• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects, huli sa sugal, pot-session sa Valenzuela

ARESTADO ang limang indibidwal kabilang ang tapat drug suspects nang mahuli sa akto na naglalaro ng illegal na sugal at sumisinghot ng droga sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat, nagsasagawa ng anti-criminality operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa D. Santiago St., Brgy., Malanday nang maaktuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz’ dakong alas-9:15 ng Miyerkules ng gabi.

Nasamsam nila Pat Teniola at Pat Macalla, kapwa ng Police Sub-Station 6 sa dalawa ang perang taya, pangara at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas “Berto”.

Nuna rito, dinampot naman nina Pat Adrian Calagui at Pat Bryan Varona, kapwa ng Police Sub-Station 9 ang dalawang indibidwal nang maaktuhang nasusugal umano ng ‘lucky 9’ sa ilalim ng NLEX Harbor Link sa San Francisco St., Brgy. Karuhatan alas-9 ng Martes ng gabi. Nakumpiska sa kanila ang bet monet, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na nasamsam umano kay alyas “Eli”, 25.

Alas-11:30 ng gabi nang maaktuhan naman nina PCpl Elmer Olieca at Pat Sherwin Caampued, kapwa ng Police Sub-Station 2 si alyas “Rejuel” na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang kubo sa Angeles St., Brgy., Gen T De Leon. Nakuha sa kanya ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu at drug paraphernalias.

Sa Lower Tibagan Compd., M. Bernanrdino Brgy. Ugong, huli din sa akto nina PSSg Al Sanchez at Pat John Rey Rianzares, kapwa ng Police Sub-Station 8 si alyas “Arche” na bumabatak din umano ng shabu sa loob ng isang bahay alas-2:35 ng Biyernes ng madaling araw. Nasamsam sa kanya ang isang plastic sachet na may malaman ng bahid ng shabu at drug paraphernalias. (Richard Mesa)