• July 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBI eCLEARANCE, AVAILABLE NA SA eGovPH Super App

PORMAL na inilunsad ng National Bureau of Investigation (NBI), sa pakikipagtulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang NBI eClearance sa eGovPH Super App noong July 6, 2026, sa NBI Headquarters sa Pasay City.

Ang seremonya ay nagtampok ng mga pagbati mula kay NBI Director Atty. Melvin A. Matibag at isang mensahe ng suporta mula kay DICT Secretary Henry R. Aguda. Pinangunahan ni DICT Undersecretary David L. Almirol Jr. ang pambungad na presentasyon at live na demonstrasyon ng bagong digital na serbisyo. Kasama din si First Lady Louise Araneta – Marcos sa ginanap na seremonya.

Sa pamamagitan ng integrasyon ng NBI eClearance sa eGovPH Super App, mas mabilis at mas maginhawang proseso ng digital renewal ang maaaring ma-enjoy ng mga Pilipino. Maaaring i-renew ng mga kwalipikadong user ang kanilang NBI clearance sa loob lamang ng limang minuto gamit ang app, na makakaiwas sa mahahabang pila at mas magiging accessible ang serbisyo anumang oras, kahit saan.

Ang mahalagang pangyayaring ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng NBI at DICT na maghatid ng mga serbisyong nakasentro sa mamamayan, pinapagana ng teknolohiya, at mapagkakatiwalaang serbisyo ng gobyerno sa ilalim ng pananaw ng Bagong Pilipinas.

Sa kanyang pagbati, sinabi ni Atty. Matibag na ang mahalagang hakbang na ito ay sumasalamin sa pangako ng NBI na patuloy na mapabuti ang paraan ng paghahatid nito ng serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.

“This initiative goes beyond technology. It reflects our vision of a modern NBI that embraces innovation, improves operational efficiency, and places citizens at the center of government service delivery. With this integration, verified eGovPH users can now access NBI Clearance services through a secure, interoperable platform,” sabi ni Atty. Matibag.

Ang kakayahang kumuha, mag-renew, at mag-access ng digital na kopya ng NBI Clearance ay nagbibigay sa aming mga kliyente ng mas mabilis, at mas maginhawa. Ang tagumpay na ito ay naging posible dahil sa kolaborasyon at ibinahaging pangako ng mga institusyon ng gobyerno, dagdag pa ni NBI Chief Matibag.

Ang interoperability sa pagitan ng eGovPH App at ng NBI Clearance System ay nagpapakita kung paano mapapatibay ng teknolohiya ang serbisyo publiko habang pinangangalagaan ang seguridad at integridad ng mga sistema ng gobyerno. (PAUL JOHN REYES)