• October 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Warriors, tinambakan ang Lakers sa NBA pre-season games, 124-98

PUMUTOK ang opensa ng Golden State Warriors matapos nitong tambakan ang Los Angeles Lakers sa opensiba ng NBA pre-season games sa pinal na score na 124-98.

Agad na nagpasiklab ang Warriors sa unang quarter pa lamang nang magrehistro ito ng 45 puntos laban sa 31 puntos ng Lakers, bago tuluyang pinalawig ang kanilang kalamangan sa 28 puntos sa pagtatapos ng unang kalahati ng laro, 81-53.

Bagama’ t naglaro lamang ng 14 minuto si Stephen Curry, nakapagtala pa rin ito ng 16 puntos kasama ang tatlong 3-pointers, habang nanguna naman ang rookie na si Yaxel Lendeborg na nag-ambag ng 17 puntos at siyam na rebounds para sa Golden State.

Sa panig ng Lakers, kinapitan ng koponan ang bagong sentro na si Sandro Mamukelashvili na kumana ng 15 puntos at isang block upang pangunahan ang kanilang iskoring sa gitna ng kabiguan.