• July 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

Seguridad sa ‘White Ribbon’ rally sa Hunyo 28, tiniyak ng PNP

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ng mahigpit na seguridad para sa gagana­ping White Ribbon Movement rally sa Hunyo 28 sa Edsa People Power Monument, kung saan inaasahang dadalo ang nasa 10,000 katao.

Ang paniniyak ay ginawa ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kasabay ng kanyang kautusan sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at iba pang yunit ng pulisya na magsagawa ng masusing security assessment sa lugar at mga kalapit na imprastraktura.

Pangungunahan ­ng Inter-Religious-Leaders Council for National Transformation mga religious group at civil society ang rally na nananawagan ng reporma sa halalan, mas mataas na pananagutan ng pamahalaan at mga hakbang laban sa korapsiyon at political dynasties.

Sinabi ni Nartatez na prayoridad ng pulisya na mapanatiling mapayapa ang pagtitipon at maiwasan ang anumang kaguluhan.

Ayon sa lead convenor ng religious group na si Bishop Colin Bagaforo, ang naturang rally ay karugtong ng Trillion Peso March protests na isinagawa noong nakaraang taon.

Ads June 24, 2026

Posted on: June 24th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Carlos Yulo at kapatid na si Eldrew kapwa nagkamit ng medalya sa Men’s Artistic Gymnastics sa China

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAPWA nag-uwi ng medalya ang magkapatid na Carlos at Eldrew Yulo sa 13th Men’s Artistic Gymnastics Senior Asian Championships na ginanap sa Zunyi, China.Mga Premyo Dahil sa Merito at Paligsahan

Nagkamit ng gintong medalya sa floor exercise final si double-Olympic champion Carlos Yulo.

Habang ang kapatid nito ay bronze medal matapos ang historic podium finish.

Mayroong kabuuang 14,700 points si Carlos habang silver medal naman ang naiuwi ni Shoma Tsukiyama ng Japan.

Habang mayroong 14,300 si Eldrew na sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine gymnastics ay nagkasama ang magkapatid sa isang senior-level podium.

Ito rin ang unang pagkakataon na nagkalaban ang dalawa sa senior Asian Championship level.

Mayroon pang dalawang event finals si Carlos sa araw ng Linggo habang si Eldrew ay mayroong isa pang apparatus final.

Eman Pacquiao, nabigo kay Rodelyn Perez sa PBF title fight

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BIGONG makuha ni Eman Bacosa Pacquiao, anak ni neight-division world champion Manny Pacquiao, ang Philippine Boxing Federation (PBF) lightweight title matapos siyang talunin ni Rodelyn Perez sa majority decision nitong Linggo ng gabi sa DRP Sports Complex.

Itinuturing na paborito sa laban si Pacquiao dahil sa kanyang record na 8 panalo, 1 talo at 1 tabla, kabilang ang limang panalo sa knockout. Gayunpaman, hindi natinag si Perez at nagpakita ng mahusay na depensa at agresibong opensiba upang makuha ang pabor ng mga hurado.

Sa pagtatapos ng laban, idineklara si Perez bilang bagong kampeon matapos makuha ang majority decision, na siyang nagtapos sa limang sunod na panalo ng batang Pacquiao mula pa noong Pebrero 2023.

Bago ang laban, hawak na ni Perez ang record na 5 panalo at 4 na talo. Kabilang sa kanyang mga naging panalo ay laban kina Nathaniel Bonggo at Conrado Tanamor.

19-anyos na delivery driver, isinelda sa sugal, droga sa Valenzuela

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BAGSAK sa selda ang 19-anyos na delivery driver nang makuhanan umano ng shabu makaraang maaresto habang nagsusugal kasama ng isang lalaki sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) si alyas “Jay-R”, residente ng Brgy., Mapulang Lupa.

Sa ulat, habang nagsasagawa ng Atni-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento sa Wistaria St., De Castro Subdivision, Brgy., Paso De Blas nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal umano ng ‘cara y cruz dakong alas-8:15 ng gabi.

Nilapitan nila ang mga ito saka nagpakilala bilang mga pulis na nakatalaga sa Police Sub-Station 1 bago inaresto at nakumpiska sa kanila ang bet money, pangara at isang plastic sachet na naglalaman hinihinalang shabu na nakuha umano kay alyas Jay-R. (Richard Mesa)

Impeachment trial ni VP Sara Duterte, posibleng umabot ng Setyembre

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

POSIBLENG umabot hanggang o lumagpas pa ng Setyembre ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dala na rin sa madami o malaking bilang ng mga saksi at documentary evidence na iprinepara ng panig ng prosekusyon at depensa.

Sinabi ni lead prosecutor Rep. Gerville Luistro na ang naunang timeline na tinataya ng prosekusyon ay maaaring hindi na sapat dala na rin sa laki ng saklaw ng kaso.

Ayon sa mambabatas, ang pinal na schedule ay nasa discretion pa rin ng impeachment court, at siyang magdedetermina kung ilang trial dates ang ilalaan sa magkailang panig.

Ang trial proper ay nakatakdang magsimula sa July 6.

Inihayag naman ni legal spokesperson at private prosecutor Benjamin Tolosa Jr. na hiniling ng prosekusyon ang nasa 62 trial dates, habang ang depensa ay humiling ng 30.

Pero, sinabi nito na maaaring mapabilis ang pagdinig depende kung papaano ito hahawakan ng korte ang presentasyon ng mga saksi. Maaari aniyang iharap ang ilang saksi sa isang araw ng hearing.

(Vina de Guzman)

Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez, nagpaabot ng pakikidalamhati at pakikiramay sa biktima ng pamamaril

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAABOT ng pakikidalamhati at pakikiramay si Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga kamag anak ng mga nabiktima ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong Lunes kung saan tatlo ang napatay at lima ang nasugatan.

“I am deeply saddened and heartbroken by the tragic shooting incident at that claimed the lives of students and left several others injured. Our thoughts and prayers are with the families of the victims, the injured students, their classmates, teachers, and the entire school community as they face this unimaginable tragedy,” pahayag ni Romualdez.

Ayon kay Romualdez, inatasan niya ang kanyang tanggapan upang makipag-coordinate sa mga awtoridad para bigyan ng assistance ang mga nabiktima.

“A school should always be a place of learning, safety, and hope. No parent should have to endure the pain of losing a child in a place where they are supposed to be protected. I have directed my office to coordinate with local authorities and relevant government agencies to determine what assistance can immediately be provided to the affected families,” sabi ni Romualdez.

Kasabay nito, nanawagan si Romualdez sa pulisya na alamin ang puno’t dulo ng insidente sa gitna ng mga lumalabas na ulat na bullying umano ang dahilan.

“As we mourn, we must also reflect on what more can be done to ensure the safety and well-being of our students. We owe it to our children, our teachers, and every Filipino family to make our schools places where young people can learn without fear. In this difficult time, let us unite as one community in prayer, compassion, and support for those affected,” sabi ni Romualdez. 

(Vina de Guzman)

Malakanyang, ipinag-utos ang masusing imbestigasyon kaugnay sa pamamaril sa loob ng eskuwelahan

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAG-UTOS ng Malakanyang ang masusing imbestigasyon kaugnay sa pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Barangay San Jose, Tacloban City, Lunes ng umaga, Hulyo 22 kung saan tatlong katao ang nasawi at lima ang nasugatan.

“Kinakalungkot ng Pangulo (Ferdinand Marcos Jr.) ang pangyayari. Kahit sino pa man lalo na ang mga magulang ng mga nabiktima ay makakaramdam ng lungkot at takot,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa Viber message.

“Iniuutos ang malalimang pag-iimbestiga rito at pinapasiguro ang proteksyon at kaligtasan sa lahat ng lugar, opisina, establisyimento lalong lalo na sa mga paaralan,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Sa ulat, nangyari ang insidente bandang alas-9 ng umaga. Isa sa dalawang suspek, isang child in conflict with the law (CICL) na residente ng Barangay San Jose, ang agad na naaresto. Patuloy namang tinutugis ang isa pang suspek na nakatakas.

Batay sa paunang imbestigasyon ng Tacloban City Police Office, walong katao ang tinamaan ng bala. Tatlo sa mga ito ang nasawi habang lima ang isinugod sa ospital para sa agarang gamutan.

Hindi pa inilalabas ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima habang hinihintay ang abiso sa kanilang mga pamilya.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng pamamaril at kung ano ang naging ugnayan ng mga suspek at mga biktima.

Nagsagawa na rin ng manhunt operation para mahuli ang ikalawang suspek. 

Samantala, mananatili sa kustodiya ng pulisya ang naarestong CICL at sasailalim sa mga legal na proseso alinsunod sa mga batas para sa mga menor de edad.

Patuloy ang masusing imbestigasyon sa isa sa pinakamalalang insidente ng pamamaril na may kaugnayan sa paaralan na naitala sa Tacloban City sa mga nakaraang taon. ( DARIS JOSE)

Pag-aaral, nauwi sa trahedya…3 nasawi, 5 sugatan sa pamamaril sa Tacloban school

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAUWI sa trahedya ang pamamaril sa loob ng San Jose National High School sa Barangay San Jose, Tacloban City, kung saan tatlo ang nasawi at lima ang sugatan.

Ayon sa pulisya, dalawang menor de edad na suspek ang sangkot sa insidente.

Isa sa kanila ang agad na naaresto sa loob ng paaralan, habang ang isa ay nakatakas ngunit kalaunan ay sumuko matapos makipag-ugnayan sa mga awtoridad.

Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na isa sa mga suspek ay nakaranas umano ng pambu-bully, ngunit patuloy pa ring iniimbestigahan ang motibo sa likod ng pamamaril.

Agad namang dinala sa ospital ang mga sugatan upang mabigyan ng lunas.

Nagdeploy ng karagdagang pwersa ang Police Regional Office-8 (PRO-8) upang matiyak ang seguridad sa lugar.

Samantala, suspendido muna ang klase sa San Jose National High School habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Nagpahayag ng pagtugon ang Department of Education Regional Office VIII at tiniyak na magbibigay ng psychosocial support sa mga estudyante at guro na naapektuhan ng insidente. ( DARIS JOSE)

Pagbabalangkas ng House Bill No. 9466 o National Nutrition Program sa Kamara, panawagan ni Speaker Bojie Dy III

Posted on: June 23rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DAHIL sa lumalaking bilang ng mga batang malnourished, pinanawagan ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang pagbabalangkas ng House Bill No. 9466 o National Nutrition Program sa Kamara.

Binanggit ni Dy ang latest findings ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), na nagpapakita ng pagtaas sa 25.3 percent ng kabansutan o malnutrisyon ng mga bata sa taong 2025.

“The House prioritized this measure (HB 9466) because we recognized that hunger and malnutrition are not only health issues—they are education issues, economic issues, and ultimately nation-building issues,” sinabi ni Dy.

Ayon kay Dy, ang malnutrisyon ay hindi lamang humahadlang sa paglaki ng isang bata kundi hinahadlangan din nito ang kanyang kakayahang matuto, mangarap, at magtagumpay. 

“Kaya sa bawat hakbang laban sa malnutrisyon, mas marami tayong batang nabibigyan ng pagkakataong maabot ang kanilang buong potensyal at mas magandang kinabukasan.” sinabi ni Dy.

Hangarin ng HB 9466 na palitan ang Republic Act No. 11037, o Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act, at palawakin ito sa National Nutrition Program para sa mga bata mula Kindergarten hanggang Grade 3, undernourished learners mula Grades 4 hanggang 12, nutritionally at-risk pregnant learners, children with disabilities, indigenous learners, and iba pang kabilang na vulnerable sectors. 

Kabilang din dito ang pagpapatibay ng maternal nutrition interventions, micronutrient supplementation, milk feeding, sanitation and hygiene programs, nutrition education, at suporta sa local farmers at fisherfolk. 

“Government services must reach people where the need is greatest. When a child goes to school hungry, that is not simply a nutrition problem. It affects classroom performance, educational outcomes, and future opportunities. Kung seryoso tayo sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon, kailangan din nating seryosohin ang laban kontra gutom at malnutrisyon. Hindi maaaring paghiwalayin ang dalawang ito.” sinabi ni Dy. 

(VINA de GUZMAN)