Sanay na rin na iba-iba ang nakakapareha… ENRIQUE, masayang-masaya sa bagong proyekto sa TV5 na ka-partner si ANDREA
- Published on April 29, 2026
- by @peoplesbalita
BAGONG bahay at bagong kapareha, masayang-masaya si Enrique Gil sa kanyang bagong proyekto sa TV5, ang ‘A Secret In Prague’ kung saan sila ni Andrea Brillantes ang mga bida.
“Dito ako in a way, nasanay e,” umpisang sinabi ni Enrique.
“So, to be back doing it and so with the new cast, of course, with a new partner.
“‘Yung production team po na kinuha namin, yung ating mga crew, mga direktor, yung mga AD (assistant director), yung mga pagdating sa camera, naka-work na po namin from the previous network.
“I grew up na kasama sila, so parang isang malaking reunion din po para sa akin yun.”
Gusto raw ni Enrique ang isang happy set at puro happy vibes.
“Gusto ko, pagbalik ko, parang good memories lang, happy yung set, happy vibes, iyon talaga ang no. 1 na non-negotiable ko.
“Talagang I made sure na I felt comfortable lang, parang pamilya,” nakangiting sinabi pa ni Enrique.
Isang romantic-comedy series ang ang ‘A Secret in Prague’ nila ni Andrea, na first time makakatrabaho ng guwapong aktor.
Kumusta katrabaho si Andrea?
“It feels good, it feels okay and alright,” pakli ni Enrique.
“Actually, before the loveteam, sanay na po ako na lagi po akong pine-pair sa lahat usually, e.
“So, sanay na rin po akong, you know, iba-iba yung kapareha.
“Pero medyo matagal lang kasi e, matagal bumalik ulit sa ganito.
“So, parang nag-full circle yung buhay ko, parang back to how it was before.
“So, it’s very refreshing po,” pahayag pa ng aktor.
Unang pagtatambal ng ultimate heartthrob na si Enrique at si Gen Z Queen na si Andrea, sa ‘A Secret In Prague’ ay gaganap si Enrique bilang Mikoy, isang masipag at pursigidong anak at kapatid na lumipad papuntang Prague para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.
Mahaharap sa panganib si Mikoy sa Prague nang atasan siya ng isang secret organization para bantayan ang fierce at fearless na anak ng isang mafia na si Chiara (Andrea).
Ang ‘A Secret in Prague’ ay co-produced ng Slingshot Studios (na partner din si Enrique), isinulat ni Mark Duane Angos, at idinirehe nina Barry Gonzales at Paco Sta. Maria.
Napapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., pagkatapos ng ‘Frontline Pilipinas’ sa TV5.
(ROMMEL L. GONZALES)