• July 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 10th, 2026

Diwang Yakap project, inilunsad ng House of Representatives

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILUNSAD ng House of Representatives ang Diwang Yakap project nitong Huwebes sa layuning matulungan ang mga persons with disabilities (PWD), senior citizens, mga empleyado o bisita na nangangailangan ng mobility assistance o pag-alalay.

Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, ang proyekto ay magpapahiram ng mga wheelchairs sa mga taong nangangailangan habang nasa loob ng House of Representatives at mga opisina nito.

“Today we affirm a foundational truth. Every single Filipino deserves to be seen, valued, respected and given an unhindered path to reach their full potential,” pahayag ni Speaker Dy sa isang mensahe na binasa ni Office of the Speaker Deputy Secretary General Atty. Maria Margarita Garalde-Chua. 

Inilarawan ni Dy ang Diwang Yakap bilang tugon sa commitment ng Kamara na bigyan ng oportunidad ang mga mamamayan na bisitahin ang mga mambabatas at saksihan ang pagbabalangkas ng lehislatura.

Ayon naman kay House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, ang inisyatibo ay naglalarawan ng commitment ng Kamara na paglingkuran ang publiko.

“Today we gather not merely to launch a program but to reaffirm a fundamental principle that public service is at its best when it is compassionate, inclusive and accessible to all,” sinabi ni Garafil. 

Ang proyekto ay pinasimulan ng donasyon ng 50 wheelchairs ng Taiwan Association, Inc. of the Philippines (TAPh), kasama ang suporta ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO). 

Nagpasalamat ang mga mambabatas sa TAPh at TECO sa kanilang inisyatibo. Nagpasalamat din si Garafil sa mga Taiwanese partners sa kolaborasyon sa kanyang panunungkulan bilang chairperson ng Manila Economic and Cultural Office (MECO). 

Sinabi naman ni TAPh President Jia Hsieh na ang wheelchair donation ay kabilang sa kanilang charitable initiatives sa Pilipinas at sumisimbulo ng kanilang pasasalamat sa Filipino community habang pinagtitibay ang relasyon ng Taiwan sa bansa. 

(Vina de Guzman)

Agarang tulong mula sa Kamara at national gov’t sa mga komunidad na naapektuhan ng malawakang fishkill sa Isabela

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang agarang tulong mula sa Kamara at national government sa mga komunidad na naapektuhan ng malawakang fishkill sa Ramon, Isabela nitong nakaraang Lunes.

Sa pagbisita ni Dy sa mga nasabing komunidad, personal nitong inalam ang sitwasyon at anong tulong ang kinakailangan.

Aniya, naiulat na niya ang sitwasyon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Department of Agriculture bago nagtungo sa Isabela. 

“Titingnan po natin kung ano pong pinaka-agaran at mabilis na paraan para makatulong tayo sa ating mga naapektuhang kababayan dito sa ating lalawigan ng Isabela,” sabi ni Dy.

Batay sa paunang ulat, libu-libong isda ang namatay sa mga fish cages malapit sa Magat Dam. Umaabot ₱120 million halaga ng isda ang namatay sa Magat, kabilang ang mahigit ₱20 million sa bayan ng Ramon.

“Ngayon kami po ay makikinig sa mga report para lalo pong kami rin ay makapagbigay ng update sa national para sa ganoon kung ano pa po ang dapat naming gawin para mabigyan natin ng tamang solusyon at tamang pagtulong sa ating mga naapektuhang kababayan dito sa ating lalawigan ng Isabela,” sabi ni Dy 

Naunang naobserbahan ang mga namamatay na isda noon pang June 23, na dahil umano sa tagtuyot at sobrang init ng panahon na nagpababa sa lebel ng Magat Dam. (Vina de Guzman)

VP Sara, puro drama at hindi sineseryoso ang impeachment trial

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ANG walang katapusan na “objection” at delaying tactics ng defense lawyers ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial sa Senado ay nangangahulugan lamang ng kawalan ng sapat sa depensa at interes na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya.

“Walang katapusang objection sa lahat ng bagay,” sinabi ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio.

Ayon kay Tinio, puro drama si Duterte at hindi sineseryoso ang impeachment trial. 

Tinukoy ni Tinio ang maikling pahayag ni Duterte sa media,“In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed.”

“Ang statement niya ay puro drama. Hindi nag-address sa kahit anong alegasyon. Hindi nito ipinakita ang kahandaan niyang harapin ang trial nang personal,” dagdag ng kongresista.

Ayon kay Tinio, ang istratehiya ng defense panel ay iwasan o pigilan ang presentasyon ng ebidensya gamit ang mga teknikalidad. harangin o huwag ipalabas ang mga ebidensiya na makikita ng publiko.

“Ito ay nagpapakita na takot sila na malantad ang mga paglabag ni Duterte sa publiko. Kung walang kasalanan, bakit kailangan pang harangin ang ebidensya?” tanong ni Tinio.

Tinukoy ni Tinio ang mga online videos ni Duterte na nagbabantantang papatayin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.

“Napanood na ng madla ang mga press conference ni Duterte kung saan nagbitaw siya ng mga banta. Ang kaibahan ngayon ay itinuturing nang ebidensya ang mga videos sa isang impeachment trial. Ito ang isang magiging batayan para matanggal sa pwesto si Duterte. Kaya natatakot ang depensa na ipakita ito sa opisyal na proseso,” sinabi ni Tinio.

Pinuri ni Tinio ang prosecution na naging matatag sa gitna ng pambabatikos ng defense panel.

 “Ang prosecution ay malinaw na inilatag ang kaso. Ang NBI witness at video evidence ay nagpakita ng seryoso at dokumentadong nature ng mga banta na inilabas ng Vice President. Ang depensa ay walang sagot kundi objections,” sabi ni Tinio. 

“Dapat ipagpatuloy ang trial nang walang tigil at walang takot sa delaying tactics. Ang bayan ay naghihintay ng accountability. Hindi dapat payagan ang depensa na gawing drama ang prosesong ito.” 

(Vina de Guzman)

Valenzuela, CCEAP pinalakas ang partnership para Tapon to Ipon Program

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BILANG pagpapatibay sa pangako nito sa environmental sustainability at responsableng pamamahala ng basura, lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pamamagitan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) kasama ang Coca-Cola Europacific Aboitiz Philippines (CCEAP) at mga opisyal ng Barangay Ugong para palakasin pa ang pagpapatupad ng Tapon to Ipon Program.

Ang partnership ay nagmamarka ng isa pang makabuluhang hakbang sa mga pagsisikap ng lungsod na mapabuti ang recovery ng mga basurang plastik at isulong ang isang circular economy sa antas ng komunidad. Bilang bahagi ng kasunduan, nagbigay ang CCEAP ng isang baling machine, na ngayon ay nakatalaga sa Material Recovery Facility (MRF) sa Barangay Ugong upang suportahan ang mahusay na koleksyon, compaction, at recycling ng PET (Polyethylene Terephthalate) plastic bottles.

Ang karagdagang pasilidad ay inaasahang magpapahusay sa mga operasyon ng plastic recovery ng barangay, hikayatin ang mga residente sa wastong paghihiwalay ng basura, at gawing mas madaling ma-access at mahusay ang pag-recycle para sa komunidad. Nakakatulong din ang inisyatiba na mabawasan ang mga basurang plastik na maaaring mapunta sa mga landfill o mga daluyan ng tubig.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pribadong sektor, patuloy na isinusulong ng pamahalaang lungsod ang mga makabago at napapanatiling programang pangkapaligiran na naghihikayat sa aktibong pakikilahok ng komunidad habang isinusulong ang responsableng pamamahala ng basura at pangangalaga sa kapaligiran.

Binigyang-diin ni Mayor WES Gatchalian ang kahalagahan ng pagtutulungan sa pagsusulong ng bisyon ng lungsod ng sustainable urban development.

“Ang aming misyon ay gawing hindi lamang isang industriyal na lungsod ang Lungsod ng Valenzuela, kundi pati na rin isang lungsod na matitirahan. Ang pagkamit nito ay nangangahulugan na ang kalinisan at epektibong pamamahala ng basura ay nananatiling ating pangunahing priyoridad,” sabi ni Mayor Gatchalian.

Ang pagpapatupad ng Tapon to Ipon Program ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng Lungsod sa pagbuo ng isang mas malinis, luntian, at mas napapanatiling kinabukasan. (Richard Mesa)

NBI eCLEARANCE, AVAILABLE NA SA eGovPH Super App

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PORMAL na inilunsad ng National Bureau of Investigation (NBI), sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang NBI eClearance sa eGovPH Super App noong July 6, 2026, sa NBI Headquarters sa Pasay City.

Ang seremonya ay nagtampok ng mga pagbati mula kay NBI Director Atty. Melvin A. Matibag at isang mensahe ng suporta mula kay DICT Secretary Henry R. Aguda. Pinangunahan ni DICT Undersecretary David L. Almirol Jr. ang pambungad na presentasyon at live na demonstrasyon ng bagong digital na serbisyo. Kasama din si First Lady Louise Araneta – Marcos sa ginanap na seremonya.

Sa pamamagitan ng integrasyon ng NBI eClearance sa eGovPH Super App, mas mabilis at mas maginhawang proseso ng digital renewal ang maaaring ma-enjoy ng mga Pilipino. Maaaring i-renew ng mga kwalipikadong user ang kanilang NBI clearance sa loob lamang ng limang minuto gamit ang app, na makakaiwas sa mahahabang pila at mas magiging accessible ang serbisyo anumang oras, kahit saan.

Ang mahalagang pangyayaring ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng NBI at DICT na maghatid ng mga serbisyong nakasentro sa mamamayan, pinapagana ng teknolohiya, at mapagkakatiwalaang serbisyo ng gobyerno sa ilalim ng pananaw ng Bagong Pilipinas.

Sa kanyang pagbati, sinabi ni Atty. Matibag na ang mahalagang hakbang na ito ay sumasalamin sa pangako ng NBI na patuloy na mapabuti ang paraan ng paghahatid nito ng serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.

“This initiative goes beyond technology. It reflects our vision of a modern NBI that embraces innovation, improves operational efficiency, and places citizens at the center of government service delivery. With this integration, verified eGovPH users can now access NBI Clearance services through a secure, interoperable platform,” sabi ni Atty. Matibag.

Ang kakayahang kumuha, mag-renew, at mag-access ng digital na kopya ng NBI Clearance ay nagbibigay sa aming mga kliyente ng mas mabilis, at mas maginhawa. Ang tagumpay na ito ay naging posible dahil sa kolaborasyon at ibinahaging pangako ng mga institusyon ng gobyerno, dagdag pa ni NBI Chief Matibag.

Ang interoperability sa pagitan ng eGovPH App at ng NBI Clearance System ay nagpapakita kung paano mapapatibay ng teknolohiya ang serbisyo publiko habang pinangangalagaan ang seguridad at integridad ng mga sistema ng gobyerno. (PAUL JOHN REYES)

367 kilo ng basura nakolekta sa World Ocean Day coastal clean-up ng Maynilad

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKAKOLEKTA ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng kabuuang 367 kilograms ng basura sa isinagawang coastal clean-up drive ng Maynilad sa may SM By the Bay bilang bahagi ng paggunita sa World Ocean Day 2026.

Tampok sa aktibidad ang 67 Maynilad employee-volunteers na nagtanggal ng mga basura mula sa baybayin ng Manila Bay at karatig waterways.

“As a water and wastewater services provider, Maynilad recog­nizes that the protection of waterways requires collective action. Through activities like this, we are able to engage our employees in environmental stewardship while helping protect coastal and marine environments,” pahayag ni Maynilad Chief Sustainability Officer Atty. Roel S. Espiritu.

Taunang ginugunita ang World Ocean Day sa bansa para mai-promote ang conservation at sustainable na paggamit ng marine resources at maenganyo ang publiko na pigilan ang polusyon at iba pang banta na makakasita sa karagatan.

Ads July 10, 2026

Posted on: July 10th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments