• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rep. Erice, nanawagan ng congressional inquiry sa maagang pagkasira ng na-rehabilitate na EDSA

NANAWAGAN si Caloocan City 2nd District Representative Edgar R. Erice ng congressional inquiry sa maagang pagkasira ng mga bahagi ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) kamakailan, kabilang ang mga ulat ng mga lubak at iba pang mga depekto sa simento ilang buwan lamang matapos ang rehabilitasyon nito.

Ang iminungkahing resolusyon ni Erice ay nag-uutos sa appropriate House committees na imbestigahan kung ang mga kakulangan sa planning, design, materials, construction methods, quality control, contract management, drainage or maintenance ay nag-ambag sa maagang pagkasira ng pinaka-abalang daanan sa bansa.

Ang Phase 1, na sumasaklaw sa Roxas Boulevard hanggang Orense Street, ay natapos noong Abril 2026 sa iniulat na halagang P1.183 bilyon. Ang Phase 2, na sumasaklaw sa Orense Street sa Makati City hanggang Monumento sa Caloocan City, ay sinundan sa ilalim ng P4.009-bilyong kontrata na nilagdaan noong Hunyo 4, kasama ang Notice to Proceed na inisyu noong Hunyo 8, 2026.

Ayon sa resolusyon, ang maagang pagkasira ay nagdudulot ng mga katanungan tungkol sa pavement assessment at design, drainage, asphalt mix and material specifications, pavement preparation, compaction, construction methodology, quality assurance and control, at post-construction monitoring.

Sinabi ni Erice na dapat matukoy ng imbestigasyon kung ang mga depekto ay nagresulta mula sa environmental conditions, deficiencies in the existing road foundation or drainage, design limitations, substandard materials, construction deficiencies, inadequate inspection and testing, premature opening to traffic, insufficient maintenance, o iba pang mga kadahilanan.

Susuriin ng mga katanungan ang project plans, engineering studies, technical specifications, procurement and contract documents, material testing and laboratory reports, inspection and quality-control records, payment records, variation orders, warranties at defects-liability provisions. Susuriin din nito ang technologies, asphalt systems, materials at construction techniques used para mapatunayan kung ang mga ito ay sapat sa pamamagitan ng teknikal at performance testing.

Ang resolusyon ay higit pang naghahangad ng isang komprehensibo, geotagged condition assessment of affected Phase 1 sections, documenting defects, occurrence dates, repair history, identified causes at corrective-work costs.

Para kay Erice, lampas sa EDSA ang isyu.

Layon ng proposed inquiry na makakuha ng mga aral para sa Phase 2 at mga pangunahing proyekto sa imprastraktura sa hinaharap, kabilang ang independent testing, third-party quality audits, performance warranties, defects-liability provisions at mas mahigpit acceptance procedures. (Richard Mesa)