• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 12th, 2026

PSC planong dagdagan ang benepisyo ng mga atleta kapag nalagpasan ang medalyang makuha sa Asian Games

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAYROONG malaking hamon ngayon si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Patrick Gregorio sa mga atleta ng bansa sasabak sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Sinabi nito na kapag nalagpasan ng bansa ang hinakot na medalya noong 2022 Hangzhou Asian Games ay siya mismo ang kakausap sa PSC Commissioners na dagdag na incentives sa buong delegasyon.

Hindi naman na nito binanggit pa kung anong dagdag na benepisyo ito.

Noong nakaraang 2022 Asian Games kasi ay nakauwi ng apat na gintong medalya, habang ang mga para athletes ay mayroong 10 gintong medalya.

Paglilinaw nito na ang planong dagdag rewards ay bukod pa sa isinaad sa batas na mayroong P2-milyon na cash na makakatanggap ang sinumang atleta ng bansa na makakakuha ng gintong medalya sa mga international events habang P1-M naman sa silver at P400,000 sa bronze medals.

Kasabay ng isinagawang send-off sa mga atleta ay inanunsiyo ni Gregorio ang dagdag na P6,000 na allowance sa mga delegasyon.

Magpapadala ang Pilipinas ng 464 na atleta sa 38 sports ito na ang pangalawang pinakamaraming delegasyon ng bansa mula 1994 Hiroshima Asian Games.

Magsisimula ang kampanya ng Pilipinas sa 5×5 basketball kung saan makakaharap nila ng Bahrain.

Pormal na magsisimula ang 20th Asian Games sa darating na Setyembre 19 na ito ay magtatapos hanggang Oktubre 4.

Pacquiao, inaayos na ang laban kay Shakur Stevenson bago matapos ang taon

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA advanced talks na ang kampo ni Eight Division World Boxing Champion Manny Pacquiao para sa isang potensyal na laban bago matapos ang taong 2026 laban sa hindi pa natatalong four-division world champion na si Shakur Stevenson.

Naisipan ng panig ni Pacquiao na humanap ng ibang katunggali ngayong taon matapos ma-postpone at maitakda sa Enero 2027 ang kanyang inaabangang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr.

Si Stevenson, na kasalukuyang nagmamay-ari ng WBO at The Ring titles sa junior welterweight class, ay kilala sa kanyang bilis, slick footwork, at matinding depensa sa loob ng ring

Ayon sa MP Promotions, pinag-aaralan pa ng dalawang kampo ang mga detalye ng posibleng bakbakan kabilang na ang eksaktong timbang na paglalabanan ng dalawang boksingero.

Ex-Sandiganbayan chief, Ombudsman, SEC officials, unang saksi sa kasong unexplained wealth

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG retired Sandiganbayan presiding justice at opisyal mula sa Office of the Ombudsman at Securities and Exchange Commission (SEC), kasama sa nakapilang magsisilbing saksi sa pagbubukas ng House prosecution sa kaso ng unexplained wealth laban kay Vice President Sara Z. Duterte sa Setyembre 14.

“We had submitted already our request to subpoena these three personalities for next week. So we will wait for the order para ma-subpoena po sila,” pahayag ni House impeachment prosecutor Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon.

Hiniling ng prosekusyon sa Senate impeachment court na ipa-subpoena sina retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, Ombudsman Records Division Officer-in-Charge Atty. Karen Batu at SEC Company Registration and Monitoring Department Director Atty. Gerardo del Rosario.

Sinabi ni Ridon na inaasahan na ipapalieanag ni Cabotaje-Tang ang prinsipyo kaugnay sa public accountability, integrity in public office at mekanismo sa usapin ng undisclosed and unexplained wealth and prohibited business interests.

Si Batu ay inaasahang tetestigo kaugnay sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth ni Duterte na isinumite sa Ombudsman habang si Del Rosario ang siyang maga-authenticate at tutukoy sa records ng kumpanyang may kaugnayan kina Vice President at kanyang asawang si Atty. Manases “Mans” Carpio.

Inaasahan ng prosekusyon na ang presentasyon sa tatlong saksi ay ayon sa nasabing listahan, depende sa magiging aksyon ng impeachment court action sa subpoena requests at final arrangements sa araw ng presentasyon.

Sinabi pa ni Ridon na inihahanda na ng prosekusyon ang mga karagdagang dokumento para sa presentasyon ng ebidensiya ukol sa kasong unexplained wealth.

“So hopefully by Monday, handang-handa na po kami sa lahat po ng mga documentary evidence at paglalahad po ng mga testigo,” ani Ridon.

Nakapaloob sa Article II ang akusasyon ng betrayal of public trust laban kay Duterte ukol sa alegasyon ng umano’y unexplained wealth na hindi tugna sa kanyang lawful income at kabiguang mailagay umano ito sa kanyang assets and liabilities.

Mahigit sa 1,800 financial documents kabilang na ang bank and tax records ang inihahanda ng prosekusyon laban sa mag-asawang Duterte at kanilang kumpanya.

Nanatiling isa sa listahan ng mga saksi ng prosekusyon si dating Sen. Antonio Trillanes IV na inaasahang ipiprisinta sa mga susunod na linggo.

Gayunman, posibleng bawasan ng prosekusyon ang listahan ng mga saksi sa sandaling nadetermina na sapat na ang ebidensiyang naiprisinta.

“Kung masapatan po kami doon sa mga nauna na pong nailahad, hindi naman po kailangang-kailangang ipwersa, halimbawa, ’yung iba pang mga testigo,” pahayag ni Ridon. (VINA de GUZMAN)

Ilang buwan pa bago matapos ang taon: Malakanyang, inilabas na ang regular holidays at special (non-working) days para sa 2027

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ILANG BUWAN pa bago matapos ang taong 2026 ay inilabas na ng Malakanyang ang Proclamation No. 1427 na nagdedeklara ng Regular Holidays at Special (Non-Working) Days para sa taong 2027.

Nakasaad sa Seksyon 1 ng nasabing proklamasyon ang mga sumusunod na regular holidays at special days para sa 2027 na susundin sa buong bansa:

A. Regular Holidays

New Year’s Day – Enero 1 (Biyernes) 

Maundy Thursday – Marso 25 

Good Friday – Marso 26 

Araw ng Kagitingan – Abril 9 (Biyernes)

Labor Day – Mayo 1 (Sabado)

Independence Day – Hunyo 12 (Sabado)

National Heroes Day – Agosto 30 (huling Lunes ng Agosto)

Bonifacio Day – Nobyembre 30 (Martes)

Christmas Day – Disyembre 25 (Sabado)

Rizal Day – Disyembre 30 (Huwebes)

B. Special (Non-Working) Days

Ninoy Aquino Day – Agosto 21 (Sabado)

All Saints’ Day – Nobyembre 1 (Lunes)

Feast of the Immaculate Conception of Mary – Disyembre 8 (Miyerkules)

Last Day of the Year – Disyembre 31 (Biyernes)

C. Special (Working) Day

EDSA People Power Revolution Anniversary – Pebrero 25 (Huwebes)

Additional Special (Non-Working) Days

Chinese New Year – Pebrero 6 (Sabado)

Black Saturday- Marso 27

All Souls’ Day- Nobyembre 2 (Martes)

Christmas Eve – Disyembre 24 (Biyernes)

Nakasaad naman sa Seksyon 2 ng proklamasyon ang pagdedeklara ng national holidays para sa pagdiriwang Eidul Fitr at Eidul Adha na ia-anunsyo matapos ang tinatayang petsa ng Islamic holidays na idedetermina alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o sa Islamic astronomical calculations, alinman ang posible o napapanahon, matapos ito ay irerekumenda ng National Commission on Muslim Filipinos sa Office of the President (OP) ang aktuwal na petsa kung saan papatak ang nasabing holidays.

Sinasabi naman sa Seksyon 3 ng proklamasyon na ipahahayag ng Department of Labor and Employment ang pagpapatupad ng mga alituntunin para sa proklamasyon na ito.

Nakasaad sa Seksyon 4 ng proklamasyon na kagyat na magiging epektibo ito habang nakasaad naman sa Seksyon 5 na ang proklamasyon ay dapat na ilathala sa pahayagan na may general circulation. ( DARIS JOSE)

PBBM, pinangunahan ang paggunita sa Marcos Day 2026 sa Batac, Ilocos Norte

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggunita sa Marcos Day 2026, araw ng iyernes, Setyembre 11, sa Batac City, Ilocos Norte.

Dumalo ang Pangulo sa Banal na Misa sa Batac Church, na sinundan ng wreath-laying ceremony sa Marcos Monument.

Sa paggunita, binalikan ng Pangulo ang mga aral na itinuro sa kanya ng kanyang ama, dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

“I first knew him first as my father, and the many of the lessons I remember were the ones he taught me when I was still very young,” ani Pangulong Marcos. 

Sinabi ng Pangulo na patuloy niyang binabalikan ang mga aral na ito habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang Pangulo at iniisip kung ano ang maipapayo ng kanyang ama.

 “Now that I am President, I often find myself returning to those lessons and asking what his advice would have been,” aniya pa rin.

Binalikan din niya ang aral ng kanyang ama tungkol sa paggawa ng tama sa kabila ng mga hamon.

“He taught me to do what is right, no matter how difficult it may be,” ang sinabi ng Pangulo.

“But perhaps the most important lesson he taught me was that public service must always be about the Filipino,” dagdag na wika ng Pangulo.

Dumalo rin ang Pangulo sa Natnateng Cook-Off sa Imelda Cultural Center at bumisita sa Mercato ni Nanay Ces sa labas ng Ilocandia Cultural Center.

Kasama ng Pangulo sa paggunita sina First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos at kanilang mga anak na sina House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos at William Vincent “Vinny” Marcos.

Dumalo rin sina Ilocos Norte Governor Cecilia Araneta-Marcos, Ilocos Norte Second District Representative Angelo Marcos Barba, House Speaker Faustino Bodjie Dy III at Batac City Mayor Markee Chua, kasama ang iba pang opisyal ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Pinagsama-sama ng mga aktibidad ang mga opisyal ng pamahalaan, mga residente at iba pang stakeholders ng Ilocos Norte bilang bahagi ng paggunita sa Marcos Day 2026. ( DARIS JOSE)

Hindi bibigyan ng anumang VIP o espesyal na pribilehiyo…Hospital arrest kay Romualdez haharangin

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI natuloy ang pag­lilipat sa Quezon City Jail kay dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez at sa halip ay mananatili ito sa Cardinal Santos Medical Center bunsod na rin ng pangamba na atakihin ito sa puso.

Ayon sa Sandigan­bayan, mananatili muna si Romualdez hanggang sa maglabas sila ng panibagong kautusan makaraang sabihin ni Dr. Rosalio Torres, team manager ng Cardinal Santos Me­dical Center na mataas ang panganib na makaranas ng atake sa puso si Romualdez, dahilan upang maging kritikal ang kanyang patuloy na pananatili sa ospital. 

Maaaring makompromiso ang tinatawag na “golden hour” kung ililipat si Romualdez mula sa ospital patungo sa ibang pasilidad. Ang golden hour ay ang mahalagang panahon matapos lumitaw ang sintomas kung kailan kailangang agad maisagawa ang medical intervention upang maiwasan ang permanenteng pinsala sa puso o pagkamatay. 

Bandang alas 4:15 naman ng hapon kahapon nang pormal nang ilagay sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Romualdez matapos i-turn over ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Sinabi naman ng BJMP na itinututuring na ring persons deprived of liberty (PDL) at hindi bibigyan ng anumang VIP o espesyal na pribilehiyo. Anang BJMP, susundin nila ang mga umiiral na patakaran sa panganga­laga at kustodiya sa mga nakakulong, anuman ang katayuan o posisyon ng isang indibidwal.

Una nang naglabas ng commitment order si Sandiganbayan Third Division chief Associates

Justice Karl Miranda, kaugnay ng kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman kay Romualdez, dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, at dalawa pang iba kaugnay ng umano’y P7.44 bilyong kickback sa mga flood control projects ng pamahalaan.

Ang Commitment Order ay inisyu ng Sandiganbayan Third Division at naka-address kay JSupt. Maria Pacion, Jail Warden ng Quezon City Jail – Male Dormitory. Magiging kakosa na nina Senador Jinggoy Estrada, Senador Rodante Marcoleta at dating Senador Bong Revilla si Romualdez.

Lunes nang ikustodiya si Romualdez ng PNP-CIDG matapos na ihain ang warrant of arrest laban sa kanya at isailalim siya sa booking procedures habang siya ay nasa hospital bed.

Si Romualdez ay na-confine sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City bunsod ng cardiovascular event, mataas na blood pressure at anxiety attack.

Inamin naman ng admitting doctor ng Cardinal Santos Medical Center na si Dr. Kurt Allen Sibayan na dumiretso na sa hospital room si Rep. Martin Romualdez bandang 4 p.m. noong Lunes, Sept 7. Bagama’t may idinaraing daw noong sakit sa dibdib, hindi na dumaan sa emergency room ang kongresista.

Itinakda ng Sandiganbayan ang pagbasa ng sakdal kay Romualdez sa September 14. 

( DARIS JOSE)

Panukalang magtatatag ng MobiComm upang makahanap ng solusyon sa mga problema sa sektor ng transportasyon, inihain

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

“PARA sa bawat Pilipinong naghahangad ng ligtas, maginhawa, mabilis at makataong pagbiyahe – tulungan po natin silang makarating.” 

Ito ang pahayag ni Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima matapos ihain ang House Bill No. 11190, panukalang magtatatag ng Congressional Commission on Mobility o MobiComm upang makahanap ng solusyon sa mga problema sa sektor ng transportasyon.

“Mobility crisis is not a policy crisis. It is a governance crisis. For many of our countrymen, daily mobility is marked by a grueling and undignified ordeal marked by inadequate public transport, endless terminal queues, and highly unpredictable travel times,” sabi ni De Lima.

Ayon sa panukala ni De Lima, ang 10 katao na MobiComm ay pamumunuan ng chairman ng Senate Committee on Public Services at House Committee on Transportation.

Ang MobiComm ay inatasan na pag aaralan ang mga solusyon sa problema ng transportation at mga isyu tungkol sa active mobility, public transport, road safety, at universal accessibility.

“Kailangan din nating tingnan ang mobility hindi lamang bilang usapin ng traffic o pampublikong transportasyon, kundi bilang usapin ng disaster resilience at climate adaptation. Sapagkat ang kalsadang hindi handa sa trapiko ngayon, ay siya ring kalsadang bumibigay sa susunod na bagyo,” sinabi ni De Lima. 

Iginiit ni De Lima ang pangangailangan na mabuklod ang mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa mobilidad para ipatupad ang malinaw at kongkretong solusyon sa lumalalang problema sa sektor ng transportasyon.

“Kumilos na tayo ngayon. Huwag na tayong maghintay ng panibagong kalamidad o trahedya, at dagdagan pa ang pasanin ng milyon-milyon nating mga kababayan,” dagdag ng kongresista. (VINA de GUZMAN)

Pag- angat ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025, umani ng papuri

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMANI ng papuri sa mga mambabatas ang pag- angat ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA) 2025.

Sa pangunguna ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, pinuri nila si Secretary Juan Edgardo Angara at ang Department of Education (DepEd) sa kanilang pagtugon sa problema ng basic education. 

“This is the result of a collective effort—from the national government and DepEd, down to our school leaders and, most importantly, our teachers who turn policies and resources into actual learning every day. These results tell us that progress is possible when we stay focused on learning outcomes and support our teachers and students,” sinabi ni Dy.

Pinapurihan din ng mga mambabatas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang adhikain na gawin prayoridad ang sektor ng edukasyon.

“That commitment is reflected in the resources government continues to invest in our schools and our young people. These investments matter because improving education requires sustained support—not just for one year, but over many years. Masaya tayo sa progreso, pero hindi tayo dapat makuntento,” ani Dy.

Ayon kay Dy, ang naging pag angat ng Pilipinas sa PISA ay ebidensiya na posible ang pagpapabuti ng edukasyon sa bansa.

“Our responsibility is to build on these gains and make sure that progress reaches every classroom and every Filipino child. Congress will continue to do its part. We will support the reforms, programs, and investments necessary to give our teachers the tools they need and every Filipino child the quality education they deserve,” sinabi Dy. (VINA de GUZMAN)

IKAPITONG ANGIOPLASTY AT 56 LIBRENG ANGIOGRAM, ISINAGAWA SA OSPITAL NG MAYNILA

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA LOOB lamang ng isang taon mula nang buksan ang Cardiac Catheterization Laboratory ng Ospital ng Maynila Medical Center (OMMC), nakapagsagawa na ang lungsod ng pitong libreng angioplasty at 56 libreng angiogram para sa mga kwalipikadong pasyente, ayon kay Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso nitong Huwebes, Setyembre 10.

Binati ni Domagoso ang OMMC sa unang anibersaryo ng Cardiac Catheterization Laboratory nito, na pormal na binuksan noong Setyembre 8, 2025.

Ito ay kasunod ng matagumpay na pagsasagawa ng ikapitong angioplasty sa isang 70-anyos na lalaking residente ng Maynila, na isinagawa nang walang anumang gastos sa pasyente.

Binigyang-diin ng alkalde ang patuloy na paglawak ng kakayahan ng ospital na pag-aari at pinamamahalaan ng lungsod na makapagbigay ng mahahalagang serbisyong medikal para sa puso nang hindi nagpapasan ng malaking gastusin ang mga pasyente.

Ayon kay Domagoso, tinatayang aabot sa ₱975,000 ang halaga ng isinagawang angioplasty kung ito ay ginawa sa isang pribadong ospital. Sa mga pribadong ospital, maaaring umabot sa ₱800,000 hanggang ₱1.5 milyon ang halaga ng angioplasty. Dagdag pa ng Alkalde na walang binayaran ang pasyente at pinasalamant ang mga taxpayers ng siyudad.

Ang angioplasty ay isang minimally invasive na pamamaraan na ginagamit upang buksan ang mga ugat na barado o makitid at nagbibigay ng suplay ng dugo sa puso. Hindi nito kinakailangang sumailalim ang pasyente sa open-heart surgery at karaniwan ay maaari nang makarekober at makauwi makalipas ang ilang araw.

“Wala pong bayad ang angioplasty sa ating pampublikong ospital, at tuloy-tuloy po ’yan,” ayon sa Alkalde.

Upang mapanatili ang programa at matiyak ang sapat na suplay at kondisyon ng mga kinakailangang kagamitan, sinabi ni Domagoso na naglaan ang pamahalaang lungsod ng halos ₱25 milyon bilang standby funds para sa pagbili at maintenance ng mga kagamitan.

Pinuri rin ng alkalde ang medical team na nasa likod ng matagumpay na mga operasyon, sa pangunguna ni Manila City Health Officer Dr. Grace Padilla, kasama ang mga interventional cardiologist, anesthesiologist, nurse, at radiologic technologist. (Gene Adsuara)

4 drug suspects, huli sa sugal, pot-session sa Valenzuela

Posted on: September 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ARESTADO ang limang indibidwal kabilang ang tapat drug suspects nang mahuli sa akto na naglalaro ng illegal na sugal at sumisinghot ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat, nagsasagawa ng anti-criminality operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa D. Santiago St., Brgy., Malanday nang maaktuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ dakong alas-9:15 ng Miyerkules ng gabi.

Nasamsam nila Pat Teniola at Pat Macalla, kapwa ng Police Sub-Station 6 sa dalawa ang perang taya, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Berto”.

Nuna rito, dinampot naman nina Pat Adrian Calagui at Pat Bryan Varona, kapwa ng Police Sub-Station 9 ang dalawang indibidwal nang maaktuhang nasusugal umano ng ‘lucky 9’ sa ilalim ng NLEX Harbor Link sa San Francisco St., Brgy. Karuhatan alas-9 ng Martes ng gabi. Nakumpiska sa kanila ang bet monet, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nasamsam umano kay alyas “Eli”, 25.

Alas-11:30 ng gabi nang maaktuhan naman nina PCpl Elmer Olieca at Pat Sherwin Caampued, kapwa ng Police Sub-Station 2 si alyas “Rejuel” na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang kubo sa Angeles St., Brgy., Gen T De Leon. Nakuha sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu at drug paraphernalias.

Sa Lower Tibagan Compd., M. Bernanrdino Brgy. Ugong, huli din sa akto nina PSSg Al Sanchez at Pat John Rey Rianzares, kapwa ng Police Sub-Station 8 si alyas “Arche” na bumabatak din umano ng shabu sa loob ng isang bahay alas-2:35 ng Biyernes ng madaling araw. Nasamsam sa kanya ang isang plastic sachet na may malaman ng bahid ng shabu at drug paraphernalias. (Richard Mesa)