• October 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Public Park at Parking sa Ilalim ng Skyway sa Caloocan, isinusulong

PARA SA CALOOCAN: Sa pagtutulungan nina Congressman Egay Erice at Mayor Along Malapitan, kasama ang mga kinatawan ng DOTr, DPWH at iba pang stakeholders, isinagawa ang isang coordination meeting upang pag-usapan ang posibleng paggamit ng mga open spaces sa ilalim ng skyway sa Lungsod ng Caloocan.

Tinalakay ang posibilidad na gawing public park at parking area ang bahagi ng mga ito, pati na rin ang mga susunod na hakbang at kinakailangang koordinasyon para maisulong ang panukala para sa kapakinabangan ng komunidad. 

(Richard Mesa)