Ilang buwan pa bago matapos ang taon: Malakanyang, inilabas na ang regular holidays at special (non-working) days para sa 2027
- Published on September 12, 2026
- by Francis Paolo Torres
ILANG BUWAN pa bago matapos ang taong 2026 ay inilabas na ng Malakanyang ang Proclamation No. 1427 na nagdedeklara ng Regular Holidays at Special (Non-Working) Days para sa taong 2027.
Nakasaad sa Seksyon 1 ng nasabing proklamasyon ang mga sumusunod na regular holidays at special days para sa 2027 na susundin sa buong bansa:
A. Regular Holidays
New Year’s Day – Enero 1 (Biyernes)
Maundy Thursday – Marso 25
Good Friday – Marso 26
Araw ng Kagitingan – Abril 9 (Biyernes)
Labor Day – Mayo 1 (Sabado)
Independence Day – Hunyo 12 (Sabado)
National Heroes Day – Agosto 30 (huling Lunes ng Agosto)
Bonifacio Day – Nobyembre 30 (Martes)
Christmas Day – Disyembre 25 (Sabado)
Rizal Day – Disyembre 30 (Huwebes)
B. Special (Non-Working) Days
Ninoy Aquino Day – Agosto 21 (Sabado)
All Saints’ Day – Nobyembre 1 (Lunes)
Feast of the Immaculate Conception of Mary – Disyembre 8 (Miyerkules)
Last Day of the Year – Disyembre 31 (Biyernes)
C. Special (Working) Day
EDSA People Power Revolution Anniversary – Pebrero 25 (Huwebes)
Additional Special (Non-Working) Days
Chinese New Year – Pebrero 6 (Sabado)
Black Saturday- Marso 27
All Souls’ Day- Nobyembre 2 (Martes)
Christmas Eve – Disyembre 24 (Biyernes)
Nakasaad naman sa Seksyon 2 ng proklamasyon ang pagdedeklara ng national holidays para sa pagdiriwang Eidul Fitr at Eidul Adha na ia-anunsyo matapos ang tinatayang petsa ng Islamic holidays na idedetermina alinsunod sa Islamic calendar (Hijra) o lunar calendar, o sa Islamic astronomical calculations, alinman ang posible o napapanahon, matapos ito ay irerekumenda ng National Commission on Muslim Filipinos sa Office of the President (OP) ang aktuwal na petsa kung saan papatak ang nasabing holidays.
Sinasabi naman sa Seksyon 3 ng proklamasyon na ipahahayag ng Department of Labor and Employment ang pagpapatupad ng mga alituntunin para sa proklamasyon na ito.
Nakasaad sa Seksyon 4 ng proklamasyon na kagyat na magiging epektibo ito habang nakasaad naman sa Seksyon 5 na ang proklamasyon ay dapat na ilathala sa pahayagan na may general circulation. ( DARIS JOSE)