Diwang Yakap project, inilunsad ng House of Representatives
- Published on July 10, 2026
- by Francis Paolo Torres
INILUNSAD ng House of Representatives ang Diwang Yakap project nitong Huwebes sa layuning matulungan ang mga persons with disabilities (PWD), senior citizens, mga empleyado o bisita na nangangailangan ng mobility assistance o pag-alalay.
Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III, ang proyekto ay magpapahiram ng mga wheelchairs sa mga taong nangangailangan habang nasa loob ng House of Representatives at mga opisina nito.
“Today we affirm a foundational truth. Every single Filipino deserves to be seen, valued, respected and given an unhindered path to reach their full potential,” pahayag ni Speaker Dy sa isang mensahe na binasa ni Office of the Speaker Deputy Secretary General Atty. Maria Margarita Garalde-Chua.
Inilarawan ni Dy ang Diwang Yakap bilang tugon sa commitment ng Kamara na bigyan ng oportunidad ang mga mamamayan na bisitahin ang mga mambabatas at saksihan ang pagbabalangkas ng lehislatura.
Ayon naman kay House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil, ang inisyatibo ay naglalarawan ng commitment ng Kamara na paglingkuran ang publiko.
“Today we gather not merely to launch a program but to reaffirm a fundamental principle that public service is at its best when it is compassionate, inclusive and accessible to all,” sinabi ni Garafil.
Ang proyekto ay pinasimulan ng donasyon ng 50 wheelchairs ng Taiwan Association, Inc. of the Philippines (TAPh), kasama ang suporta ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO).
Nagpasalamat ang mga mambabatas sa TAPh at TECO sa kanilang inisyatibo. Nagpasalamat din si Garafil sa mga Taiwanese partners sa kolaborasyon sa kanyang panunungkulan bilang chairperson ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Sinabi naman ni TAPh President Jia Hsieh na ang wheelchair donation ay kabilang sa kanilang charitable initiatives sa Pilipinas at sumisimbulo ng kanilang pasasalamat sa Filipino community habang pinagtitibay ang relasyon ng Taiwan sa bansa.
(Vina de Guzman)