• July 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 29th, 2026

ZALDY CO, WALA SA CUSTODY NG CZECH AUTHORITIES-DOJ

Posted on: April 29th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

WALA na sa kustodiya ng Czech authorities ang puganteng si dating Ako Bicol Partylist Rep.Zaldy Co., ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida.

Ang impormasyong nakuha ni Vida ay matapos ang kanyang pakikipagpulong sa ministry of Justice ng Czech Republic.

Sa isinagawang press conference mula sa Czech , sinabi ni Vida na nasa Schengen area na si Co batay sa kanilang nakalap na impormasyon ngunit hindi pa alam kung saan ang eksaktong kinaroroonan nito.

Ang Schengen area ay sakop umano ang Poland, Germany, Austria at Slovakia.

Ayon kay Vida, hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang Czech authorities maliban sa tugon na wala na sa kanilang teritoryo si Co.

Nanawagan naman si Vida sa mga Filipino sa Schengen area na ipagbigay alam ang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng dating mambabatas.

Si Co ay unang napaulat na nahuli sa Prague Czech Republic. (Gene Adsuara)

Matapos pigilin sa Czech Republic: PBBM, dismayado nang malaman na nasa France na pala si Zaldy Co

Posted on: April 29th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

DISMAYADO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang malaman nitong nasa France na ang puganteng si dating Cong. Zaldy Co mula sa Czech Republic.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na iniulat ng Department of Foreign Affaris (DFA) sa Pangulo na nakatanggap ang departamento ng ‘highly reliable information’ na si Zaldy Co ay may pending petition para sa political asylum sa France.
“He has been requested to be transferred to and is now under the jurisdiction of French authorities. All missions in Europe have been instructed to obtain further official confirmation,” ayon kay Castro.
Kaya nga aniya nang makausap niya mismo si Pangulong Marcos ukol sa development na ito ay sinabi ng Pangulo sa kanya na disappointed ito sa mga nangyari dahil malapit na aniya sana na napauwi ng gobyerno ng Pilipinas si Zaldy Co subalit dahil mayroong ibang bansa na sangkot at lumalabas na ang nalabag lamang ni Zaldy Co ay ang paggamit ng invalid documentation kaya aniya ang bansang Czech Republic ang siya aniyang mag-uutos kung ano ang gagawin kay Zaldy Co.
Nauna rito, sinabi ni Castro na umaga ng araw ng Martes, Abril 28 ay natanggap na ng Malakanyang ang kumpletong ulat mula kay Justice Secretary Frederick Vida at Foreign Affairs (DFA) Secretary Teresa Lazaro kaugnay ng kalagayan ng puganteng si Zaldy Co.
Batay aniya sa high level engagement nina Vida at Lazaro sa mga opisyal ng Czech Republic at sa mga kinatawan ng European Union, malinaw na ang mga hakbang na ginagawa ay naka-angkla sa paggalang sa umiiral na mga batas ng EU at mga member states nito.
Ang ganito aniyang mga usapin ay nangangailangan nang masinsinang diplomatikong proseso at koordinasyon sa pinakamataas na antas at ito mismo aniya ang ginagawa ng gobyerno ng Pilipinas mula nang matukoy na hawak ng Czech Republic authorities si Zaldy Co dahil sa paggamit ng invalid documentation.
Sa kasalukuyan aniya, kumpirmado aniyang wala na sa kustodiya ng Czech authority si Zaldy Co.
Tiniyak naman ni Castro na nananatiling matatag ang posisyon ng pamahalaan sabay sabing “we will work with foreign governments through every legal channel available under international laws to bring Zaldy Co home and face the graft and malversation cases filed against him.”
“Gagawin natin ang lahat ng naaayon sa batas at sa diplomatikong proseso,” diing pahayag ni Castro.
Samantala, inaasahan naman na magkakaroon ng pagpupulong, araw ng Miyerkules, Abril 29 si Pangulong Marcos kasama ang Ambassador ng France at Ambassador ng Czech Republic o chargé d’affaires para mapag-usapan kung anong pagkukulang, kung anong dapat na ginawa at ano ang dapat na maaari pang gawin para maibalik si Zaldy Co sa Pilipinas.

Makikita sa Commission on Audit (COA) kung magkano ang kabuuang halaga na ginastos ng Malakanyang sa pagpunta ng government team sa Prague para isulong ang pagpapauwi kay Zaldy Co sa bansa.
“Hindi naman po nagpunta doon ang ating mga opisyal para magbakasyon. Pinunta po nila doon ay trabaho para po sa kondisyon at kalagayan ni Zaldy Co. Kung anuman po ang nagastos dito, ito po ay trabaho ng gobyerno – maaari po itong makita sa COA,” ang sinabi ni Castro. ( DARIS JOSE)

Inamin na dream project ang ‘Love is Never Gone’… IVANA, hindi nagpahuli at tinapatan ang husay ni JOSHUA

Posted on: April 29th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UNANG beses lang na napanood nina Joshua Garcia at Ivana Alawi ang kanilang serye, ang “Love Never Gone” sa special screening ng pilot episode nito.

Parehong masaya ang dalawa sa napanood nila. Beyond expectation nga raw. Si Joshua nang tanungin sa naging reaction niya after watching their pilot episode, “Masaya ko. Masaya ko for everyone. Speechless kasi ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang ganda, ang ganda!”

Si Ivana naman, “Maganda, sobrang ganda! Grabe kanina noong pinapanood ko, sabi ko, grabe, parang pelikula.

“First episode pa lang ng Love is Never Gone, ang ganda. Ang dating niya, para kang nanood ng pelikula. Gano’n siya ka-puno. Full of action, ang dami, ang daming mapapanood.”

Sinasabi nga ni Ivana na dream project niya ang ‘Love is Never Gone.’

At in fairness, may chemistry nga sina Joshua at Ivana. Yung tipong habang tumatagal, mas lumalabas ang chemistry. Magaling na actor talaga si Joshua at si Ivana ay hindi nagpahuli kay Joshua, para sa amin, ito ang best niya.

Siyempre, muli rin tinukso ni Ivana si Joshua sa paghalik nito na napatunayan niyang higop kiss daw. At naku, isa ito sa mga eksenang aabangan.

Sa May 8, sa Prime Video na mapapanood ang Love is Never Gone kasama rin ang loveteam nina JM Ibarra at Fyang Smith, Jane Oineza, Dina Bonnevie, Ara Mina, Epy Quizon at Jameson Blake.

***

GUSTO naming isipin na okay na si KC Concepcion sa kanyang Dad o stepfather na si Senator Kiko Pangilinan.

Hindi nakalimutang batiin ni KC ang kanyang ina na si Sharon Cuneta at si Kiko sa 30th annoversary nila.

Sa threads, sinabi ni KC kasama ang larawan ng buo nilang pamilya na, “Happy anniversary, KiWie. 30 years deserves an award, well earned!🥇 Thank you for all the love, the lessons, and for always doing your best for each other all these years. Mom and Dad, with all my love 🌹🌹🌹🌹🌹🌹 @reallysharoncuneta kiko.pangilinan.”

(ROSE GARCIA)

Dahil sa sobrang pagod at stress sa pagrampa… HEART, inalala na nahilo at nawalan ng malay sa gitna ng kalye

Posted on: April 29th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAY nakakaloka palang nangyari kay Kapuso actress at global icon Heart Evangelista noong um-attend siya ng 2025 Milan Fashion Week noong 2025 kung saan talaga raw hinimatay siya sa sobrang pagod at stress, kaya bumigay na ang kanyang katawan.
Sa last episode ng “Heart World” na napapanood every Saturday night sa GMA 7, umabot daw ng more than 10 shows bukod pa sa ilang personal commitments.
Say pa ni Heart, naaalala pa raw niya ang nangyari sa kanya matapos um-attend sa show ng Versace…
“14 shows tapos may mga events pa yata saka ang dami pa na ‘di na kaya.
“Kasi made-dextrose na yung videographer ko, si Tin. Nahimatay din ako sa Milan, by the way, na-black out ako sa gitna ng daan after the Versace show.
“Parang nanlalamig ako na ‘di ko maintindihan, akala ko dahil sa kinain ko or something. Sumuka ako nang konti pero walang lumabas,” pahayag pa ni Heart.
Bigla daw siyang nahilo, nahimatay at mawalan ng malay sa gitna ng kalye.
Nagising na lang daw siya na napapalibutan na ng mga tao.
“Sabi ko, ‘Halika na, umuwi na tayo.’ Totoo pala yung mga saying na nakakita ka ng mga bituin, ang dami kong nakitang bituin.

“Tapos sabi ko kay Ghil (stylist ni Heart), parang hihimatayin yata ako pero akala niya nagdyo-joke ako.

“Alam mo talagang pak! Hindi ko na matandaan. Nagising na lang ako hawak-hawak na nila ako. Ando’n kami sa labas ng restaurant, nahimatay ako sa daan,” kuwento pa ng asawa ni Sen. Chiz Escudero

Dahil sa nakakalokang pangyayariu, nag-promise si Heart na kakain na siya at iinom ng maraming tubig. Mas magiging conscious na siya sa kanyang health, lalo na kapag nasa ibang bansa siya. (ROHN ROMULO)

Matuloy na kaya ang pagsasanib nila ni Bossing Vic… VICE GANDA, may bonggang collab na aabangan sa ‘MMFF 2026’

Posted on: April 29th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISA si Vice Ganda sa pararangalan ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) sa 9th EDDYS na magaganap sa Hulyo bilang Box Office Hero ng nakaraang taon para sa pelikulang ‘Call Me Mother.’
Kasama niyang pararangalan sina Maricel Soriano para sa ‘Meet, Greet & Bye’, Kim Chiu at Paulo Avelino para sa ‘My Love Will Make You Disappear’, at Richard Gutierrez para sa ‘Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.’
Isa ito sa highlights taun-taon sa The EDDYS.
Samantala, balitang-balita na may bonggang collab na aabangan para sa MMFF 2026.
Ayon sa Best Actor ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 may ikinakasa na raw silang entry.
“Nakailang meeting na rin naman kami,” pahayag ng Unkabogable Star.
“Nagbe-brainstorm kami every now and then. Nakailang meeting na kami…
“Bongga yung ka-collab ko this time!”
May bali-balita o isinusulong na maka-collab niya at si Vic Sotto raw ito.
“Hindi ko alam. Hindi ako masyadong nagbabasa lately. Basta, isa siyang pasabog na collab,” paniniguro niya ng premyadong komedyante.
“Yeah, oo. E, kasi yun din naman… siyempre antagal ko na rin namang nagso-solo movie.
“So excited din yung mga tao na makita kung sino yung ibang puwede ko pang makasama sa pelikula,” dagdag pa niya.
At dahil birthday ni Bossing Vic kahapon, April 28 ay nagbigay siya ng pagbati…“Happy, happy birthday, Bossing! I love you for life! Gusto mong magka-movie tayo, Bossing?”
Naitanong din kay Vice kung nagkita na ba sila ni Bossing Vic?
“Last Christmas! Last Christmas, oo, holiday season last year. Last December lang sa Hong Kong, nagkita kami,” sagot ni Vice.
“Same hotel kami. Kasama niya si Sir Val Sotto. Family daw sila.”
Anyway, hindi na pinalampas ng members of the press kung ano ang sentiments ni Vice na may pinagdadaanan na naman ang ABS-CBN.
Tungkol nga ito sa sigalot sa pagitan ng Lopez family.
“E, for the longest time, wala naman akong ibang puwedeng gawin kundi ipagdasal ang ABS-CBN, di ba?” sersoyong pahayag ni Vice.
“Magmula pa noong natanggalan ng prangkisa yan, di ba? So, wala naman akong ibang puwedeng gawin kundi ipagdasal sila at suportahan sila at manatili akong kasama nila habang lumalaban sila sa mga pagsubok nila, yung ganun.
“And hopefully… siyempre kahit naman siguro kayo, di ba? Hopefully, mas gusto natin na masolusyunan kung ano man yung mga problema nila.
“Kasi, mas maraming makikinabang na mga pangkaraniwang Pilipino kung magiging mas maayos na yung sitwasyon ng ABS-CBN.
“Kasi hindi lang naman mga artista at mismong nagtatrabaho sa ABS ang nakikinabang sa ABS-CBN, e.
“The entire country has been served by ABS-CBN, di ba? Hindi lang mga programa nila ang serbisyong naibibigay ng ABS-CBN kundi marami pang ibang mga uri ng serbisyong naibigay sa lipunan ng ABS-CBN, e.”
Dagdag pa niya, “Yung simple nga lang, di ba, na pag may mga sakuna… yung parang nawalan ng isang malaking plataporma na nakapagbibigay-alam sa mamamayan tungkol sa mga sitwasyon ng sakuna, di ba?
“Yung nagbibigay ng mga babala sa mga sakuna. Isa yan sa mga sentimyento ng mga tao na, ‘Kasi walang ABS,’ kaya hindi sila masyadong informed. Di ba?
“So, bukod sa mga taong nagtatrabaho mismo sa kumpanyang yan, maraming nakikinabang sa ABS na pangkaraniwang mamamayan.
“Na yun ang sana, dalangin natin na hindi maputol. Kasi sa ngayon, ang kailangan ng mga Pilipino ay serbisyo hindi lamang sa gobyerno kundi sa iba pang mga tao, di ba?”

(ROHN ROMULO)

Sanay na rin na iba-iba ang nakakapareha… ENRIQUE, masayang-masaya sa bagong proyekto sa TV5 na ka-partner si ANDREA

Posted on: April 29th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BAGONG bahay at bagong kapareha, masayang-masaya si Enrique Gil sa kanyang bagong proyekto sa TV5, ang ‘A Secret In Prague’ kung saan sila ni Andrea Brillantes ang mga bida.

“Dito ako in a way, nasanay e,” umpisang sinabi ni Enrique.

“So, to be back doing it and so with the new cast, of course, with a new partner.

“‘Yung production team po na kinuha namin, yung ating mga crew, mga direktor, yung mga AD (assistant director), yung mga pagdating sa camera, naka-work na po namin from the previous network.

“I grew up na kasama sila, so parang isang malaking reunion din po para sa akin yun.”

Gusto raw ni Enrique ang isang happy set at puro happy vibes.

“Gusto ko, pagbalik ko, parang good memories lang, happy yung set, happy vibes, iyon talaga ang no. 1 na non-negotiable ko.

“Talagang I made sure na I felt comfortable lang, parang pamilya,” nakangiting sinabi pa ni Enrique.

Isang romantic-comedy series ang ang ‘A Secret in Prague’ nila ni Andrea, na first time makakatrabaho ng guwapong aktor.

Kumusta katrabaho si Andrea?

“It feels good, it feels okay and alright,” pakli ni Enrique.

“Actually, before the loveteam, sanay na po ako na lagi po akong pine-pair sa lahat usually, e.

“So, sanay na rin po akong, you know, iba-iba yung kapareha.

“Pero medyo matagal lang kasi e, matagal bumalik ulit sa ganito.

“So, parang nag-full circle yung buhay ko, parang back to how it was before.

“So, it’s very refreshing po,” pahayag pa ng aktor.

Unang pagtatambal ng ultimate heartthrob na si Enrique at si Gen Z Queen na si Andrea, sa ‘A Secret In Prague’ ay gaganap si Enrique bilang Mikoy, isang masipag at pursigidong anak at kapatid na lumipad papuntang Prague para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Mahaharap sa panganib si Mikoy sa Prague nang atasan siya ng isang secret organization para bantayan ang fierce at fearless na anak ng isang mafia na si Chiara (Andrea).

Ang ‘A Secret in Prague’ ay co-produced ng Slingshot Studios (na partner din si Enrique), isinulat ni Mark Duane Angos, at idinirehe nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria.

Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., pagkatapos ng ‘Frontline Pilipinas’ sa TV5.

(ROMMEL L. GONZALES)

Sobrang proud sa asawa na magaling at madiskarte… RODJUN, hindi apektado kung mas malaki ang kinikita ni DIANNE

Posted on: April 29th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINDI apektado si Rodjun Cruz kung ang dating sa ibang tao ay mas malaki ang kinikita ng misis niyang si Dianne Medina.
Si Dianne ay abala sa pagiging content creator, actress/host at entrepreneur at sa bagong tatag na DM Studios.
Si Rodjun ay isang actor/ dancer at content creator.
“Never akong nagkaroon ng insecurities kay Dianne, dahil sa awa ng Diyos, magmula nang maging kami ni Dianne, tuluy-tuloy ang trabaho ko.
“Halos lahat ng istasyon nalipatan ko na, halos lahat ng parte Luzon, Visayas at Mindanao, naikot ko na.
“Ngayon kasi nagpo-post tayo sa social media, di naman nila alam lahat ng pino-post.
“Talagang binless tayo ni Lord na parehas kami lagi na may ginagawang work.
“Ang maganda sa amin ni Dianne nag-start kami na may dream, may pangarap.
“Kaya nga hindi kami ikinasal agad kasi ako mismo gusto ko bago ko pakasalan si Dianne, may enough savings na rin ako.”
Alam ni Rodjun sa sarili niya na masipag siyang magtrabaho lalo pa nga at bata pa lamang sila ng kapatid niyang si Rayver Cruz ay nag-aartista na sila.
“Ako, proud ako sa asawa ko kahit sabihin nila si Dianne magaling, madiskarte.
“Pero kami ni Rayver, eleven pa lang ako, si Rayver nine, nagtatrabaho na kami. Alam namin ang hard work. And hindi biro na maabot namin kung nasaan kami ni Rayver ngayon.
“Alam natin sa industry na hindi forever yan, e. Minsan nasa taas ka, minsan nasa baba ka.
“Sa industry natin, pag di ka na masyadong visible, nag-age ka na, hindi lagi kang may work.
“Yun ang maganda sa amin ni Rayver, na-all around kami, bukod sa pag-aartista, bukod sa pag-arte, may mga out-of-town shows kami.
“Mabuti na rin na mayroon tayong mga followers, naging influencer tayo, nagpo-promote tayo ng mga brands din.
“Marami naman tayong kayang gawin, ginagawa. Pero di ko naman kayang sabihin sa ibang tao kasi ako hangga’t maari, bina-balance ko ang lahat.
“Thankful na lang ako kay Lord na continuous yung blessings.
“Hindi ko pinapatulan ang mga ganun kasi ang mga bashers, wala naman silang ginagawa pero sila yung masyadong perfect na, ‘O, walang ginagawa.’
“Sobrang proud ako sa aming mag-asawa. Kunwari, mas lumaki ang kinikita sa akin ni Dianne, okay lang sa akin yun, asawa ko naman yun.
“Ang maganda sa amin ni Dianne, team kaming dalawa.”
(ROMMEL L. GONZALES)

Ang aktres lang ang nagtaob kay Bea… PIOLO, gustung-gusto na muling makasama si JUDY ANN bago sila tumanda

Posted on: April 29th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SA latest vlog ni Matteo Guidicelli na “Matteo G Primetime” na napapanood sa YouTube, inamin ni Piolo Pascual na gustong-gusto niyang makasama si Judy Ann Santos.

Sa segment na “Last Leading Ladies Standing” ay papapiliin ni Matteo si Piolo kung sino sa mga larawang ipapakita niya ang gusto niyang makatrabaho ulit.

Kasama sa mga pinagpilian sina Bea Alonzo na nakatambal niya sa “Dreamboy” noong 2005 at Angel Locsin para sa “Love Me Again” noong 2009.

Sagot ng aktor: “I love them both. I can’t choose one because they’re both my friends.”

Si Bea ang napili ni Piolo dahil mas nauna raw niyang nakilala kumpara kay Angel, kahit na mahal niya ang huli.

Sumunod si Toni Gonzaga‑Soriano na naka‑work ng aktor sa “Starting Over Again,” noong 2014 versus Bea.

“Oh my! That’s hard. I love Tin,” sagot ni Piolo.

Sey naman ni Matteo: “I know you love all your leading ladies but that is not the question. The question is if you’re given a project, who would you like to choose.”

“Okay, I’ll go for Bea. I’ve done two movies with Tin and Bea, Dreamboy, so I want to work together again, so, yeah, it’s Bey.”

Sambit pa ni Piolo: “Your game is complicated, ha, ha. ”

Si Dawn Zulueta – Lagdameo ang next na inilaban kay Bea na naka‑work ni Piolo sa “Love Me Tomorrow” noong 2016.

“I love Ms. Dawn, I super love her face very motherly when we did the movie together and we still in touch and icon ‘yan, classic beauty but I still go with Bea,” katuwiran ni Piolo.

Sumunod naman si Claudine Barretto na nakasama ni Piolo sa “Milan” noong 2004 versus Bea.

“Clau, wow! Yeah, I go along way back with Clau, she helped me a lot on my career, we did a movie, Milan and she really took care of me.
“We shot in Milan, Rome, Venice she really took care of me when I was just starting sa Star Magic, but I go with Bea as well. Love you Clau,” pahayag pa ni Papa P.

At si Judy Ann na nga ang sunod na ipinakita ni Matteo na nakasama ni Piolo sa pelikulang “Don’t Give Up on Us” noong 2006.

“Okay, I’ll just let you know that I’ve been wanting to work with Juday for the longest time siguro just what she said, we just wait with the right project.
“We did 5 or 6 movies, a lot of teleseryes and she’s really helped me a lot on my career, you know.
“And if even a chance, sana hindi kami sobrang tumanda ng husto bago magkatrabaho ulit. I’ll go with Juday. I love you Bey,” pahayag ni Piolo.

Hindi naman mawala ang asawa ni Matteo na si Sarah Geronimo‑Gudicelli na nakasama naman ni PJ sa “The Breakup Playlist” noong 2015 na ibinangga naman kay Judy Ann.

“I still want to work with Sarah G after Breakup Playlist, especially now that she’s your wife and sensitive rin kasi si Sars, magaling umarte si Sars, pero siyempre ibibigay ko na siya sa tamang tao, so, sa iyo na si Sars, sa akin na si Juday,” may, diin na sambit ni Piolo.

“Really?” hindi makapaniwalang tanong ni Matteo.

Kahit na muling tinanong ni Matteo si Piolo ay nanatiling si Juday pa rin ang sagot ng aktor.

Mukhang hindi matanggap ni Matteo na mas pinili ni Piolo si Judy Ann kaysa kay Sarah?

“So, Judy Ann Santos wins!” say ni Matteo.

Hirit pa ni Matteo: “So, if you guys would make a movie, what movie would this be, action because Juday shoots now, Bro. (drama ang sagot ni Piolo), but she shoots now, she’s (into) guns.”

Anong project kaya ang gusto niyang gawin nila ni Juday: “Actually, I was suggesting to Star Cinema to think of a crime‑drama, something more serious, suspense thriller something like that.”

“Like Mr and Mrs Smith?” mabillis na sabi ni Matteo na sinangayunan naman ni Piolo

Isiningit pa rin ni Matteo si Sarah at tinanong kung ano ang naging experience ni Piolo noong ginawa nila ang “The Breakup Playlist.”

“Bro, aside from Breakup Playlist, amazing film what’s your core memory about this movie with Sarah.”

“We’re doing hard kasi pareho kaming hindi marunong maggitara, so pareho kaming nangangapa, so, there was a bit of a challenge,” pagbabalik-tanaw ni Piolo .

“How was working the wife?” tanong ulit ni Matteo.

“It was fun, it was…mahiyain si Sars, di ba alam mo ‘yan, di ba? Pino‑po pa rin niya ako. I have fun working with her, she’s really committed and mahal ng camera, she’s a very great actress as well,” kwento ng aktor.

Dagdag pa ni Matteo: “But I hope you guys can work again together, if not a movie or in a TV show or a concert or can be…you and Sarah husband and wife, I can be your son, ha, ha, ha, ha.”

“No? No? Well, it’s was just a dream if we can back time, instead of Breakup Playlist instead of Sarah, it can be you and I. Please show the poster,” lahad pa ni Matteo.

Nakakaaliw ang poster ng “The Breakup Playlist” na pinalitan ni Matteo ang mukha ni Sarah.

(ROHN ROMULO)

Ads April 29, 2026

Posted on: April 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments