• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa patuloy na sama ng panahon: Alternative work arrangements, ipinag-utos ng Malakanyang na ipatupad sa NCR at 12 lalawigan 

IPINAG-UTOS ng Malakanyang sa mga tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, at Occidental Mindoro, na lumipat at kagyat na magpatupad ng naaangkop na alternative work arrangements, kahapon araw ng Biyernes, Agosto 14, 2026, sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, at sanhi ng Heavy Rainfall Warnings na ipinalabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan na may kasama Southwest Monsoon.

Ito ang nakasaad sa MEMORANDUM CIRCULAR NO. 126, ipinalabas ng Malakanyang, nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 

Maliban na lamang kung ipag-uutos ng kani-kanilang Local Chief Executives, ang alternative learning modes para sa klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong eskuwelahan ay dapat na ipatupad sa mga nasabing lugar.

Ang mga ahensiyang may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, paghahanda/ pagtugon sa mga sakuna at kalamidad at /o pagganap sa ibang mahalagang serbisyo ay inaatasan na ipagpatuloy ang kanilang operasyon at pagbibigay ng kinakailangang serbisyo.

Ang localized cancellation o suspensyon ng klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang lugar ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local chief Executives, alinsunod sa kaugnay na batas, rules and regulations.

Ang suspensyon ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay ipinauubaya na sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno. (DARIS JOSE)