• October 15, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pacquiao, inaayos na ang laban kay Shakur Stevenson bago matapos ang taon

NASA advanced talks na ang kampo ni Eight Division World Boxing Champion Manny Pacquiao para sa isang potensyal na laban bago matapos ang taong 2026 laban sa hindi pa natatalong four-division world champion na si Shakur Stevenson.

Naisipan ng panig ni Pacquiao na humanap ng ibang katunggali ngayong taon matapos ma-postpone at maitakda sa Enero 2027 ang kanyang inaabangang rematch laban kay Floyd Mayweather Jr.

Si Stevenson, na kasalukuyang nagmamay-ari ng WBO at The Ring titles sa junior welterweight class, ay kilala sa kanyang bilis, slick footwork, at matinding depensa sa loob ng ring

Ayon sa MP Promotions, pinag-aaralan pa ng dalawang kampo ang mga detalye ng posibleng bakbakan kabilang na ang eksaktong timbang na paglalabanan ng dalawang boksingero.