• April 29, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ZALDY CO, WALA SA CUSTODY NG CZECH AUTHORITIES-DOJ

WALA na sa kustodiya ng Czech authorities ang puganteng si dating Ako Bicol Partylist Rep.Zaldy Co., ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida.

Ang impormasyong nakuha ni Vida ay matapos ang kanyang pakikipagpulong sa ministry of Justice ng Czech Republic.

Sa isinagawang press conference mula sa Czech , sinabi ni Vida na nasa Schengen area na si Co batay sa kanilang nakalap na impormasyon ngunit hindi pa alam kung saan ang eksaktong kinaroroonan nito.

Ang Schengen area ay sakop umano ang Poland, Germany, Austria at Slovakia.

Ayon kay Vida, hindi na nagbigay pa ng karagdagang impormasyon ang Czech authorities maliban sa tugon na wala na sa kanilang teritoryo si Co.

Nanawagan naman si Vida sa mga Filipino sa Schengen area na ipagbigay alam ang impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng dating mambabatas.

Si Co ay unang napaulat na nahuli sa Prague Czech Republic. (Gene Adsuara)