• October 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Djokovic tinanghal na kampeon sa China Open

NAGKAMPEON sa China Open si Novak Djokovic.

Ito ay matapos na magretiro sa finals ang katunggali nito na si Alex de Minaur.

Hawak ng 39-anyos na Serbian tennis star ang kalamangan 7-6(7/3) ng umayaw na sa second set ang Australian player na si de Minaur.

Ang nasabing panalo ay siyang pang-102 na titulo sa kaniyang karera.

Sinabi nito na nais niyang makita ang sarili na kasama ang trophy lalo na kapag ito ay nasa China.