• April 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inamin na dream project ang ‘Love is Never Gone’… IVANA, hindi nagpahuli at tinapatan ang husay ni JOSHUA

UNANG beses lang na napanood nina Joshua Garcia at Ivana Alawi ang kanilang serye, ang “Love Never Gone” sa special screening ng pilot episode nito.

Parehong masaya ang dalawa sa napanood nila. Beyond expectation nga raw. Si Joshua nang tanungin sa naging reaction niya after watching their pilot episode, “Masaya ko. Masaya ko for everyone. Speechless kasi ako, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang ganda, ang ganda!”

Si Ivana naman, “Maganda, sobrang ganda! Grabe kanina noong pinapanood ko, sabi ko, grabe, parang pelikula.

“First episode pa lang ng Love is Never Gone, ang ganda. Ang dating niya, para kang nanood ng pelikula. Gano’n siya ka-puno. Full of action, ang dami, ang daming mapapanood.”

Sinasabi nga ni Ivana na dream project niya ang ‘Love is Never Gone.’

At in fairness, may chemistry nga sina Joshua at Ivana. Yung tipong habang tumatagal, mas lumalabas ang chemistry. Magaling na actor talaga si Joshua at si Ivana ay hindi nagpahuli kay Joshua, para sa amin, ito ang best niya.

Siyempre, muli rin tinukso ni Ivana si Joshua sa paghalik nito na napatunayan niyang higop kiss daw. At naku, isa ito sa mga eksenang aabangan.

Sa May 8, sa Prime Video na mapapanood ang Love is Never Gone kasama rin ang loveteam nina JM Ibarra at Fyang Smith, Jane Oineza, Dina Bonnevie, Ara Mina, Epy Quizon at Jameson Blake.

***

GUSTO naming isipin na okay na si KC Concepcion sa kanyang Dad o stepfather na si Senator Kiko Pangilinan.

Hindi nakalimutang batiin ni KC ang kanyang ina na si Sharon Cuneta at si Kiko sa 30th annoversary nila.

Sa threads, sinabi ni KC kasama ang larawan ng buo nilang pamilya na, “Happy anniversary, KiWie. 30 years deserves an award, well earned!🥇 Thank you for all the love, the lessons, and for always doing your best for each other all these years. Mom and Dad, with all my love 🌹🌹🌹🌹🌹🌹 @reallysharoncuneta kiko.pangilinan.”

(ROSE GARCIA)