Dahil sa matinding init ng panahon… Quezon City LGU ikinasa Urban Heat and Drought summit
- Published on April 18, 2026
- by @peoplesbalita
IKINASA ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kauna-unahang Urban Heat and Drought Summit sa Pilipinas kasunod ng tumitinding init ng panahon sa bansa partikular sa Metro Manila.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng summit na itulak ang agaran at inclusive climate action ng lokal na pamahalaan hinggil sa pagtaas ng antas ng init ng panahon.
Prayoridad ng summit ang pag-unawa sa mga panganib ng matinding init at tagtuyot sa mabilis na urbanizing environments, pagsusulong ng mga solusyong tumutugon sa klima at inclusive cooling solutions at pagsasalin ng kaalaman tungo sa aksyon sa pamamagitan ng mga patakarang at programang nakabatay sa ebidensya.
“Extreme heat is no longer a future threat—it is a present danger with real social, economic, and environmental consequences. In Quezon City, we are seeing its impact most sharply among our most vulnerable. That is why we are acting now—working with partners across sectors to ensure that our solutions are not only effective, but inclusive and sustainable.” dagdag ni Belmonte.