• May 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April, 2026

20 OPISYAL NG PHILIPPINE COAST GUARD, ITINAAS ANG RANGGO

Posted on: April 18th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISINAGAWA ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sabay-sabay na donning of ranks at oath-taking ceremony para sa 20 bagong na-promote na flag-rank officers sa National Headquarters, Port Area, Maynila.

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-angat ng ranggo ng dalawang Coast Guard Rear Admiral at 18 Coast Guard Commodore..

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez ang mga na-promote dahil sa kanilang mahusay na serbisyo at propesyonalismo. Binigyang-diin niya na ang kanilang dedikasyon ay nakatulong upang mapataas ang reputasyon ng ahensya at makapaghatid ng karangalan at tiwala sa taumbayan.

Samantala, ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan, ang pag-abot sa flag rank ay may kaakibat na mas mataas na antas ng pananagutan at responsibilidad. Iginiit niya na ang promosyon ay hindi lamang pagbabago ng posisyon, kundi muling pagpapatibay ng kanilang dedikasyon sa serbisyo at sa organisasyon.
Kabilang sa mga na-promote na opisyal ng PCG ay sina:
1. Rear Admiral John Esplana – Commander, Coast Guard Aviation Command
2. Rear Admiral Marco Antonio Gines – Commander, Coast Guard Logistics Systems Command
3. Commodore Jane Gesulgon – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Maritime Security Law Enforcement
4. Commodore Jonathan Marfil – Commander, Coast Guard District Eastern Visayas
5. Commodore Glen Daraug – Chief of Staff, Coast Guard Fleet
6. Commodore Lejanie Dy – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Civil Relations Service
7. Commodore Jerome Cayabyab – Commanding Officer, Coast Guard Communications and Electronics System
8. Commodore Jimmy Naisod – Commander, Coast Guard Special Operations Force
9. Commodore Joselito Maluyo – Commander, Explosive Ordnance Disposal Group / Acting Superintendent, Special Operations School
10. Commodore Julian Bayawa Jr. – Deputy Commander, Coast Guard District Central Visayas
11. Commodore Dann August Cariño – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Operations
12. Commodore Richard Paragas – Commander, Coast Guard Finance Service
13. Commodore Cynthia Esquivias – Deputy Commander, Coast Guard Inspector General and Internal Affairs Service
14. Commodore Noemie Cayabyab – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Education and Training / Acting Commander, Coast Guard Public Affairs Service
15. Commodore Jose Mari Cucharo – Deputy Commander, Coast Guard Aviation Command
16. Commodore Rolando Lorenzana – Commander, Coast Guard District Northeastern Luzon
17. Commodore Laurel Paul Mariano Jr. – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Ships and Aircrafts Engineering
18. Commodore Eliezer Dalnay – Director, National Port State Control Service
19. Commodore Eric Ferrancullo – Deputy Chief of Coast Guard Staff for Strategic Studies and Modernization
20. Commodore Lawrence Roque – Commander, Aids to Navigation Service

Ang seremonya ng donning of ranks ay isang tradisyon sa Coast Guard na sumisimbolo sa pagtanggap ng responsibilidad at pagpapakita ng tiwala ng pamunuan sa kanilang kakayahan bilang mga lider.
(Gene Adsuara)

VIP PRISONERS SA BUCOR, GATASAN NI GEN. CATAPANG

Posted on: April 18th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL nang pinagkakakitaan di umano ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang ang ilang mayayamang foreign prisoners na namumuhay ng VIP treatment o mistulang naghahari-harian sa loob ng mga bilangguan na pinapatakbo ng BuCor sa iba’t ibang panig ng bansa.

Isa na rito ang notoryus na drug kingpin na si Park Wang Yeol aka “Worldwide” na na-extradite kamakailan lamang patungong South Korea matapos makulong nang halos dekada na sa Muntinlupa na pinangangasiwaan ng BuCor.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source sa loob ng BuCor, malaki laki na raw ang ipon nitong si General Catapang dahil limpak limpak na salapi ang kapalit o mga padulas maipagpatuloy lamang ang marangyang pamumuhay gaya na lamang sa naturang Koreano bukod pa sa iba pang high profile inmates na pawang Chinese nationals.

Ang nagagawa nga naman ng salapi ano basta’t may padulas, alagang-alaga ka raw ni Gen. Catapang kaya’t tuloy ang luho at ligaya sa loob ng bilangguan dito lamang yan sa BuCor.

Kaya naman malamang sa malamang ay labas masok pa rin ang mga kontrabando sa loob ng mga kulungan ng BuCor gaya ng droga basta’t may lagay ka.

Alam kaya ito ng Malacanang? Pihadong sibak sa tungkulin itong si BuCor Chief Catapang oras malaman ni Pangulong Bongbong Marcos ang nangyayaring kabulastugan sa kanyang ahensya.

Kamakailan lamang ng madiskubre ang mala- hotel na pasilidad sa loob ng BuCor na pinapaupahan kada araw di umano ni Gen. Catapang sa mga High Value Chinese Prisoners.

Kaya naman patuloy ang pamamayagpag ng mga maimpluwensiyang bilanggong foreigners na karamihan ay napapabilang na Intsik na puro VIP treatment sa mga bilangguan ng BuCor partikular sa Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro.

Patuloy kasing pinahihintulutan ng sindikato ito kung saan may tinatanggap na padulas mula sa mga foreigners na gustong gumamit ng pasilidad.

Malaking salapi ang katumbas nito kaya ba nakakapag-remit si Gen. Catapang noon ng male-maletang pera na pinatunayan ng 18 marines ng idawit ang heneral sa naturang isyu.

Napag-alamang nagsimula ang VIP treatment ng mga dayuhang bilanggo simula sa termino ni Gen. Catapang kung saan kaya pala malakas ang loob ng heneral na gumawa ng raket dahil ka close pala nito o ka brad si dating Justice Secretary Crispin Boying Remulla na kasalukuyang tumatayong Ombudsman.

Totoo kaya ito Mr. Ombudsman Boying? Aba naman kapag malaman pa ito ni Ombudsman ay tiyak yare itong si Gen. Catapang dahil mismong pangalan na nya ang nakakaladkad sa isyu.

Mukhang marami-rami pang anomalya itong sindikato ni Gen. Catapang ang matutuklasan sa loob ng BuCor dahil sa hindi maiwasang ikanta ng ilang nasa loob ng BuCor ang mga kababalaghan sa kanilang ahensya. Abangan ang susunod na kabanata! (JPR)

Zaldy Co, pinigil sa German border matapos pumasok mula sa Czech Republic- PBBM

Posted on: April 18th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pagulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Biyernes na pinigil si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa German border matapos pumasok mula saCzech Republic.
Isang araw bago ianunsyo ng Pangulo ang pag-aresto kay Zaldy Co, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa mga opisyal ng Czech.
“Our coordination with Czech authorities continues. The latest information confirms that Zaldy Co was stopped at the German border after entering from the Czech Republic,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang social media post.
“He was denied entry and returned to Czech authorities, where he remains in custody,” aniya pa rin.
Sa ulat, ang pugante at dating mambabatas na si Zaldy Co ay inaresto sa Prague para sa diumano’y ilegal na entry, kinumpirma ng Malakanyang, araw ng Huwebes.
Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez na si Co ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Czech Republic, at ang mga awtoridad ng Pilipinas ay nakikipagtulungan sa Czech authorities upang ayusin ang pagbabalik ni Co sa Pilipinas.
“We confirm that Zaldy Co was detained in Prague for crossing into the Czech Republic without proper documentation. He is presently in Czech custody,” ani Gomez sa isang pahayag.
Ang presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Jr. inanunsyo rin ang pagkakaaresto ni Co sa isang social media post.
“We are in close coordination with the Czech government to ensure that all legal processes are followed and to arrange for his return to the Philippines at the soonest possible time,” ang sinabi ni Gomez.
“We will keep the public informed as developments unfold,” aniya pa rin.
Si Co, ang dating chair ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ang pambansang badyet ng Pilipinas, ay nasangkot sa diumano’y mga iregularidad kaugnay ng flood control projects.
Siya ay idineklarang pugante na tumatakas mula sa hustisya matapos mabigo na magpakita sa hurisdiksyon ng Sandiganbayan, na nag-isyu ng arrest warrant laban sa kanya at iba pang mga tao noong Nobyembre 2025 dahil sa diumano’y mga iregularidad sa multi-million road dike project sa Naujan, Oriental Mindoro.
( Daris Jose)

PULIS NA HUMARANG SA FIRE VOLUNTEER, PINAPAIMBESTIGAHAN

Posted on: April 18th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na imbestigahan ang isang pulis-Maynila na humarang umano sa isang fire volunteer na rumesponde sa insidente ng sunog sa residential area Tondo, Maynila nitong Miyerkules ng gabi.

Sa nasabing insidente nagkaroon ng komosyon sa makitid na kalsada habang dumaraan ang mga responder.

Hindi umano agad pinadaan ang Fire truck ng mga responders sa gitna ng emergency response .
Sakay ng kanyang motorsiklo nang humarang ito sa bumbero saka lumapit at nagpakilalang pulis habang nakikipagtalo sa mga Fire volunteers.

Samantala , sa panayam kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Reyes Dela Fuente , sinabi na ipinatawag niya na ang nasabing pulis na umano’y nakatalaga sa MPD-Station 12.
Hiniling din nito sa MPD na magsagawa ng masusing imbestigasyon para matukoy ang pananagutan nito sa mga sangkot sa insidente.
Dagdag pa ni Dela Fuente , ipinaalam na rin niya ito sa Office of the Mayor.
Aniya, sa ganitong mga pagkakataon ay mahalagang magbigay-daan sa lahat ng emergency vehicles at responders lalo na s a oras ng sunog upang maiwasan na lumala pa ang insidente.
Noong Miyerkules ng gabi sumiklab ang sunog sa residential area sa Sevilla Street sa Barangay 121, Tondo na inakyat sa ikatlong alarma.
Tumagal ang sunog ng dalawang oras kung saan nasa 30 pamilya ang nawalan ng masisilungan. (Gene Adsuara)

NHA, NAGGAWAD NG 377 BAGONG TAHANAN PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

Posted on: April 18th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang iginawad ng National Housing Authority (NHA), sa pamamagitan ng tanggapan nito sa Region XII, ang 377 na mga yunit ng pabahay sa isinagawang seremonya na ginanap sa Brgy. Magbok, Tulunan, Cotabato.

Sa ilalim ng pamamahala ni NHA General Manager Joeben A. Tai, pinangunahan nina NHA Region XII Manager Engr. Zenaida Cabiles at Kidapawan District Manager Joel R. Reintar ang turnover activity para sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng lindol sa Mindanao noong 2019.

Ipinatupad sa ilalim ng Housing Assistance Program for Calamity Victims (HAPCV) ng ahensya, ang proyekto ay mayroong 27.5 sq.m single-detached units na binubuo ng sala, kwarto, kusina, at banyo, gayundin ang linya ng tubig, kuryente, at poso negro.

Itinayo ng NHA ang mga pabahay sa apat (4) na project sites sa loob ng Tulunan, partikular sa mga barangay ng New Caridad (52), Paraiso (140), Batang (63), at Magbok (122). Bilang karagdagang bahagi ng programa sa pag-turnover ng mga susi, namahagi din ang ahensya ng mga sertipiko ng paggawad (Certificates of Award) sa mga kwalipikadong benepisyaryo, na nagsisilbing opisyal na patunay ng kanilang pagtanggap ng mga pabahay.

Bilang kinatawan ni GM Tai, nagpahayag ng pasasalamat si RM Cabiles sa mga stakeholder ng ahensya, habang kinikilala ang matiyagang paghihintay ng mga benepisyaryo sa pagtatapos ng proyekto at pinaalalahanan sila hinggil sa pagpapanatili ng maayos na kondisyon ng mga yunit ng pabahay.

Ang kaganapan ay dinaluhan din ni Cotabato Province Governor Emmylou “Lala” J. Talino-Mendoza, na kinatawan ni Cotabato 3rd District Board Member Joemar S. Cerebo, Tulunan Municipal Mayor Lee Roy V. Villasor, Office of the Civil Defense (OCD) 12 Director Rodrigo O. Sosmena, mga pangunahing lokal na opisyal, mga empleyado ng NHA at mga katuwang na kontraktor.

Ang NHA, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., ay patuloy na makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor upang matiyak ang pagtatayo ng mga de-kalidad at disaster-resilient na mga pabahay sa loob ng mga ligtas na komunidad at malayo sa mga lugar na mapanganib, upang higit pang maisakatuparan ang layunin ng isang Bagong Pilipinas.
(PAUL JOHN REYES)

Dahil sa matinding init ng panahon… Quezon City LGU ikinasa Urban Heat and Drought summit

Posted on: April 18th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IKINASA ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kauna-unahang Urban Heat and Drought Summit sa Pilipinas kasunod ng tumitinding init ng panahon sa bansa partikular sa Metro Manila.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng summit na itulak ang agaran at inclusive climate action ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagtaas ng antas ng init ng panahon.
Prayoridad ng summit ang pag-unawa sa mga ­panganib ng matinding init at tagtuyot sa mabilis na urbanizing environments, pagsusulong ng mga solusyong tumutugon sa klima at inclusive cooling solutions at pagsasalin ng kaalaman tungo sa aksyon sa pamamagitan ng mga patakarang at programang nakabatay sa ebidensya.

“Extreme heat is no longer a future threat—it is a present danger with real social, economic, and environmental consequences. In Quezon City, we are seeing its impact most sharply among our most vulnerable. That is why we are acting now—working with partners across sectors to ensure that our solutions are not only effective, but inclusive and sustainable.” dagdag ni Belmonte.

Ads April 18, 2026

Posted on: April 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

The circle of trust just got bigger. Watch the trailer for FOCKER-IN-LAW, starring Ben Stiller, Robert De Niro and Ariana Grande

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

THE Focker family is expanding. Focker-In-Law, written and directed by John Hamburg, who co-wrote the three previous Meet the Parents films (Meet the Parents, Meet the Fockers, Little Fockers), sees Ben Stiller and Robert De Niro together again for another family reunion, this time joined by Ariana Grande. Watch it only in cinemas when it opens in the Philippines November 25.

Watch the trailer: https://youtu.be/vWj3QuTAA78 This November, comedy icon and Emmy winner Ben Stiller and two-time Oscar® winner Robert De Niro reunite, joined by Grammy winner and Oscar® nominee Ariana Grande, in Focker-In-Law, a new chapter in the blockbuster Meet the Parents franchise.

Written and directed by John Hamburg, who co-wrote the three previous Meet the Parents films, Focker-In-Law is produced by Oscar® nominee Jane Rosenthal and Robert De Niro for Tribeca Productions; Ben Stiller and Oscar® winner John Lesher for Red Hour Films.

Genre: Comedy

Cast: Robert De Niro, Ben Stiller, Ariana Grande, Owen Wilson, Blythe Danner, Teri Polo, Skyler Gisondo, Beanie Feldstein, Eduardo Franco

Written and directed by: John Hamburg

Producers: Jane Rosenthal, Robert De Niro, Ben Stiller, John Lesher, Jay Roach, John Hamburg

#FockerInLawMovieC@paramountpicsph

Photo and Video Credit: “Paramount Pictures”

(ROHN ROMULO)

Nananahimik sa isyu bilang respeto sa namayapang ina… LOTLOT, nilinaw na naghahabol siya ng mana mula kay NORA

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA pamamagitan ng isang banal na misa ay idinaos ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni Nora Aunor.
Pinangunahan ito ng magkakapatid na Lotlot, Kenneth at Matet de Leon at kani-kanilang pamilya, idinaos ang misa sa St. John Paul II Parish sa loob ng compound ng Eastwood Mall sa Katipunan.
Dumalo ang Diamond Star na si Maricel Soriano na malapit na kaibigan at katrabaho nina Lotlot at Matet at siyempre ng yumaong Superstar at National Artist for Film and the Broadcast Arts.
Matapos ang misa at isang simpleng salu-salo o lunch ng pamilya nina Lotlot, Kenneth at Matet ang naganap.
Wala sa ginawang paggunita sa Superstar ang apo nitong aktres na si Janine Gutierrez dahil nasa malayong probinsiya ito para sa lock-in taping ng bagong proyekto ng young actress.
Ang unico hijo naman ni Lotlot na si Diego Gutierrez ay nasa Thailand para sa isang commitment na dati na nitong nasagutan.
Pumanaw ang Superstar isang taon na ang nakakaraan sanhi ng acute respiratory failure sa edad na 71.
Naglabas din ng official statement ang kampo ni Lotlot kaugnay ng mga rebelasyon ni Ian tungkol sa kanilang yumaong ina sa interview ni Rico Hizon sa “Beyond the Exchange” ng ANC.
Nilinaw ni Lotlot ang ilang isyu sa pamamagitan ng kanyang legal counsel na si Mark Julius Estur ng Estur & Associates, kabilang na ang tungkol sa mga naiwang assets ng ina.
“Our client, Ms. Lotlot de Leon, eldest daughter of our late National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts, Ms. Nora Aunor, would be issuing this statement today to clarify her lack of involvement with any, or all, initiatives organized by Mr. lan de Leon, relative to the administration and management of the estate of their mother in light of the recent interview he had on the 71 episode of ABS-CBN News Channel’s Beyond the Exchange with journalist and veteran anchor, Rico Hizon.
“To dispel any speculations and doubt, Ms. de Leon was not in any way and in any capacity involved or consulted in the establishment of a One Person Corporation (OPC) for both a foundation and an enterprise in honor of Ms. Nora Aunor which Mr. lan De Leon has mentioned in his interview.
“In fact, it is our view that a Foundation cannot be established through an OPC legally. Any statement of attribution to Ms. de Leon is misleading and a false representation,” simula ng opisyal na pahayag ni Lotlot.
“She has not participated in the founding, management or fundraising efforts of the OPCs that Mr. Ian de Leon has established and that her personal charitable efforts remain focused elsewhere.
“In Mr. de Leon’s recent interview, he stated that, despite the claim of being the sole heir, our Client and her siblings are still included in the plans.
“Our client denies such statement as insofar as she is concerned, she was not consulted and simply informed at the very least of any participation or plans for the administration of their mother’s estate.
“To our client’s knowledge, there is no Last Will and Testament executed assigning sole administration and authority to the estate of their mother.
“Ms. de Leon is not after any inheritance nor seeking for any gain attached to the estate and legacy of her mother.
“She has stepped away completely and this was a conscious and respectful decision after Mr. lan de Leon chose to take full responsibility for all legal matters.
“Relative to the foundation that our client has previously established together with her siblings, Mr. lan de Leon was informed about this matter beforehand and he expressed his support then.
“It was deeply hurtful and difficult to understand on our client’s end when, after the foundation’s YouTube channel and Facebook page were made public, he denied knowledge of the same. lan De Leon and our Client have no communication since.
“Ms. de Leon has remained silent before out of respect for their mother and to avoid further conflicts during an already difficult time. But that silence has been misunderstood. Our client will not allow her name to be dragged into something she is not a part of, or used in a way that does not reflect the truth.
“Our client stands independently and refuses to be part of a false narrative. We ask the public and media to kindly ensure that her name is not used in association with Mr. lan De Leon’s efforts. No further comments on this matter shall be made.
“Today is National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts, the late Ms. Nora Aunor’s first death anniversary, let us continue to honor her memories and remember her with love.
“We extend our sincere gratitude to the public for the continued love and support for Ms. Nora Aunor. Her legacy will continue to live on through those whose lives she has touched,” kabuuan pa ng pahayag ng premyadong aktres.

(ROMMEL L. GONZALES)

Sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaraanan… COCO at JULIA, naniniwala sa muling pagbangon ng ABS-CBN

Posted on: April 17th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS na naglabas ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng Lopez family, na may kinalaman sa pagsasara ng network at ‘di makakuha ng bagong prankisa.
Bahagi nga ang statement na iminugkahi ng isang miyembro ng Board of Directors na itigil na ang operasyon ng ABS-CBN nang walang pag-uusap kung paano haharapin ang obligasyon ng kumpanya sa mga tao.
Makikita rin daw sa records na ipinaglaban ng majority ng directors ang patuloy na financial support sa ABS-CBN, sa halip na pagsasara nito, para sa kapakanan ng mga empleyado at retired employees pati na rin ang iba pang stakeholders.
Sa isang joint statement mula sa CMM Production, naglabas ng saloobin ang celebrity couple na sina Coco Martin at Julia Montes, naniniwala sila sa muling pagbangon ng ABS-CBN.
Sa panimula ng naturang statement, “Ang ABS-CBN ay tahanan ng mga pangarap, kuwento at pag-asa ng milyun-milyong Pilipino.
“Sa kabila ng matitinding pagsubok na pinagdaraanan ng ABS-CBN kami ay kasamang lumalaban – hindi lang para sa aming sarili kundi para sa bawat Pilipinong nagtitiwala at patuloy na sumusuporta.”
Dagdag pahayag pa nila, “Sa lahat ng pinagdaraanan ng ating Kapamilya Nerwork palagi tayong makikiisa sa laban at makikiisa sa paninindigan.
“Sa bawat hamon mas lalong tumitibay, at sa bawat pagsubok, mas lalo nating pinanghahawakan ang ating layunin – ang maglingkod, magbigay saya, at maghatid ng kuwento ng bawat Pilipino.
Panghuli ng statement, “Naniniwala kami na muling babangon ang ABS-CBN.

“Maraming salamat sa inyong walang sawang pagmamahal, tiwala, at suporta. Kayo

ang dahilan kung bakit patuloy kaming lumalaban, Kapamilya.”

(ROHN ROMULO)