Dahil sa sobrang pagod at stress sa pagrampa… HEART, inalala na nahilo at nawalan ng malay sa gitna ng kalye
- Published on April 29, 2026
- by @peoplesbalita
MAY nakakaloka palang nangyari kay Kapuso actress at global icon Heart Evangelista noong um-attend siya ng 2025 Milan Fashion Week noong 2025 kung saan talaga raw hinimatay siya sa sobrang pagod at stress, kaya bumigay na ang kanyang katawan.
Sa last episode ng “Heart World” na napapanood every Saturday night sa GMA 7, umabot daw ng more than 10 shows bukod pa sa ilang personal commitments.
Say pa ni Heart, naaalala pa raw niya ang nangyari sa kanya matapos um-attend sa show ng Versace…
“14 shows tapos may mga events pa yata saka ang dami pa na ‘di na kaya.
“Kasi made-dextrose na yung videographer ko, si Tin. Nahimatay din ako sa Milan, by the way, na-black out ako sa gitna ng daan after the Versace show.
“Parang nanlalamig ako na ‘di ko maintindihan, akala ko dahil sa kinain ko or something. Sumuka ako nang konti pero walang lumabas,” pahayag pa ni Heart.
Bigla daw siyang nahilo, nahimatay at mawalan ng malay sa gitna ng kalye.
Nagising na lang daw siya na napapalibutan na ng mga tao.
“Sabi ko, ‘Halika na, umuwi na tayo.’ Totoo pala yung mga saying na nakakita ka ng mga bituin, ang dami kong nakitang bituin.
“Tapos sabi ko kay Ghil (stylist ni Heart), parang hihimatayin yata ako pero akala niya nagdyo-joke ako.
“Alam mo talagang pak! Hindi ko na matandaan. Nagising na lang ako hawak-hawak na nila ako. Ando’n kami sa labas ng restaurant, nahimatay ako sa daan,” kuwento pa ng asawa ni Sen. Chiz Escudero
Dahil sa nakakalokang pangyayariu, nag-promise si Heart na kakain na siya at iinom ng maraming tubig. Mas magiging conscious na siya sa kanyang health, lalo na kapag nasa ibang bansa siya. (ROHN ROMULO)