ISA ang sexy actress na si Julianne Richards sa hot item sa mundo ng VMX app.
Astig kasi ang kanyang alindog at kaseksihan.
Sa pelikulang “Desperada” na pinagbibidahan ni Robb Guinto, ipinakita ni Julianne na hindi lang siya sa hubaran o pagpapa-sexy may ibubuga, walang dudang may talento ang dalaga sa pag-arte.
Ang pelikula ay mula sa pamamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio. Ang rating ng movie ay R-18 dahil sa sensitibong tema nito, nudity, at ilang sex scenes with matching threesome pa.
Gumaganap dito si Julianne bilang isang pasaway na prosti.
Pahayag niya, “Ang role ko rito, I portray Gigi po, isa po siyang prostitute with a strong and rebellious personality.”
Inusisa pa namin ang seksing talent ni Lito de Guzman hinggil sa kanilang pelikula na palabas na ngayon sa mga sinehan.
“May pagka-sexy dahil sa role ko po, pero I would say I wasn’t too overly sexy, sakto lang po. Mas naka-focus po siya sa istorya ng character ko,” pakli ni Julianne.
May love scene sila sa loob ng nitso, mahirap bang gawin?
“Medyo na challenge rin po, kasi masikip yung space at limited po yung puwedeng gawin sa loob,” aniya pa.
Paano niya ide-describe ang kanilang pelikula?
Seryosong pahayag niya, “I would describe it as a story of bravery. A film that raises awareness about mental health, trauma and human connection. This film is definitely one for the books for me po, sa lahat ng movies na nagawa ko so far.”Pinuri rin ni Julianne sina Robb, direk Louie, at ang mga co-star niya sa ‘Desperada.’
“Si Ate Robb at si Direk Louie, I felt so light and comfortable working with them po. Sobrang bait po nila and even though I was really challenged by my role, they made my experience easier for me, including the rest of the cast. I’m so grateful na naka-work ko po sila,” nakangiting pahayag ni Julianne.
Ang pelikula ay handog ng LDG Production nina Lito de Guzman at Daniela Carolino.
Tampok din dito sina Yasser Marta, Sue Prado, Mercedes Cabral, Marife Necessito, Adda Musni, Jorge Guda, at iba pa.