Kumakawala na talaga sa image na pa-tweetums…ANDREA, handa sa daring roles at type magka-action movie (ni : REY PINEDA)
- Published on August 14, 2026
- by Francis Paolo Torres
TILA nagpaalam na sa sweet roles si Andrea Brillantes.
Mula sa pa-tweetums at melodramatic roles, unti-unti na itong kumakawala sa ganung image.
In fact, sa mga latest project nito daring na ang mga papel na kanyang ginagampanan. Sa mga interviews, binanggit nga nito na gusto niyang makagawa ng mga pelikulang ang tema ay action.
Looking forward daw itong gawin yung mga tipo ng pelikulang gaya ng “Buybust” na mahusay na ginampanan nina Anne Curtis at Arjo Atayde.
Sa kanyang latest series, nabanggit ni Andrea na natutuwa siya kapag may nabubugbog siyang lalake sa eksena.
Sa totoo lang, ayaw din nitong gumagamit na double sa mga action scenes, hangga’t kaya niya.
Bukod sa mga maiinit na tagpo sa pelikula at telebisyon, nakahanda na nga ang dalaga sa daring roles.
***
ZERO raw ang lovelife ni McCoy de Leon.
Kapakanan daw at future ng anak nitong si Felize ang kanyang top priority.
Naging bukas na aklat ang buhay at pag-ibig ni McCoy at ng kanyang dating partner na si Elisse Josson.
Naging maayos ang kanilang paghihiwalay at napagkasunduan na magkaroon ng co-parenting set up para sa ikabubuti ng kanilang anak.
Isa pa sa priority ni McCoy ay ang kanyang ina at nakababatang kapatid. Gusto rin daw nitong pagtuonan lalu nang pansin ang kanilang mga pangangailangan.
Sa edad niyang 31, ang lovelife daw ang malayo sa kanyang mga isipin.
Naka-focus ang kanyang atensyon sa kanyang mga proyekto.
Basta’t ang mindset niya ay maging stable ang kanyang sarili, anak, at pamilya. Kaya’t todo kayod daw siya para matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.