• July 16, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 2nd, 2026

KOREANONG PUGANTE NA SANGKOT SA TELECOM SCAM, INARESTO NG BI

Posted on: July 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa kanyang bansa dahil sa umano’y pagkakasangkot sa isang telecommunications fraud o telecom scam na nambiktima ng maraming indibidwal.

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang pugante na si Park Junhyeon, 44, , na inaresto ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU) noong gabi ng Hunyo 28 sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Barangay Balibago, Angeles City, Pampanga.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng South Korea, Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR), at Department of Justice (DOJ).

Si Park ay saklaw ng Interpol Red Notice na inilabas noong Mayo 7, 2026, kasunod ng warrant of arrest na ipinalabas ng Busan District Court sa South Korea kaugnay ng kasong pandaraya o fraud.

Ayon sa mga awtoridad ng South Korea, pinamunuan umano ni Park, kasama ang kanyang mga kasabwat, ang isang mapanlinlang na no-show” scam kung saan nagpapanggap siyang negosyante na nangangakong babayaran o ire-reimburse ang mga produktong binili ng kanyang mga biktima para sa kanya.

Sa imbestigasyon, lumabas na pitong biktima ang nalinlang sa pamamagitan ng 24 na mapanlinlang na transaksyon, na nagresulta sa pagkalugi ng humigit-kumulang 170 milyong Korean won (KRW).

Batay sa tala ng BI, huling dumating si Park sa Pilipinas noong Disyembre 12, 2025 bilang isang pansamantalang bisita. Gayunman, nag-overstay siya matapos mag-expire ang kanyang pinahihintulutang pananatili noong Hunyo 9, 2026.

Ibinunyag din ng Bureau na ang pasaporte ni Park ay nauna nang napasakamay ng Angeles Field Office matapos magsumite ang kanyang kinatawan ng aplikasyon para sa pagpapalawig ng kanyang pananatili sa bansa. Gayunman, napag-alaman ng mga awtoridad na hindi personal na humarap si Park sa pagproseso ng naturang aplikasyon.

Kinumpirma rin ng BI na si Park ay nauna nang isinama sa kanilang watchlist bilang isang undesirable alien dahil sa kanyang pagiging pugante. (Gene Adsuara)

DOLE AT MMDA, NAGTULUNGAN PARA SA FLOOD CONTROL AT LOKAL NA TRABAHO

Posted on: July 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

OPISYAL na nilagdaan ng Department of Labor and Employment o DOLE at ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang Memorandum of Agreement o MOA nitong Hulyo 1, 2026.

Layunin nito na palawakin at paigtingin ang malawakang clean-up drive at ang programang Bayanihan sa Estero sa Metro Manila sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers o TUPAD.

Tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa paghahanda sa tag-ulan. Pinangunahan nina DOLE Secretary Francis N. Tolentino at MMDA Chairperson Atty. Romando Aries ang pagpirma sa pinagsamang inisyatiba.

Sinusuportahan ito ng P220-milyong budget ng DOLE TUPAD para mabigyan ng emergency employment ang 10,000 na disadvantaged workers na maglilinis ng mga drainage system sa Metro Manila upang maiwasan ang pagbaha sa lungsod.

Dahil nalalapit na ang tag-ulan, binigyang-diin ni Tolentino ang kahalagahan ng inisyatibang ito. Aniya, mahalaga ang maagap na paghahanda para matiyak ang kaligtasan ng publiko, maiwasan ang baha, at mapigil ang pagkalat ng mga sakit na dala ng tubig. Ngayong Hulyo 1 ang unang deployment kung saan 500 kwalipikadong benepisyaryo ang ide-deploy ng DOLE para maglinis ng mga baradong drainage, maglinis ng mga daluyang tubig, at magpatupad ng waste segregation.

Tutulungan sila ng MMDA sa pamamagitan ng orientation tungkol sa maayos na waste segregation at material recovery. Kasabay nito, pinoproseso na rin ng DOLE-NCR, MMDA, at mga kaukulang lokal na pamahalaan ang profiling ng 3,600 benepisyaryo para sa susunod na deployment. Dumalo rin sa pagtitipon ang mga opisyal ng DOLE kabilang sina Undersecretary Atty. Felipe Egargo, Jr., Assistant Secretary Amuerfina Reyes, Bureau of Workers with Special Concerns Director Leilani Reynoso at *DOLE-NCR Regional Director Sarah Mirasol .

(Gene Adsuara)

Bawat Bayan Makikinabang Rice Distribution Program, isinagawa sa Valenzuela

Posted on: July 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGUMPAY na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, katuwang ang Pambansang Pamahalaan sa pamamagitan ng inisyatiba ng Bawat Bayan Makikinabang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ikalawang yugto ng programang pamamahagi ng bigas sa pagtiyak ng pangako nito na na walang maiiwan na Valenzuelano.

Umabot sa kabuuang 2,645 kwalipikadong benepisyaryo ang nakatanggap ng 10 kilo bawat isa mula sa natukoy na vulnerable sectors na nagpapatibay sa pangako ng gobyerno sa pagpapagaan ng pasanin dahil sa tumataas na gastusin sa bahay at pagtataguyod ng seguridad sa pagkain sa mga komunidad.

Inilunsad noong Pebrero 2026, ang programa sa pamamahagi ng bigas ay bahagi ng inisyatiba ng Bawat Bayan Makikinabang ni Pangulong Marcos Jr., na naglalayong magbigay ng direktang suporta sa mga pamilyang Pilipino sa buong bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng accessibility ng pagkain at pagpapaabot ng tulong sa mga karapat-dapat na sektor.

Sa kanyang mensahe, nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Mayor WES Gatchalian sa Pambansang Pamahalaan sa patuloy na pakikipagtulungan nito sa pagpapatupad ng mga programang direktang makikinabang sa mga lokal na komunidad.

Sa pamamagitan ng pagtutulungang pagsisikap na ito, kapwa ang Pambansang Pamahalaan at ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ay patuloy na tinitiyak na ang mahahalagang tulong ay makakarating sa mga higit na nangangailangan nito.

Ang pamamahagi ng bigas ay umaakma sa matagal nang inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, kabilang ang taunang programa ng Pasko sa Hulyo, na nagbibigay ng rice assistance sa halos 80,000 senior citizens sa lungsod. Binibigyang-diin ng mga hakbangin na ito ang patuloy na pangako ng lungsod sa pagsuporta sa mga mahihinang sektor at pagtiyak na ang mahahalagang tulong ay makakarating sa mga residenteng higit na nangangailangan nito.

“Kami ho, sa lokal, starting july [ay] mamimigay rin po kami ng bigas… [kung saan] ang mga lolo’t lola po natin, ang higit 80,000 natin na senior citizens ay makakatanggap naman ng maagang pamaskong handog galing sa lokal na pamahalaan,” ani Mayor WES.

Dagdag niya, nananatiling matatag ang pamahalaang lungsod sa pagsuporta sa mga hakbangin na nagtataguyod ng seguridad sa pagkain, katatagan ng komunidad, at inklusibong serbisyo publiko.

Dumalo rin sa pamamahagi sina San Juan City Mayor at League of Cities of the Philippines President Francis Zamora, Vice Mayor Marlon Alejandrino, 1st District Congressman Kenneth Gatchalian, 2nd District Congressman Gerald Galang at City Councilors. (Richard Mesa)

PDEA, PJA INILUNSAD ANG JUDO-BASED LIFE SKILLS PROGRAM PARA PALAKASIN ANG MGA KABATAAN NA LABANAN ANG IMPLUWENSYA NG DROGA

Posted on: July 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILUNSAD ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa pakikipagtulungan ng Pinoy Judo Association, Inc. (PJA), ang Judo-Based Life Skills Program, isang youth development initiative na idinisenyo upang bumuo ng katatagan, disiplina, at positibong pag-uugali sa mga kabataang naimpluwensyahan sa paggamit ng droga at iba pang risky behaviors, noong Hunyo 25, 2026 sa Patricia Paraiso Sports Complex, Flora Street, Tondo, Manila.

Nakaangkla sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) Sport for Drug Abuse Prevention Framework at sa Line Up Live Up (LULU) Life Skills Program, binabago ng inisyatibo ang pagsasanay sa judo tungo sa isang nakabalangkas na plataporma para sa prevention education at character development.

“Sport, when properly guided, becomes a powerful tool for drug prevention. Alone, it does not prevent substance abuse, but when embedded with values such as respect, discipline, and positive relationships, it becomes an effective platform for youth development and life skills formation,” sabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R Nerez.

Ang target ng programa ay mga kabataang nasa edad na 13 hanggang 19 mula sa Ikalawang Distrito ng Maynila at tatagal ng labindalawang (12) lingguhang sesyon.

Binigyang-diin ni DG Nerez na ang Judo ay nagsisilbing pisikal na pagsasanay at isang nakabalangkas na plataporma para sa pag-iwas sa droga. “Lessons learned on the mat are intended to extend beyond sport into real-life decisions involving peer pressure, emotional control, and responsible behavior.”

Inulit ng PDEA ang buong suporta nito para sa pagbibigay-kapangyarihan sa kabataan at pangmatagalang pag-iwas sa droga sa pamamagitan ng sport-based education at values formation. “We are committed to building drug-resistant future generations. Investing in youth development today means investing in a safer, stronger, and drug-free future for our communities,” pahayag pa ni PDEA Chief. 

(PAUL JOHN REYES)

P85/araw wage hike sa Metro Manila aprub na

Posted on: July 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSIYO ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino na aprubado na ang pagpapairal ng wage increase na P85 kada araw para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR), na inaasahang pakikinabangan ng nasa 1.1 milyong minimum wage earners.

Ads July 2, 2026

Posted on: July 2nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments