• July 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Nagbago ang buhay nang tinanggap niya ang Diyos…PATRICIA, inspirasyon sa bagong album ang kanyang life journey (ni: NONIE NICASIO)

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ABALA ngayon si Patricia Javier sa promo ng kanyang single na “Imagine Me Without You,” na kasama sa kanyang bagong album.

Ang new album ni Patricia ay pinamagatang “On High With God.” Under Enterphil ito, in collaboration with Viva Records. Ang album ay may 15 songs, kasama na ang dalawang espesyal na bonus track.

Kuwento ni Patricia, “Inspirational and worship songs ang nilalaman nito.

“My first love is music and I like to do music ministry to spread the words of God thru my music, hope, love and forgiveness.”

Sinabi rin ng singer/actress ang kanyang inspiration sa new album.

“My inspiration for my new album is my life journey. In my high and low, If you have God in your heart and mind, you have everything in life,” wika pa niya.

Ano naman ang masasabi niya sa kanyang single?

Tugon niya, “The heartfelt song was composed by the internationally acclaimed songwriters Rudy Perez and Mark Portmann, beautifully produced and arranged by Brother Yong Nalasa of Infinity Records.

“More than just a love song, Imagine Me Without You carries a deeper message of faith, hope, unconditional love, and gratitude to God.”

Ang kantang ito ay handog ni Patricia sa kanyang mahal na esposo na si Dr. Rob Walcher III at higit sa lahat, sa kanyang Savior, Lord Jesus Christ.

Ayon pa kay Patricia, ang kanyang buhay ay ganap na nagbago nang tinanggap niya ang Diyos bilang Tagapagligtas.

“Mula noon, I’ve experienced countless blessings, guidance, and love that transformed my life in extraordinary ways.  With God, I have everything I could ever ask for.

“I cannot imagine my life without Him. This song reflects my journey of faith, love, and the blessings God has given me — including the man of my dreams, my husband Dr. Rob.”

Singing na ba ang kanyang priority ngayon, hindi na acting?

“Ang focus ko ay with my singing, but if there is a good project for acting, I will love to do it too,” sambit ni Patricia.

Available na ang music video ng kantang “Imagine Me Without You” ni Patricia sa Viva YouTube Channel. Mapapakinggan ito sa lahat ng streaming platform.

PINIRMAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco noong Lunes ang isang memorandum of agreement na nagbibigay ng scholarship sa 177 Navoteño students at teachers para sa school year 2026-2027, bilang bahagi ng pagdiriwang ng 19th Navotas Cityhood Anniversary. Sa bilang na ito, 23 ang Academic scholars, 144 ang Athletic scholars, at 10 ang Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship beneficiaries. (Richard Mesa)

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PBBM, inalala ang mga aral mula sa ama na si Marcos Sr., ngayong Father’s Day

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INALALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong Father’s Day, ang kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., at mga leksyon na natutunan mula rito.

“Remembering my father today. No matter how much time passes, there are some lessons a son never outgrows,” ang sinulat ni Pangulong Marcos sa kanyang Facebook.

“My father taught me the value of duty, the importance of perseverance and the conviction that our lives are measured by what we give of ourselves in service to others,” aniya pa rin.

“For those lessons and for his love, I remain deeply grateful,” ang sinabi pa ni Pangulong Marcos.

Dinakila ng Pangulo ang lahat ng ama, sabay sabing: “On this Father’s Day, I honor not only my father but all fathers, grandfathers, stepfathers and father figures whose love, sacrifice and presence help shape the lives of their children and the future of our nation.”

Samantala, nagpalabas naman sina Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at mga anak na si Sandro, Simon and Vincent “Official Presidential Father’s Day Executive Order” bilang pagbibigay puri at pagbubunyi kay Pangulong Marcos, “nagbibigay kautusan” sa Pangulo na magpahinga, walang stressful meetings, at magkaroon ng ‘mandatory dessert.’ ( Daris Jose)

Ads June 23, 2026

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

No work, no pay sa mga matataas na opisyal ng gobyerno isinusulong sa Senado

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINUSULONG ngayon sa Senado ang panukalang batas na naglalayong hindi pagkalooban ng sahod ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa mga araw ito ay absent nang walang malinaw na paliwanag.

Saklaw sa panukala ang Pangulo, bise-Presidente, senador, congressman, mga halal na opisyal, cabinet secretaries at mga department heads.

Nakasaad din rito ang hindi pagbibigay ng mga allowances sa mga opisyal na absent na walang maayos na abiso sa pagliban. 

Ayon kay Senator Erwin Tulfo na sponsor ng panukalang batas, nakasanayan na umano ng mga matataas na opisyal na walang sumisita na sumasahod kahit absent. Nakakahiya aniya na mga ordinaryong manggagawa ng gobyerno na walang sahod pag absent. 

Binigyang-diin ng Senador na dapat pantay-pantay umano ang polisya sa no work, no pay. Ordinaryong manggagawa o maging matataas na opsiyal man. 

Kasunod nito, kinilala ni Tulfo ang boluntaryong pagpapatigil ni Sen. Jinggoy Estrada sa kaniyang sahod noong arestuhin ito. 

Samantala, matatandaan na naging sentro ng usapin ang no work, no pay dahil sa matahal na pagliban ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ngunit patuloy na tumagtanggap ng kaniyang sahod. ( DARIS JOSE)

Alex Eala bigong makapasok sa finals ng Berlin Open

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NATAPOS na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Berlin Open.

Ito ay matapos na talunin siya ni Linda Nosková ng Czech Republic sa semifinal round sa score na 2-6, 4-6.

Naging agresibo sa unang set pa lamang si Noskova kung saan nakuha nito ang kalamanagan na 3-1.

Sa ikalawang set ay sinubukan pa ni Eala na talunin ang ranked 13 player subalit ito ay mailap.

Ang nasabing laro ay bahagyang naantala ang pagsisimul dahil sa pagbuhos ng malakas na pag-ulan.

Makakaharap naman ni Noskova sa finals si Jessica Pegula.

Germany, tinalo ang Ivory Coast sa isang comeback game

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KUMAWALA mula sa mabigat na first half ang Germany at umiskor ng late comeback upang talunin ang Ivory Coast, 2-1, sa nagpapatuloy na World Cup competition

Matagal na na-outplay ang Germany sa unang bahagi ng laban at naiwan pa sa iskor matapos ang goal ni Franck Kessie sa ika-10 minuto ng laro paara sa Ivory Coast.

Sa kabila ng kontrol ng kalaban sa possession at tempo, nanatiling buhay ang Germany hanggang sa second half kung saan nagsimulang gumalaw ang bench strength ni coach Julian Nagelsmann. Pinasok ang ilang fresh players, kabilang si Deniz Undav, at dito unti-unting nagbago ang direksyon ng laro.

Nagpakita ng agarang epekto si Undav nang makapantay sa ika-68 minuto matapos ang long pass ni Nadiem Amiri, bago tuluyang tapusin ang comeback sa stoppage time sa isang clinical finish mula sa assist ni Felix Nmecha.

Dahil sa dalawang goals ni Undav, nakuha ng Germany ang mahalagang panalo at kinumpirma ang kanilang puwesto sa knockout stage.

Aminado ang German camp na hindi naging madali ang laban, ngunit binigyang-diin ang character at depth ng squad na nagbigay ng panalo kahit galing sa bench ang naging game-changer.

Ang resulta ay nagpalawig pa sa impressive run ng Germany, na patuloy na nagpapakita ng consistency sa kanilang kampanya matapos ang mga nakaraang World Cup disappointments.

Para sa Ivory Coast, nauwi sa sayang na pagkakataon ang maagang kalamangan habang bigo pa rin silang makuha ang unang knockout stage qualification sa kasaysayan ng kanilang kampanya.

Ads June 22, 2026

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ads June 20, 2026

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Sa sama ng loob nabanggit na nakitira sa kanila ang kapatid…LOTLOT, aware na si IAN ang bukod tanging tagapagmana ni NORA (ni: REY PINEDA) 

Posted on: June 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGAL nang namayapa ang Superstar na si Nora Aunor.

Subali’t hanggang sa kasalukuyan di pa rin matapus-tapos ang sinasabing alitan sa pagitan ng mga anak na naiwan nito.

Kamakailan lamang ay nag-guest si Ian de Leon sa Fast Talk With Boy Abunda.

Base sa mga tanong ni Kuya Boy, mahinahon itong sinagot ni Ian.

Deretso. Pero mukhang planado. Bagama’t seryoso, hindi namin narinig sa mga katanungan ang diretsong kasagutan.

Ang tanging natatandaan namin sa interview ay yung ibibigay niya ng ang dapat mapunta sa kanyang mga kapatid.

At ipinagdiinan nito na “time heals all wounds”. Ibig sabihin ang sugat na nalikha ng kanilang sinasabing alitan ay gagalling din sa tamang panahon.

Wala siyang ibinigay na detalye sa mga nangyari. Maging sa mga properties na naiwan ng kanilang ina.

Sa kabilang banda, napanood din namin ang pahayag ni Lotlot de Leon, at ang reaksyon nito tungkol sa nasabing guesting ni Ian. 

Sa mahabang pahayag ni Lotlot, naantig ang aming puso at damdamin. Sa kanya namin naramdaman ang tila katotohanan at sinseridad.

Nakapagbigay linaw ito at ipinagdiinan niyang wala silang hinahabol na mana, sampu ng kanyang mga kapatid na sina Matet, Kiko at Kenneth.

Binanggit din nito na binanggit niya kay Ian kung payag ba itong magbigay kung anuman ang naiwan ng kanilang ina. Hindi ito para sa pansarili niyang kapakanan. Kundi para sa kanyang mga kapatid.

Di naman kaila sa lahat na ilang taon din  na nawala si Ate Guy at nanirahan sa Amerika. Lahat ng kapatid ni Lotlot ay naiwan sa kanyang pangangalaga sa habilin na rin ng kanilan ina.

Sa sama siguro ng loob ni Lotlot, nabanggit na rin nito na kung ilang taon din tumira sa kanyang bahay si Ian. Yon yung panahon na asawa pa niya si Monching Gutierrez.

Hindi naman ito kaila sa mga fans ni Ate Guy. Naging isang huwarang ate si Lotlot sa kanyang mga kapatid.

Aware naman si Lotlot na si Ian ang bukod tanging tagapagmana ni Ate Guy. 

Kung nakapagtanong man si Lotlot ng ganun kay Ian tungkol sa mana, natural lang siguro bilang panganay siya at kapatid niya ang kanyang pinagtanungan. 

Higit sa lahat, alam niya sa kanyang sarili na kaya niyang tumayo sa sarili niya mga paa. May career siya. Hindi rin naman matatawaran ang abilidad niya kung pag-arte din lang ang pag-uusapan.

Malamang na ang gustong bigyang pansin ni Lotlot ay ang kapakanan ng tatlo niyang kapatid. Ang kinabukasan ng mga ito. 

Kung totoong gusto ni Ian na ibigay ang sa pakiramdam niya ay nararapat para sa kanyang mga kapatid, kailangan ba ang legalities?

Aminado naman ang mga kapatid nitong siya ang solong tagapagmana. Hindi kaya maganda kung siya na mismo ang magdesisyon na kusang loob na ibigay kung ano ang gusto niyang ibigay para sa mga ito? 

At kung totoong wala siyang intensyong angkinin ang lahat ng pag-aari ng kanilang ina, hindi ba dapat hindi na ito dumaan sa legalidad. 

HIndi ba sapat na puso ang magdikta sa kanya para tuluyan niyang maiparamdam na itinuturing niya silang mga kapatid!

Well, marami tuloy ang nagsasabing totoo nga… pera ang nagpapabago sa maraming tao.