Aware ang mga may-ari na nagtatago ang aktor:KEN, palipat-lipat sa pinagtatrabahuhan na mga bars
- Published on May 29, 2026
- by Francis Paolo Torres
ISANG mapagkakatiwalaang source ang nagpatunay sa amin na nasa Bangkok, Thailand nga si Ken Chan.
Ayon sa aming source kasalukuyan daw itong nagtatrabaho sa mga bars sa may Silom area.
Binanggit pa ng aming source na palipat-lipat daw ng mga bars si Ken. Aware daw ang may-ari ng mga bars na nagtatago ito. Kapag may mga taga-immigration daw na naghahanap itinatago daw ito sa CR.
Sabi pa nga ng aming source, nakakalbo na raw ngayon si Ken. Dagdag naman ng isang kasama niya, marahil daw ay stress-related na ang cause ng baldness ni Ken.
HIndi nga raw ito napapakali sa trabaho dahil palaging may alalahanin na baka nga siya mahuli at mapauwi ng Pilipinas.
Kung inyong matatandaan, nasangkot ang dating Kapuso actor sa syndicated estafa case.
Tumataginting na P14 million ang perang involved, dahil sa nalugi nitong restaurant na ltinawag noon na Cafe Claus.
November 2024 nung i-serve ang warrant of arrest ng Quezon City Police sa bahay ng aktor. Subalit wala ang aktor at hindi ito matagpuan.
Ayon sa report, iginiit ng kampo ni Ken na wala itong ini-scam na pera. At lalong wala itong ninakaw.
Ang totoong dahilan lang daw ay ang pagkalugi nito at sinasabing business brankruptcy ang dahilan.
Marami tuloy ang umuusisa na kung talagang wala naman daw kasalanan itong si Ken bakit hindi ito umuwi at harapin ang kasong kanyang kinakaharap. Bakit daw kailangan nitong magtago?
Kung naniniwala daw itong “truth will prevail” eh, patunayan daw nito at harapin ang mga taong kanyang nakasosyo sa negosyo.
***
TOTOO ba ang balitang may mga sisibakin daw na main host ang “It’s Showtime”
Ayon sa balita, dalawang main host daw ang tatanggalin sa nasabing noontime show.
May mga nagsabing gusto raw unahan ng network ang mga main hosts na ito kaya gusto na nilang sibakin bago sila iwanan ng mga ito.
Ang totoo daw kasi, may offer ang dalawang main host na ito sa ibang network. For sure, mas malaki ang offer. Mas maganda ang mga benepisyo.
Kamakilan lang, na-interview daw si Ogie Alcasid tungkol sa nasabing isyu.
Pero, tila walang kaalam-alam si Ogie sa nasabing balita. Unaware daw ito sa isyu.
Ayon naman sa ibang netizen, isa raw si Ogie sa mga nasasabing main host na na-offer-an ng ibang network.
Baka naman ayaw pa lang umamin kasi hindi pa naman plantsado ang offer.
Well, kung totoo man ang isyung ito. Desisyon naman nila yon. At kung totoo nga, wala namang masama kung para sa career growth ito.
Kapag nagkataon at nawala ang dalawang main host na ito sa “It’s showtime” sigurado lang na hahatakin nito ang ratings pababa.
Well…ganyan talaga sa showbiz.
Yung sinasabing loyalty. minsan nababayaran.