• July 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

UNANG GINANG LIZA, NANGUNA SA PAMAMAHAGI NG TULONG NA BIGAS SA MGA RESIDENTE NG QUEZON CITY

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Unang Ginang Louise Araneta-Marcos, ang pamamahagi ng tulong na bigas sa Barangay Doña Imelda sa ika-apat na distrito ng Quezon City para sa mga pamilyang higit na nangangailangan.

Sa ilalim ng programang Mula sa Puso Para sa Pamilya, layunin ng inisyatiba na makapagbigay ng agarang tulong sa mga pamilya sa Metro Manila.

“Nandito po ako bilang ina kasi alam ko, as a mother, mahalaga na magkaroon ng pagkain sa lamesa natin. Maski na po konting tulong lang ‘to, I hope it goes a long way, few days that we can help you,” ani ng Unang Ginang sa ginanap na programa sa D4 Amphitheater sa Barangay Doña Imelda, kung saan naghatid siya ng mensahe ng pakikiisa, malasakit, at pag-asa.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, may kabuuang 1,200 benepisyaryo ang tumanggap ng tig-10 kilong bigas na nagkakahalaga ng P550 bawat isa sa ilalim ng programang pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF) na inilabas ng Tanggapan ng Pangulo sa Pamahalaang Lungsod ng Quezon City.

Ang LGSF ay programang pinansyal ng pambansang pamahalaan na nagbibigay ng direktang tulong sa mga local government units (LGU) para sa mga prayoridad na programa, proyektong pang-imprastraktura, at mga serbisyong pampubliko.

Sinabi ni Belmonte na naglaan ang Tanggapan ng Pangulo ng P462.9 milyon para sa rice subsidy program ng Quezon City, na pakikinabangan din ng mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbili ng kanilang ani.

Sinabi rin ng alkalde na ginamit ng lungsod ang Sagip Saka Act upang direktang makipagnegosasyon sa mga kooperatiba ng mga magsasaka para sa lokal na suplay ng bigas.

Idinagdag niya na inaasahang makikinabang sa programa ang kabuuang 210,455 pamilya, o humigit-kumulang 25 porsiyento ng lahat ng pamilya sa Quezon City

Ang isinagawang pamamahagi, araw ng Lunes ay ang ikalawang bugso ng rice distribution program sa Quezon City. Dalawa pang bugso ang isasagawa upang makumpleto ang apat na nakatakdang distribusyon.

Sinabi naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng Metro Manila Council, na ipatutupad din ang kaparehong programa sa iba pang lungsod sa Metro Manila na tatagal hanggang Nobyembre ngayong taon. ( DARIS JOSE)

Metro Manila, 47 probinsiya, posibleng makaharap sa water shortages sanhi ng El Nino

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN si House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan sa mga local government units (LGUs) at community organizations na maghanda sa napipintong El Niño-induced dry weather conditions sa pamamagitan ng paggamit sa P1-billion People’s Survival Fund (PSF) para sa climate adaptation projects, kabilang na ang rainwater harvesting systems.

Ayon sa mambabatas, nakapaloob sa 2026 General Appropriations Act ang P1 billion para sa People’s Survival Fund upang mapondohan ang mga climate adaptation initiatives, kabilang na ang installation ng rainwater collection at storage systems na magpapalakas sa paghahanda ng komunidad kapag nagkaroon ng freshwater shortages.

Aniya, maaaring i-access ng LGUs at community organizations ang PSF financing para sa mga eligible projects na naglalayong mabawasan ang panganib na dala ng matinding epekto ng klima.

Ang panawagan ay ginawa ng mambabatas kasunod ng babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang Metro Manila at 47 probinsiya ay maaaring dumanas ng below-normal rainfall sa mga darating na buan dahil sa El Niño.

“We should make rainwater harvesting a regular practice so communities can build up additional freshwater reserves before severe dry periods set in. Every liter of rainwater captured and stored today can help cushion households and communities from water shortages tomorrow. Investing in rainwater harvesting is one of the simplest, most practical, and most cost-effective climate adaptation measures available to us,” dagdag nito.

Sa forecast ng PAGASA, ang Metro Manila at mga probinsiya sa Luzon ay maaaring dumanas ng “dry condition” pagdating ng Nobyembre. Kasama na dito ang Abra, Albay, Apayao, Aurora, Bataan, Batangas, Benguet, Bulacan, Camarines Norte, Catanduanes, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Laguna, Marinduque, Masbate, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Quirino, Rizal, Romblon, Sorsogon, Tarlac, at Zambales.

Sa Visayas, ang probinsiya ng Aklan, Antique, Biliran, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Northern Samar, Samar, at Southern Leyte ay inaasahan din na sasailalim sa matinding init sa November.

Habang sa Mindanao, ang probinsiya ng Dinagat Islands at Surigao del Norte ay posible ding tamaan ng dry condition sa Nobyembre.

Inihayag ng PAGASA na ang “dry condition” ay dalawang magkakasunod na buwan ng below-normal rainfall, katumbas ng 21%-60% bawas sa average na ulan.

Ang People’s Survival Fund ay pinangangasiwaan ng board na binubuo ng kalihim mula sa Department of Finance, Department of Budget and Management, Department of the Interior and Local Government, at Department of Economy, Planning and Development; ang chairperson ng Philippine Commission on Women; vice chairperson ng Climate Change Commission; at representatives mula sa scientific community, business sector, at non-governmental organizations.

(Vina de Guzman)

Lalaking aksidenteng nabaril ang sarili sa Malabon, kulong

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAPOS magamot ang tinamong sugat sa kamay at kaliwang hita sanhi ng tama ng bala, binitbit na sa selda ang isang lalaki nang matuklasang walang lisensiya ang baril na aksidente niyang napaputok sa Malabon City.

Sa imbestigasyon, isinugod ng kanyang mga kaanak ang lalaki sa ospital nang aksidenteng mabaril ang sarili sa loob ng kanilang tirahan sa Barangay San Agustin noong Sabado ng madaling araw, gamit ang hawak na kalibre .38 revolver.

Nang makarating sa tanggapan ni Malabon police acting chief P/Col. Kenneth Mission ang pangyayari, agad niyang inatasan ang mga operatiba ng Police Sub-Station-6 na mag-imbestiga sa insidente hanggang matuklasan na walang kaukulang lisensiya o anumang dokumento ang baril na gamit ng biktima.

Nakumpiska rin ng mga pulis ang baril na kargado pa ng isang bala kaya’t nang payagan ng mga doktor na makalabas na ng ospital ang biktima Linggo ng gabi, kaagad siyang inaresto ng pulisya para sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Firearms ang Ammunition Regulation Act sa Malabon City Prosecutor’s Office.

Sinabi ni Col. Mission na patuloy ang mahigpit nilang pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na pagmamay-ari ng mga baril upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang mga insidenteng maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari-arian. (Richard Mesa)

Lalaki, tiklo sa baril sa Caloocan

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang lalaki nang maaktuhan ng pulisya na may bitbit na baril habang nakaupo sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act ang suspek na 49-anyos na lalaki at residente ng Barangay 176-C.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Goforth na dakong alas-4:00 ng madaling araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa nasabing barangay nang mapansin nila ang suspek na nakaupo sa isang eskinita at may hawak umanong baril.

Kaagad nila itong nilapitan saka nagpakilala bilang mga pulis bago kinumpiska ang hawak nitong isang revolver na kargado ng bala.

Nang hanapan ng mga pulis ang suspek ng kaukulang mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay wala itong naipakita kaya inaresto nila ito. 

(Richard Mesa)

SUPER HEALTH CENTER, ITATAYO SA MAYNILA

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG malaking programa sa pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan ang inihahanda ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila upang matugunan ang patuloy na pagdami ng mga pasyente sa mga ospital ng lungsod.

Sa panayam ng mga miyembro ng Manila City Hall Press Club, sinabi ni Bise Alkalde Chi Atienza na plano ng lokal na pamahalaan na magtayo ng ilang Super Health Centers sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang mabawasan ang pagsisikip sa mga pampublikong ospital at mapabuti ang akses ng mga residente sa serbisyong medikal.

Ayon kay Atienza, ang mga planong pasilidad ay lalagyan ng makabagong kagamitang medikal at pang-diagnostiko upang mas maraming serbisyong pangkalusugan ang maibigay sa mga residente nang hindi na nila kailangang agad magtungo sa malalaking ospital.

Inaasahang magkakaroon ang mga Super Health Center ng mga kagamitang tulad ng X-ray machine, MRI, at iba pang mahahalagang kagamitan para sa pagsusuri at paggamot ng mga pasyente.

Sinabi ng bise alkalde na layunin ng programang ito na mabawasan ang sobrang dami ng pasyente sa mga district hospital habang inilalapit ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Gayunman, humingi si Atienza ng pang-unawa mula sa publiko at binigyang-diin na kinakailangang sumailalim muna sa masusing pag-aaral at pagsusuri ang proyekto bago ito maisakatuparan.

Ipinaliwanag niya na kabilang sa mga pangunahing konsiderasyon ang paglikha ng mga plantilla position at ang pagtiyak na may sapat na pondo para sa mga healthcare worker na magpapatakbo ng mga pasilidad.

“Maganda ang ating plano, ngunit ayaw nating madaliin ang pagpapatupad nito,” ani Atienza. “Kailangan nating tiyakin na kayang sustentuhan ng lungsod ang suweldo at benepisyo ng mga healthcare worker na itatalaga sa mga sentrong ito.”

Binalaan ng bise alkalde na kahit matapos ang konstruksyon ng mga pasilidad, maaaring maantala ang pagbubukas ng mga ito kung walang sapat na pondo para sa pagkuha at pagpapanatili ng mga kwalipikadong healthcare professional.

Aniya, posibleng makumpleto ang mga gusali ngunit hindi agad mapatakbo kung kulang ang mapagkukunan para sa kinakailangang mga tauhan.

Tiniyak ni Atienza sa mga residente na aktibo nilang pinag-aaralan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang iba’t ibang paraan upang maisakatuparan ang proyekto sa lalong madaling panahon.

Dagdag pa niya, nananatiling nakatuon ang pamunuan ng lungsod sa pagpapalakas ng sistemang pangkalusugan ng Maynila at sa pagbibigay ng mas mahusay na akses sa serbisyong medikal sa pamamagitan ng maayos, napapanatili, at mahusay na planadong imprastraktura sa kalusugan.

Sinabi pa ni Atienza sa nabanggit na forum ang planong pagkakaroon ng ng Internal Rules of Procedure (IRP) para sa quasi-judicial function na may kapangyarihang magsagawa ng pagdinig at magpataw ng kaukulang parusang administratibo sa mga inaakusahang opisyal tulad ng ginagawa ng mga hukom.

Paliwanag ni VM Atienza na binibigyang pangil nito ang City Council para humawak ng mga kasong administratibo upang matiyak na may “check and balance” sa sistema ng pamamahala sa Lungsod ng Maynila. 

(Gene Adsuara)

PNP NAGPAKITA NG MALASAKIT SA SUNOD-SUNOD NA HUMANITARIAN OPERATIONS MATAPOS ANG LINDOL

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAKITA ng Sarangani Police Provincial Office (SPPO) ang kanilang aktibong pakikibahagi sa dalawang magkakaugnay na humanitarian operations bilang tugon sa pangangailangan ng mga komunidad na naapektuhan ng 7.8 magnitude na lindol sa General Santos City at Sarangani Province.

Unang naging katuwang ang SPPO sa maayos at ligtas na pamamahagi ng relief goods sa Purok Colano, Barangay Pangyan, Sarangani Province. Kasama ang Ignite Telecom at Leo Clubs of General Santos City, tiniyak ng mga pulis ang kaayusan at seguridad sa lugar upang maging maayos ang daloy ng distribusyon at maramdaman ng bawat benepisyaryo ang dignidad at respeto sa pagtanggap ng tulong.

Kasunod nito, personal na tumulong din ang mga tauhan ng SPPO sa loading at reloading ng relief goods sa Makar Wharf, Barangay Labangal, General Santos City. Sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang partner agencies at stakeholders, tiniyak nilang ligtas, maayos, at mabilis na maipapadala ang mga suplay patungo sa mga apektadong komunidad.

Ayon kay Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang ganitong uri ng paglilingkod ay sumasalamin sa tunay na diwa ng pulis na Pilipino.

“Ang pulis ay katuwang ng komunidad sa panahon ng pangangailangan. Sa bawat sakuna, nakikita natin ang puso ng ating kapulisan—handang tumulong, handang umalalay,” pahayag ng PNP Chief.

Patuloy na pinapaigting ng PNP ang presensya nito sa mga lugar na apektado ng kalamidad upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at agarang pag-abot ng tulong.

Sa gitna ng hamon, nananatiling buo ang adhikaing Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman—isang paglilingkod na may malasakit, aksyon, at tunay na malasakit sa mamamayan. (PAUL JOHN REYES)

Isko pinarangalan natatanging Manileño sa Gawad Manileño 2026

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-455 ani­bersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod ng Maynila, binigyang-pugay ng pamahalaang lungsod ang mga natatanging Manileño na nagbigay ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng lungsod sa pamamagitan ng Gawad Manileño.

Ang parangal ay iginawad sa mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan, dedikasyon, at malasakit sa kanilang larangan, kabilang ang edukasyon, pampublikong kalusugan, socio-civic na gawain, kultura at sining, mass media, palakasan, kapakanan at pagpapaunlad ng kabataan, at pangangalaga sa kalikasan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang mga pinarangalan ay sumasalamin sa tunay na diwa ng pagiging Manileño — matatag, masipag, at handang maglingkod para sa kapakanan ng kapwa.

Ayon kay Domagoso, ang Gawad Manileño ay hindi lamang tropeo o sertipiko kundi isang mataas na pagkilala sa mga taong nag-aambag sa pag-unlad ng lungsod at nagsisilbing inspirasyon sa kapwa.

“Ang tunay na sukatan ng tagumpay ng isang lungsod ay hindi lamang nakikita sa mga gusali at imprastraktura nito kundi sa kalidad ng buhay ng mga mamamayan nito,” ani Domagoso.

Binigyang-diin din ng alkalde na ang kadakilaan ng Maynila ay nakasalalay sa mga mamamayang araw-araw na nagsisikap, nagmamalasakit, at naglilingkod sa kapwa.

P-pop stars BINI celebrates being part of DreamWorks Animation’s “Forgotten Island” OST by performing their upcoming track “A Parallel World”

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BINI has joined the amazing roster of Filipino talent for the original soundtrack of DreamWorks Animation’s Forgotten Island, an original animated film with Filipino culture at the forefront. BINI fans got a surprise treat at the start of their Signals world tour as the girl group gave a sneak peek into their song for the film, A Parallel World. The performance also involved special choreography for the track. Other artists in the lineup are SB19 covering Francis Magalona’s Mga Kababayan,  Ruby Ibarra and Carl Angelo performing Salbahe Ako, H.E.R., Katseye’s Sophia Laforteza, and Lea Salonga. 

Watch BINI perform “A Parallel World”: Facebook, Instagram, TikTok

Forgotten Island is an emotional story about lifelong friends that must come together in an otherworldly adventure in the mythical island of Nakali, before they drift apart into their separate life journeys. The island includes fantastical beings from Filipino folklore, both friendly and fearsome. Grammy and Academy Award-winning singer H.E.R. and international star Liza Soberano lead the film as the voices of best friends Jo and Raissa. The cast also includes internationally celebrated Filipino actors such as Manny Jacinto, Dolly de Leon, and Jo Koy. 

Don’t miss the magical tale  of Forgotten Island, arriving in Philippine cinemas on September 23. Check out Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest news and updates.

About “Forgotten Island”:

Your best friendship is worth fighting for.

DreamWorks Animation, the studio that brought you unforgettable bonds between a boy and a dragon in How to Train Your Dragon, an ogre and a donkey in Shrek, and a robot and a gosling in The Wild Robot, now welcomes a dazzling and emotional story about two lifelong best friends who must come together before they drift apart in Forgotten Island. 

The new original film is written and directed by Academy Award® nominee Joel Crawford and Januel Mercado and is produced by Academy Award® nominee Mark Swift, the filmmaking team behind Puss in Boots: The Last Wish. 

Grammy and Academy Award® winning supernova H.E.R. and Liza Soberano (Lisa Frankenstein, Alone/Together) star as high school graduates Jo and Raissa, who have been best friends since grade school but are now about to embark on separate life paths. 

While celebrating their last night together, Jo and Raissa stumble upon a mysterious portal that transports them to the fantastical island of Nakali, packed with magical and mythological creatures they grew up hearing stories about from their Filipino families.

Some of these figures will become friends, some foes. Joined by well-meaning-but- hapless weredog Raww (Dave Franco) and a small-but-mighty pack of pals, Jo and Raissa must face The Dreaded Manananggal (Tony winning icon Lea Salonga), the most feared creature on the island. When they discover that the memories of their entire friendship are the price for returning home, Jo and Raissa will race to find a way to leave the island before they forget each other forever.

The film’s all-star voice cast also includes Emmy nominee Jenny Slate (Marcel the Shell with Shoes On, Dying for Sex), Manny Jacinto (The Good Place, Top Gun: Maverick), BAFTA nominee Dolly de Leon (Triangle of Sadness, Ghostlight), global comedy superstar Jo Koy (Haunted Mansion, Jo Koy: Live from Brooklyn) and Emmy winner Ronny Chieng (The Daily Show, M3GAN).  

DreamWorks Animation’s Forgotten Island is distributed by Universal Pictures.

(ROHN ROMULO) 

Likha ng Oscar-nominated Filipino-American animator…DINGDONG at ZIA, kabilang sa voice cast ng animated seriesna “Sun Chaser”  (ni:  ROHN ROMULO)

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGKASAMA ang mag-amang Dingdong Dantes at Zia Dantes sa isang animated fantasy adventure series na “Sun Chaser”.

Kabilang nga sina Dingdong at Zia sa voice cast ng “Sun Chaser,” isang bagong animated series na nilikha ng Oscar-nominated Filipino-American animator na si Bobby Pontillas.

Napapanood ang first episode ng serye sa opisyal na YouTube channel ng “Sun Chaser.”

Tampok sa serye ang makukulay na elemento ng Pinoy myths, kultura, at mahika na siguradong magbibigay ng kakaibang viewing experience sa mga manonood.

Umiikot ang kwento sa karakter ni Jordan Santos, isang binatang umuwi lamang sana sa Pilipinas para magbakasyon. 

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, masasangkot siya sa isang misteryoso at supernatural na panganib na magpapayanig sa kanilang isla.

Dahil diyan, mapipilitan si Jordan na yakapin ang kanyang kapalaran bilang tagapagtanggol sa pagitan ng mundo ng tao at ng mga espiritu.

Sa Instagram post ng PPL Entertainment, ibinahagi ang balita na si Dingdong ang magbibigay-boses sa mabagsik na kontrabidang si Necrofost. 

Ayon naman sa Toon City Animation, isa si Necrofost sa pinakamalaki at pinaka mapanganib na kalabang haharapin ng mga bida sa serye.

Hindi naman nagpahuli ang panganay na anak nina Dingdong at Marian Rivera na napiling bumoses sa karakter na si Sessa.

Sa kuwento, si Sessa ang pinsan ng bidang si Jordan, na bibigyang-buhay naman ng Fil-Am Hollywood actor na si Manuel Jacinto.

Mas lalong umiinit ang excitement para sa “Sun Chaser” dahil bukod sa mag-ama, tampok din sa cast ang ilang malalaking pangalan sa local at international entertainment scene.

Kabilang sa mga mapapakinggan sa serye sina Liza Soberano, Charo Santos, AC Bonifacio, KD Estrada, gayundin ang Fil-Am Hollywood actors na sina JR De Guzman at Eugene Cordero.  

*** 

MATET, sukang-suka na sa isyu at wala nang pakialam kay IAN 

MULING pinatulan ni Matet de Leon ang isang netizen na nag-react tungkol sa naging sagutan ng mga kapatid na sina Lotlot de Leon at Ian de Leon. 

Dahil ito sa mainit na isyu ng mana mula sa yumao nilang ina na Superstar at National Artist na si Nora Aunor.

Sa TikTok video ni Matet na kung saan nili-lipsync niya ang kantang “Banal Na Aso, Santong Kabayo”, isang netizen ang nag-komento…

“[S]akin lang nmn tama na, sana maresolve privately.” 

At sinagot nga ito ng aktres, “Kami ba ang gago? O ang mga tao? Nananahimik kami. Mana ng mana. Nakaka suka naaaaaaa!” 

Dagdag pa niya, wala silang aayusin at ayaw rin niyang i-resolve…

“Wala kami ire-resolve. Ayoko mag-resolve. Manahimik na lang mga kupal na nagco comment na akala eh alam lahat. Ok na yun.” 

Matinding hirit pa niya, “Wala akong pakialam kay Ian.”

Matatandaang nagiang ng emosyonal pahayag ni Lotlot tungkol sa umano’y kasinungalingan ni Ian.

Agad namang bumuwelta si Ian sa kanyang Facebook page at sinabing, “Enough with the lies? You stop. You stop telling lies especially to my dad.”

Inaabangan naman kung muling magbibigay ng reaksyon si Lotlot sa mga sinabi ng kanyang kapatid.

JOHAN at ERIKA, kinoronahan bilang ‘Mister & Miss Lipa Tourism 2026’ (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BONGGANG-BONGGA ang naganap na grand coronation night para sa ‘Mister & Miss Lipa Tourism 2026’ nitong June 20 sa Plaza Independencia sa Metropolitian Cathedral of San Sebastian sa Lipa City, Batangas.

Kitang-kita talaga na pinaghandaan at ginastusan ang naturang local pageant sa pangunguna nina City Councilor and Committee Chairperson on Tourism Venice Manalo at Lipa Tourism Council President Joel Peña. 

Sinuportahan ito ng butihing Lipa City Mayor na si Hon. Eric B Africa at ni Ms. Aylene Acorda, MIHTM, OIC Tourism Officer.

Habang ginaganap ang grand coronation, para kaming nanonood ng national competition. Sobrang intense ang labanan na suportado ng audience ang mga candidates, bukod pa sa magandang production numbers at presentation.

Naglaban-laban ang 10 candidates para sa Mister Lipa Tourism 2026 habang 10 kandidata rin ang nagpabonggahan para sa titulong Miss Lipa Tourism 2026.

Katulad ng klima nang gabing ‘yun, mainit at matindi ang naging labanan ng mga candidates lalo na nang rumampa na ang mga ito para sa swimwear competition.

Si candidate number 4 Tania Endozo (Brgy. Muntingpulo) ay humakot ng special awards.

After ng Evening Gown/Formal Wear competition, in-announce na ang Top 5 finalist.

At tulad ng mga pageant, mas naging intense pa ang laban sa Q&A portion kung saan napasabak sila sa pagsagot sa katanungang napili na tungkol sa turismo sa Lipa City.

Ang kanilang mga sagot ang naging basehan para sa kani-kanilang puwesto.Ang tinanghal na 

2026 Mr. Lipa City Tourism ay Johan Miguel Pinon (Brgy. Sampaguita), na crowd favorite at bet din naming magwagi.

Si Ma. Erica Valenzuela (Brgy. Tambo) naman ang kinoronahang 2026 Ms. Lipa City Tourism. 

1st runner up ay sina Mohammad Reza Junior Gholami (Brgy. 8) at Kate Danielle Morales (Brgy. Sabang);

2nd runner up sina Marlon Anthony Parco (Brgy. San Jose) at Allyza Joyce Lescano (Brgy. Banaybanay);

3rd runner up sina Felyciti Claire Marin (Brgy. Tambo) Glen Wendel Masupil (Brgy. Sabang);

4th runner up sina Tania Endozo (Brgy. Muntingpulo) at Vincent Emmanuel Sayas (Brgy. Antipolo del Norte)

Pinasalamatan naman ni Mayor Eric ang lahat ng nakiisa sa katatapos lamang na matagumpay na selebrasyon ng 421st Founding Anniversary and 79th Cityhood ng lungsod ng Lipa noong ika-20 ng Hunyo.

Muli ngang ipinamalas ng mga kabataang Lipeño ang kanilang talino, kagandahan, at kakayahan sa yearly competition na nagsisilbing daan upang makapili ng mga kinatawan ng lungsod sa iba’t ibang pageant sa loob at labas ng lalawigan.

Isa ngang malaking tagumpay ng 2026 Mister & Miss Lipa City Tourism at abangan natin sina John at Erica sa pagsali nila sa national competitions.

#EatPrayLoveLipa