilang sa mga pasilidad nito ang Barangay Office, Health Center, Fire Sub-Station, PNP Outpost, Covered Court, HOA Office, Multi-Purpose Hall, Child Development Center, at Teen and Mental Health Center.

Layon nitong mas mapapalapit sa mga residente ang mga serbisyong pangkalusugan, pangkaligtasan, pang-edukasyon, at pangkomunidad.

Ayon kay Mayor Wes, sa patuloy na pagtatayo ng mga 3S Center, nais ng Pamahalaang Lungsod na gawing mas abot-kamay ang mga pangunahing serbisyo at palakasin ang pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan para sa kapakanan ng bawat Pamilyang Valenzuelanos. 

(Richard Mesa)